SIAP: Escape Plan #21

1.3K 17 1
                                    

Escape Plan #21

<Tor's POV>

???: "nand'yan po ba si Rebecca?"

Parang kilala ko 'tong mokong na 'to? Sa'n ko nga ba 'to nakita? Isip Tor, isip.

Becca: "Louie?? Anong ginagawa mo dito?"

Ahhhh si Louie Mercado, 'yung bago naming kaklase na murang nerd! Actually hindi naman siya mukhang nerd na may malalaki at makakapal na eye glasses. Saglit lang ano bang kailangan niya sa malditang prinsesa na 'to?

Louie: "ahh... ehhhh..."

Tor: "i, o, u? Babebibobu?"

Abakadaegaha? Hahahahahahahah.

Becca: "Alipin tumahimik ka. Anong kailangan mo Louie?"

Tor: "oo nga anong kailangan mo?"

Sabat mode ang alipin. Awts. Talagang tanggap ko na na alipin ako. Ano ba 'yan!

Louie: "a-ano kasi pu-pwede ba akong manghiram ng notes mo sa trigo?"

'yun lang? Wala ng iba? Baka gusto mo na ring kunin 'tong malditang prinsesa na 'to. Lanjok maka-utos e!

Becca: "Alipin papasukin mo siya."

Sabi niya tapos pumasok na siya sa loob ng bahay. Loko 'yun talagang kinarir ang pagiging prinsesa niya. Ayon pinapasok ko na si Louie. Nagtataka siguro kayo ngayon kasi ang bait ko. Ang totoo niyan e wala akong magawa kaya sinasakyan ko ang trip niya. Isang linggo kaya niya akong alipin kaya siguro kailangan ko ng masanay. Pero iba talaga ang pakiramdam ko dito sa Louie na 'to e.

Pinaupo ko muna siya sa may sofa tapos hinintay bumalik si Bex.

Becca: "Louie ito oh. Nagdinner ka na ba? Hoy alipin bakit hindi mo man lang siya pinaghanda ng juice man lang."

Tor: "hindi naman kasi 'yun kasali sa usapan natin."

Louie: "ok lang Rebecca, ayos lang, pag-uwi ko na lang siguro, salamat ibabalik ko na lang sa Monday."

Tor: "ok lang naman pala sa kanya e."

Becca: "hindi. Louie,,, dito ka mag-di-dinner,. Alipin maghanda ka ng pagkain natin."

Tor: "ayoko nga."

Becca: "isa.."

Tapos pinanlisikan niya ako ng mata. Amp naman oh!

Pumunta na ako sa kusina para mag-handa ng pagkain. Badtrip!

<Becca's POV>

Oh My Gulaman! Nandito si Louie! Waaahhh. Don't panic Becca, don't panic. Dapat cool pa rin ang dating. Wait mukha ba akong tao? Maayos ba 'yung buhok ko? Waaaahhhhh!!!! Don't panic sabi e!

Sabagay sino ba naman hindi magpa-panic kung ang isang hottie na katulad ni Louie Mercado e pupuntahan ka sa bahay 'di ba?

Becca: "Louie?? Anong ginagawa mo dito?"

Waaaahhhhh.!!! Hahahaha *kilig*

Tinignan ako ng masama ni alipin. Nandito nga pala siya, i forgot. So ayon hinihiram pala niya 'yung notes ko sa trigo kaya naman kinuha ko muna sa kwarto ko 'yung notebook ko.

Becca: "nasaan na ba 'yun?"

Notebook nasaan ka na? Hinihintay na ako ni prince charming ko sa baba! Joke! Hahahah! Ang haliparot mo talga Becca! Transferee pa! Hahaha. Wait, pa'no niya nalaman 'yung bahay ko? Itatanong ko nalang mamaya. Pumunta ako sa may dresser ko tapos ayon nakita ko na 'yung notebook ko. Nasa may dresser ko lang pala katabi ng mga libro ko. Bago bumaba, humarap muna ako sa salamin.

Becca: "walang kupas ka pa din Becca."

Kapal ko talaga! Tama bang purihin ang sarili? Hahahah.

Kumaripas na ako ng takbo pababa. Nando'n siya sa may sala, naka-upo sa may sofa. Si Tor naman ayon nakatayo ang sama ng tingin kay Louie. Alipin ang bad mo!

Becca: "Louie ito oh. Nagdinner ka na ba? Hoy alipin bakit hindi mo man lang siya pinaghanda ng juice man lang."

Tama mag-dinner ka na dito para maging close na tayo. ^_____^

Tor: "hindi naman kasi 'yun kasali sa usapan natin."

Epal ka talaga Tor. Alis ka na kasi.... shooo! Ambad ko. ^____^

Louie: "ok lang Rebecca, ayos lang, pag-uwi ko na lang siguro, salamat ibabalik ko na lang sa Monday."

No! Mag-dinner ka na dito please....

Tor: "ok lang naman pala sa kanya e."

Che ka Tor!

Becca: "hindi. Louie,,, dito ka mag-di-dinner,. Alipin maghanda ka ng pagkain natin."

Tor: "ayoko nga."

Becca: "isa.."

Aba loko 'to! Ayaw mong sumunod wah... pinanlisikan ko na siya ng mata tapos umalis na siya at nagpunta sa may kusina. Yown! Sa wakas wala na ang asungot.

Louie: "ummm... Rebecca, mag-ano kayo ni Jasper?"

Jasper? Sinong Jasper? ??___??

Becca: "sinong Jasper?"

Louie: "si Jasper Amil Tormientez."

Ahhhh si Tor lang pala. Hindi kasi ako sanay ng Jasper e.

Becca: "ahhh, Si Tor ba?"

Tumango lang si Louie.

Becca: "kaibigan ko, ata. Hahaha"

Louie: "bakit ata? Saka bakit nakapang-maid siya at nandito siya?"

Whoah! Ang daming tanong... interview ba ito? Louie crush nga kita pero ang FC mo naman. Hahahah pero okay lang cute ka naman kaya pagbibigayan kita.

Louie: "pasensya na kung matanong ako. Okay lang kahit hindi mo sagutin."

Becca: "hindi, okay lang. Family friend siya, pero hindi pa kami gano'n ka-close. Umalis kasi si Kuya at yaya, tapos sila mommy at daddy naman nasa States ata o Japan, ah ewan basata wala sila sa pinas. Kaya 'yon pinakusapan nila si Tor na dito muna siya matulog para may kasama ako."

Seryoso naman siyang nakikinig sa akin. Kanina ang tanong niya. Tapos ngayon naman ang tahimik na niya.

Louie: "ah.. e ba't naka-maid's uniform siya?"

Becca: "lost a bet. nga pala pa'no mo nalaman 'yung bahay ko?"

Louie: "aaahhh... ah, eh, bagong lipat lang ako sa kabilang street.. tapos nakita kita nong isang araw sa may park."

Tapos tumahimik ulit kami.

Louie: "Rebecca... 'wag may pilik-mata ka sa pisngi."

Becca: "huh? Sa'n?"

Tapos pinahid ko 'yung pisngi ko.

Louie: "ako na."

Lumapit sa akin si Louie. AS IN MALAPIT!! Ang ganda ng mata niya. Brown na brown!

Tor: "EHEM! KAKAIN NA PO MAHAL NA PRINSESA!"

Badtrip naman Tor oh!

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now