SIAP: Escape Plan #59.2

604 5 0
                                    

NOTE NI MAWI:

HI guys! Miss me?

Ang hirap pala talaga ng walang computer! Hassle ako sa pag-type sa phone ko e! Hahahah. Atleast nakaraos ako di ba? Oh sya, eto na! Woot woot! Sana magustuhan niyo!

I need feedbacks!

Continuation of Escape Plan #59

<Tor's POV>

???: "Becca nag-inquire dito 'yung SCBA para sa JS PROM coverage, sabi tawag ka daw do'n para sa agreement."

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng makalabas sila Becca sa headquarter. Maayos naman ang lahat, si Yanie nagte-therapy pa din siya gawa ng balikat niya. Si Red ayon todo alaga kay "Lhabs" niya. Si Lo-Kuya Louie naman bitter pa din kasi binaril ko siya, ang OA no'n ano ba naman ung 3 days siya knock-out at pag-gising niya may naka-drawing kung anu-ano sa mukha niya, grabe halos patayin niya ako sa sobra asar. Si Denise naman nasa rehabilitation center ng QGMI pa din siya, kailangan niya pa din ito dahil sa traumatic experiences niya.

And as for Becca, sabi niya mukhang may mangyayari daw pero hindi niya matandaan kung ano, saan at kailan basta pagkagising niya si kuya Alex agad ang hinanap niya buti na lang at kami ni kuya Alex ang nakatoka na magbantay sa kanya no'ng araw na iyon.

Kung nagtataka kayo kung sa'n nagsususulpot si kuya Alex, do'n siya kay tito Axein nakatira gawa ng iba pang business na pagmamay-ari nila. Nakilala ko na sila, si tito Axein at si Papa, oo, tatay namin ni kuya Louie, nakakaloko nga no'ng nakita-kita kami.

Umiyak ba naman si Papa! Ang baliw lang e!

**#flashback#**

Tita Xandra: "Amil, relax ka lang! Parang kang baliw sige ka hindi ko papapasukin 'yung kambal dito."

Nasa tabi kami ng pintuan ng isang condo.

Louie: "tol lagot ka kay Am-papa. Putek hindi ako sanay ng papa ang tawag sa kanya."

Tor: "ako ba sanay? Buti ka nga nakasama mo si mama, e ako nga ni hindi ko nga siya nakita."

Louie: "alam ko pero 'di ba nga sabi ko naman sa'yo na-"

Tor: "na mahal ako ni mama at hindi naman natin 'to ginusto. Oo alam ko 'yun, nakinig naman ako sa'yo no'ng sinabi mo 'yun."

Napatingin ako sa pintuan.

???: "let them in Xandra. I'll behave, swear. I won't bite. Aray! Nak ng tokwa't baboy walanjok naman makabatok tong amazonang 'to."

Tita Xandra: "bite ka dyan! At sinong amazona ang tinatawag mo! Gus-"

???: "papasukin mo na sila Xandie at ikaw Amil tantanan mo na 'tong asawa kong amazo-aray!"

Mukhang pareho pa nga silang nabatukan ng tita naming ama-wala lang baka masampiga rin ako mahirap na.

Lumabas na si tita Xandra at sinenyasan kami na pumasok. Nagkatinginan naman kami ni Louie (ayaw ko na siyang tawaging kuya tinatamad ako) at pumasok na kami.

Nakita namin si tito Axein (kahawig siya ni Becca pero parang nakita ko na siya dati.) at 'yung isa naman ay ang papa namin masasabi kong sa kanya ako nagmana kasi carbon copy niya ako.

Tita Xandra: "Mil, 'eto si Tor and Louie."

Tinuro kami ni tita para malaman kung sino si Tor at sino si Louie.

Tita Xandra: "Tor, Louie ito naman ang papa niyo si Am-"

Nagulat ako nang bigla niya kaming niyakap, panigurado gano'n din si Louie.

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now