SIAP: Escape Plan #60.3

426 5 2
                                    

SIAP: Escape Plan 60.3

3 months later…

*kkkrrrrrrrrrrrrriiiinnnnnnnnnngggggg!*

Alarm clock. Alarm clock.

Kinapa ko kung nasaan ‘yung alarm clock.

BINGO! *click*

???: “Nasaan ako?”

Kinusot ko ‘yung mga mata ko, bigla akong napa-isip…

‘sino nga ulit ako?’

Napansin kong may papel na nakadikit sa nook o.

‘Ang pangalan mo ay Rebecca Alexie Rodriguez Sarmiento. Nicknames: Becca/ Alexie/ Lexie’

Becca…pamilyar.

Pagtingin ko sa kumot ko may mga nakadikit din na mga papel tapos may mga pictures din. Sa bawat pagbasa ko ng mga papel unti-unti din bumabalik ang mga ala-ala ko. Sa may pintuan may life size na cardboard na picture ng lalaki, may name tag pa nga na nakasabit sa kanya.

‘Ako si Tor. Ang gwapo at mahal na mahal ni Becca.’

Infairness gwapo nga siya. May nakadikit na walkman sa kamay niya, may headphones at cassette tape din sa loob. May note ulit.

‘kunin mo ‘yung malaking scrapbook sa likod ng gwapong-gwapo kong picture.’

Ang conceited naman nitong “boyfriend” ko. Ba’t ko ba kasi ‘to sinagot?

Sinunod ko naman ‘yung mga instructions niya, uto-uto kasi ako.

Pumunta ulit ako sa kama ko. Inilagay ko ‘yung headphones sa tainga ko at pinindot ang ‘play’ sa walkman.

???: “…*static* ehem.. ehem… mic test 1,2,3”

Siya ata si Tor.

Tor: “Hi Becca! Kamusta na ? naaalala mo na ba ako? It’s been 3 months na simula noong magkamalay ka. Nakakaloko nga e kasi every 2 weeks kinakailangan naming magpakilala sa’yo. It’s like every 2 weeks para kang nagigising  galling sa panaginip.”

 Every 2 weeks? That sucks.

Tor: “Don’t worry side-effect lang daw ‘yun noong sleeping pellets… Anong sleeping pellets? Ikukwento ko sa’yo kapag magaling ka na. nakita mo nab a ‘yung scrapbook? Kung hindi pa e i-pause mo muna ‘to tapos tignan mo muna ‘yung scrapbook.”

Sinunod ko naman siya. Pagkatapos kong i-pause ay binuksan ko na ‘yung scrapbook. Nakita ko ‘yung picture ko noong bata ako, bawat picture may caption. Bawat picture may naaalala ako. Bawat picture bumabalik lahat. Sinarado ko ‘yung scrapbook at kumaripas pababa.

Becca: “Kuya! Kuya Alex!”

Umakyat ulit ako sa taas. Inisa-isa ko ang bawat kwarto.

Becca; “Mommy? Daddy?”

Bakit walang tao?

Becca: “Tor! Nasaan nab a kayo?”

Nahalughog ko na ang buong bahay pero wala talagang tao kaya naman bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko. Baka naman kailangan ko pang tapusin ‘yung scrapbook at tape.

Binuklat ko muli ‘yung scrapbook, patuloy ang pagbuklat hanggang san aka-abot ako sa dulo.

‘Bumaba ka ba? Wala sila sa bahay. Technically ikaw lang ang nand’yan. ‘wag mo na kaming hanapin pero kung talagang naaalala mo na ang lahat tawagan mo ako sa number na ‘to 092********

<3 Tor’

Dali-dali kong kinuha ‘yungtelepono at dinail ‘yung number niya.

*kkkkrrrriiiiiinnngggggggggg-kriiiiiiinnn*

Becca: “hello?”

Walang sumasagot.

Becca: “Tor?”

Wala pa din.

Becca: “Tor, sumasagot ka. Naaalala ko na ang lahat mahal na mahal kita Tor.”

Bigla niyang binaba ‘yung phone at wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak.

???: “IIyak ka na lang ba talaga d’yan Blueberry ko?”

Napatigil ako sa pag-iyak.

Becca: “Ba’t mo ako binabaan ng phone?”

Narinig kong papalapit siya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit, hinihintay ko siyang magsalita pero wala.

Tor: “Mahal na mahal din kita, Becca.”

The end.

JOKE!!!!!

#####

ayan guys.... namiss ko kayo... guys promote niyo naman 'yung SIAP.

please...

salamat.

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now