SIAP: Escape Plan #60.2

462 6 1
                                    

Note ni Mawi: hi guys!!!! GAWA NA SI CRIMSON! BOOYAH!!!

oh siya, oh siya alam kong ang tagal ko kayong pinaghintay so eto na muna...

Continuation of Escape Plan #60

<Becca's POV>

April 2008

Sinubukan kong imulat ang mga mat ko pero wala akong makita. Iginalaw ko ang mga paa at kamay ko pero parang wala pa din nangyayari. Nagawa ko nang sumigaw pero parang wala namang nakakarinig sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero para akong nakakulong sa kahon. Naririnig ko sila pero hindi naman ako makasagot sa mga sinasabi nila.

???: "Blu..."

Tor... Tor! Tulungan mo ako please!

Tor: "...alam mo ba kanina hinahanap ka no'ng mga kaklase natin, sabi nila miss ka na nila. Lalong lalo na si Icia at Chocobaby."

Miss ko na din kayo.

???: "Bes! Inaaway ako ni Red. Pag-gising mo sapakin mo 'to wah..."

Yanie...bes, ano na bang nangyayari sa akin?

???: "Hoy hindi kita inaaway! Bhe, wala akong ginagawa d'yan sa lokaret mong bes! ARAY!"

Red...

Red: "aray masakit na Yanie! Tama na ang hampas!"

Yanie: "Ang sama-sama mo kasi!"

May 2008

???: "Miss Sleeping Beauty..."

Louie... Bakit hindi ako makagalaw?

Louie: "Gumising ka na...Masyado ng matagal ang tulog mo."

Matagal? Anong date na ba?

Louie: "matagal na masyado, May,2008 na po. Halos dalawang buwan ka na pong tulog prinsesa."

Sira ulong Louie! Grabe ganoon pala katagal.

-----

???: "Rebecca..."

Sino 'yun? Parang hindi naman pamilyar 'yung boses na 'yun.

???: "Ako ito, ang daddy mo. Pasensya ka na anak kung nagsinungaling kami ng mommy mo. Nga pala baka nakalimutan mo 'yung sinabi ko noong isang araw, ang pangalan ko ay Axein. Gusto na kitang makasama anak, kayo nila Xandra at Alex. Gumising ka na anak…pangako babawi ang daddy sa’yo.”

Xandra? Pili kong inaalala kung saan ko narinig ang pangalan na iyon. Basta ang naalala ko lang ay ang DNA test result na ibinigay sa akin ng dokktor.

Si yaya…

----

June, 2008

???: “khulet…”

Kuya…

Kuya Alex! Alam ko na ang lahat-lahat. Kuya bakit nila tayo pinaglihiman? Si yaya, siya si Xandra, hindi ba? Siya ang tunay nating mommy.

Kuya Alex: “…wala ka pa rin bang balak gumising? Si lolo, nakilala ko na siya noong isang araw. Ikinuweno niya  sa akin ang lahat at humingi siya ng tawad. Si daddy sa bahay na siya nakatira ngayon. Tanada mo yung lalaking sumusunod sa’yo dati? ‘yung dahilan kung bakit ka nagging agent? Akalain mo, si daddy lang palla ‘yun. Alam mo bang may sayad ‘yung mga magulang natin? ARAY! JOKE LANG! Khullet may lumilipad na sapatos ngayon dito! Gumising ka na! oh siya kakausapin ka daw ni mommy mamaya.”

Ang dami ng nangyari. Ano kayang sunod na mangyayari kapag nagising na ako?

---

Yanie: “Bes! June na, isang lingo na lang pasukan na...”

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now