SIAP: Escape Plan #42

924 16 7
                                    

Escape Plan #42

<Tor's POV>

Nakakabadtrip na 'yung portion na naabutan ko! POWTEK! Ayos na eh! Tapos gano'n na agad?! Yakapan?! Ano 'toh? G@guhan??!

Hayst...

Minabuti ko na lang na tumahimik kesa makipagtalo. Wala naman pati akong karapatang magalit o magselos. Alam ko kung saan ako dapat lumugar pero sa pagkakataong ito e sana mapagbigyan niyo akong magdrama.

Bakit?

Kasi na-kidnap at tinorture na nga ako ng kuya niya.

Tumakbo ng pagkalayu-layo para lang ano?

Makitang nagyayakapan sila?!

Man, THAT'S BULLS**T!

Red: "P're ayos ka lang?"

Dire-diretso ako sa paglalakad. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Hanggang sa kotse tahimik pa rin ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam na magkatabi kami tapos masama loob ko. Hayy, kaya naman pumikit na lang ako at inilagay ang earphones sa tenga ko.

Pero bago pa mag-play 'yung kanta...

Becca: "Tor sorry..."

Pinindot ko agad 'yung stop para marinig ko 'yung sasabihin niya.

Becca:"...'yung kanina... Kinomfort ko lang si Louie..."

weh...Kinomfort daw. Psh.

Becca: "...Bilang kaibigan niya, kailangan kong i-comfort siya..."

kaibigan mo din naman ako 'di ba? Unfair.

Becca: "...Saka nga pala... Salamat sa regalo mo. Nagustuhan ko siya. Salamat..."

Dapat lang magustuhan mo! Lanya tinorture ako ng kuya mo noh!

Becca: "...Sayang lang na hindi mo ako naririnig ngayon..."

Anong hindi? Rinig na rinig kita noh!

^___^

Becca: "...sana hindi ka na magalit. Ayoko na magkaaway tayo.Hindi ako sanay."

Hindi din naman ako sanay e. Pasalamat ka at mahal kita!

Hindi na ako bumaba kasi may dadaanan pa ako. Kinuha ko 'yung phone ko at dinail ang number niya.

Tor: "Hello Jay! May stock ka pa dyan nung mug na sinasabi ko na i-reserve mo?"

sana talaga meron pa.

Tor: "talaga?! Oh sige pare salamat! Pakilagay na sa box pick-up-in ko dyan within 2 minutes...Oo, on the way na ako. Salamat wah."

After 1 minute nakarating agad kami. Wala kasing trapik saka malapit na rin naman no'ng tumawag ako. Pagkakuha ko ng box eh binilisan ko na ang pagpunta pabalik kila Becca. Kay yaya ko na lang ipinaabot para surprise!

???: "Sir, tumawag po si Sir Migz. Pinapapunta po kayo sa HQ."

sabi ni Manong Ben, 'yung driver namin.

Tumango na lang ako.

Pagkarating ko doon e nasa meeting room sila.

Sila, meaning si Red, Yanie at Kuya Migz.

Nagtataka siguro kayo kung bakit nandito si Red. Isa siyang double agent/ undercover agent.

Undercover agent siya sa kabilang kampo. Under ng sindikato na pagmamay-ari ng The Gardener. Pero hindi siya head agent doon kaya hindi pa rin niya nalalaman ang pakay ng Hardinerong ito kay Becca.

Kuya Migz: "maya-maya e mag-uumpisa na rin tayo. Hinintay lang natin sila Becca."

Natanggap na kaya niya?

Red: "anong nangyari sa'yo kanina?"

Tor: "Badtrip lang. Pasensya na tol."

Red: "wala 'yun hindi na kita tatanunging kung bakit, baka mabadtrip ka lang ulit."

Tumango na lang ako.

Maya-maya eh dumating na sila.

Becca: "hoy kuya!"

Tumingin naman kami kay Kuya Alex.

Kuya Alex: "o, bakit khulet? Ayaw mo akong kasama?"

Kasama?! AYOKO!

Becca: "AYAW!"

Kuya Alex: "khulet naman wala ka ng magagawa."

Becca: "Che!"

Tapos umupo na si Becca sa tabi ni Yanie. Sila Kuya Migz at Kuya Alex naman nag-high five. Etong dalawang 'toh hindi talaga pwedeng magkasama.

Tor: "Ba't ka ba nagpatawag ng meeting? Anong meron?"

Tumahimik sila tapos naging seryoso na si Kuya Migz. Mukhang alam ko na 'to wah...

Kuya Migz: "guys... It's time."

Becca, Yanie at Kuya Alex: "time for what?!"

tsk,tsk,tsk. Halatang baguhan.

Tahimik lang kami ni Red at hinihintay ang keyword...

Kuya Migz: "it's spy time!"

#####

grabe hirap magtype sa phone!

Join kayo sa group sa FB!

just search:

RAINBOW KWEKERZ!!

at

Fragile333

labya guys!

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now