SIAP: Escape Plan #27

1.3K 26 3
                                    

<----vote ka muna...

sa wakas nakapag update din...

hahaha

enjoy...

########

Escape Plan #27

<Becca's POV>

Ang ganda naman dito sa island na 'to... payapa... nakakarelax...

Becca: "this is the life..."

Nasaan na kaya si Yanie? Bakit wala ata sila dito? Hay naku baka nasa bahay natutulog. Sayang hindi nila na-eenjoy ang scenery.

White sand beach, aqua blue ocean at sa hindi kalayuan ay may isa pang island. Ang ganda talaga pero nakakapagtaka na ala ni isa sa kanila. Nasaan na kasi sila?

Tumayo na ako at naglakad-lakad. Sa'n nga ba ulit 'yung bahay nila Louie? Patay parang naliligaw na ata ako. Nasaan na ba kasi ako.

*crrrrrrraaaaaaaaackkkkk*

Ano 'yun?

*sssshhhhhhhuuuuuuuussshhhh*

Becca: "sino 'yan?"

*pssstttt*

Badtrip naman oh sino ba kasi 'yun?!

Becca: "Tor umayos ka nga nakakabadtrip ka na wah!"

*pssssTTTT*

Lumingon ako sa kanan. Pero wala namang tao.

Lingon sa kaliwa. Wala pa din

Becca: "OUCH!"

May kumagat sa leeg ko!

Parang nahihilo ako...

Becca: "Pesteng in..sek..to"

*Boooogggshhhhh*

.

.

.

.

.

No'ng minulat ko 'yung mga mata ko. Medyo malabo pa 'yung paningin ko pero alam kong wala na ako sa gubat. Nasa isang kwarto ako. Isang kwarto na ang tanging laman ay isang kutsyon na kinauupuan ko ngayon isang butas sa kisame. Masasabi kong nakatulog ako at may kumuha sa akin dahil hindi naman ako makakapunta sa lugar na 'to kung tulog ako 'di ba?

No'ng susubukan ko ng tumayo.

Becca: "sinong may gawa nito?!"

kainis may nakasuot sa akin na jacket na pang-baliw! At nakatali ang mga paa ko. Sinong sira ulo naman ang gagawa sa akin nito?! May ghad!!! Nakakabanas palang isuot 'yung mga ganitong jacket! No wonder nababali lalo ang mga may suot nito. Nakahiga ako dito sa kutsyon. At eto pa ang malupit, para talaga akong baliw kasi malinaw na 'yung paningin ko at napagtanto kong nasa loob ako ng isang chamber (wow chamber) na gawa sa malambot na bagay ang bawat sulok nito. Alam niyo 'yung sa baliw na room? Gano'n! At puro puti pa siya! Lord help me...

Becca: "mukha ba talaga akong baliw at itinapon nila ako dito?"

Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ako nagsisisigaw? Bakit pa ako sisigaw kung alam ko namang walang makakarinig sa akin? Sa kapal ng mga wall e talagang parang sound-proof siya. Sasayangin ko lang ang energy ko.

Tumungo na lang ako at nag-isip kung paano makakaalis dito.

???: "eto na ang pagkain mo."

Alam kong may pumasok at lalaki siya. Hindi ko siya tinignan kasi tinatamad akong tumingin.

Becca: "sa tingin mo ba makakakain ako sa sitwasyon ko?"

???: "hindi mo man lang ba ako titignan? Kikilalanin?"

Becca: "para san pa? Papakawalan mo ba ako?"

???: "hindi."

Becca: "hindi naman pala e. Ano bang kailangan mo sa akin?"

???: "nasaan ang reyna?!"

Reyna?! 'wag mong sabihing??

Tumingala ako para makita ko siya... isang lalaking nakapang-hardinero na costume.

Becca: "uso ba ang cosplay ngayon?"

???: "nasaan siya?"

Hindi niya ako snagot. Amp. Hindi ko pa rin siya makilala kasi natatakpan ng sumbrero niya 'yung mukha niya. Alam kong siya 'yung papatay sa akin kasi may malaking gunting sa likod niya. Mukhang katapusan ko na...

Nasaan ba kasi si Tor kapag kailangan mo?!

Becca: "hindi ko alam."

???: "'WAG MO AKONG PINAGLOLOLOKO!"

Galit ka?!

Becca: "hindi ko nga alam! Hindi ka ba makaintindi?!"

???: "hindi mo ba talaga sasabihin o papatayin na lang kita?!"

Becca: "kapag sinabi ko ba bubuhayin mo ako at papakawalan??"

Hindi siya sumagot. Sabi ko na nga ba e.

Becca: "kitams?! Bakit ko pa sasabihin kung papatayin mo rin naman ako?!"

Kinuha niya 'yung gunting niya tapos papalapit na siya ng papalapit..

Bawat paghakbang niya e kasabay ng pag lukso ng puso ko.

Katapusan ko na at kailangan ko na itong tanggapin..

Itinaas niya 'yung gunting at...

*BLAG!!!*

Randam kong dumadaloy ang dugo mula sa ulo ko papunta sa mukha ko.

Mainit na dugo..

Unti-unti ng lumalabo ang paningin ko.

???: "BECCA!!!!"

Becca: "Tor..."

#####

naghahanap pa ako kung sino pede gumanap kila Becca eh. hehehe

Stuck in a Photograph by Mawi CataranOnde histórias criam vida. Descubra agora