SIAP: Escape Plan #51.3

780 15 2
                                    

pasensya na kung putol-putol kasi. ummm... wala lang. nakiki-uso?! hahaha.

joke lang. 

nga pala patuloy lang ang pagbasa dahil palapit na ng palapit ang mga rebelasyon sa mga tunay na pagkatao ng mga characters ng SIAP!

######

Continuation of Escape Plan #51

<Tor's POV>

Nandito kami ngayon sa skate park kasi kahapon pa niya ako kinukulit na turuan ko daw siya mag-skateboard kaya naman kaninang umaga e kinuha ko 'yung debit card ko tapos sinundo si Becca sa bahay nila.

Tor: "Yaya Pilar gising na po ba si Becca?"

9 am pa lang kasi, kalimitan kasi 10 am na nagigising 'yan kapag walang pasok.

Yaya Pilar: "kagigising lang niya. Bakit may lakad ba kayo?"

Tor: "opo, kahapon pa po niya kasi ako kinukulit na turuan ko daw po siya mag-skateboard."

Yaya Pilar: "naku hijo delikado 'yan, sigurado ka ba talaga na gusto mo siyang turuan?"

Halatang halata na nag-aalala si Yaya Pilar, well ako rin naman e. ayoko naman talagang turuan siya kaso mapilit e. naiintindihan ko naman si Yaya Pilar kasi siya na rin ang tumayong mga magulang ni Becca kaya naman gano'n na lang kung mag-alala.

Tor: "ayoko nga po sana kaso po naisip ko na baka kapag hindi ko po siya tinuruan e pag-aralan po niya ito mag-isa. Mas delikado po 'yun kaya naman po minabuti ko na ako na po mismo 'yung agturo para naman po atleast maalalayan ko po siya."

Yaya Pilar: "sabagay, 'yan talagang bata na 'yan basta may magustuhan hindi titigil hangga't hindi natututunan. O siya ingatan mo si Rebecca. Ipinagkakatiwala ko siya sa'yo Tor."

Tor: "ako pong bahala."

Yaya Pilar: "o siya, siya, nag-almusal ka na ba? Ipaghahanda na rin kita ng almusal, sabayan mo ng kumain 'yung si khulet."

Tor: "sige po, salamat po."

Yaya Pilar: "pababa na rin 'yun 'wag kang mag-alala."

Tapos pumunta na ng kusina si yaya.

Hindi pa siguro alam no'n na nandito na ako kaya naman kinuha ko 'yung phone ko tapos tinext ko siya na nandito na ako sa sala.

Maya-maya e kumaripas na siya ng takbo pababa ng hagdanan.

Tor: "dahan-dahan, baka naman bumagsak ka."

Becca: "tuturuan mo na ako??"

Excited na tanong niya.

Tor: "opo, 'kaw naman namiss mo naman agad ako."

Ngumuso na lang siya sa sinabi ko. Meaning namiss niya talaga ako.

Yaya Pilar: "mga bata halika na't mag-almusal."

So ayun nga nagpunta na kami sa may dining room.

Becca: "yaya nasa'n po ang kuya?"

Yaya Pilar: "maaga umalis e, pupunta ata sa studio mo."

Becca: "baka naman pupuntahan niya si Ate Maggie."

Si Ate Maggie nga pala 'yung pinopormahan no'n ni kuya Alex.

Matapos naming kumain e pumunta na kami sa mall para bumili ng gamit nitong babaita na ito. Sabi niya may skateboard na daw siya kaya naman 'yung gears na lang ang binili namin tulad ng knee and elbow pad saka helmet.

Sabi ko sa kanya na mga bandang hapon na kami magpratice kasi tirik pa ang araw.

Tor: "where do you want to go?"

Becca: "siomai."

Tor: "huh?"

Becca: "bili tayong siomai."

Tor: "okay."

Pumunta na kami ni Becca sa Siomai House kasi do'n niya gusto.  

Habang kumakain...

Becca: "sarap ng siomai dito!"

Naubos na namin 'yung inorder namin tapos nag-gala nakita pa nga namin si Denise na may kasamang lalaki pero feeling ko naman hindi niya 'yung boyfriend. Wala lang. pero deadma na lang ako kasi... wala lang.

Becca: "Tor punta na tayo sa skate park."

Tumango na lang ako.

*sa skate park*

Tor: "sigurado ka ba dito sa gagawin natin Rebecca?"

Becca: "maka-Rebecca ka naman! Galit ka sa akin?"

Tor: "tsk"

Tor: "o siya isuot mo na 'yang mga gear mo."

<Becca's POV>

Kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman kong may nakatingin sa amin. Isa sa may puno, dalawa sa may skate park at isa sa restaurant malapit sa amin.

Hindi ko pina-alam kay Tor kasi natatakot ako na baka anong mangyari. Ayokong masaktan siya. Hindi p'wede.

Tor: "hoy Rebecca! Mag-focus ka nga! Baka mamaya mabalian ka. Baka nakakalimutan mo na bukas na 'yung Christmas Party natin. Nakow pagnabalian ka e papatayin ako ng kuya mo."

Becca: "Father tapos na po ba kayong magsermon?"

Si Father Tor kasi e, makasermon daig pa ang pari. Sumakay ako do'n sa skateboard tapos dahan-dahan pinaandar ito. No'ng medyo mabilis na e itinungtong ko na rin ang isa ko pang paa sa board.

Becca: "ANG GALING KO! YEHEY!"

Naandar ako! Yehey! Ang galing-galin-

Becca: "TORRRRR!!!!"

Pa'no ba 'to patitigilin?! Patigilin niyo please! Waaaahhhh...

*booogggssssshhhhhh!*

Becca: "aww...huhuhhh."

Tor: "masaya ka na?"

Umiling na lang ako. Sinong magiging masaya kung bumagsak ka sa skateboard?!

Tinignan ko siya ng masama.

Tor: "o bakit?! Ginusto mo 'ayn 'di ba?"

Oo nga naman.

Tor: "oh."

Tapos inilahad niya 'yung kamay niya tapos inakay niya ako papunta sa may bench.

Tor: "dito ka muna. Bibili lang ako ng pagkain. 'wag kang aalis d'yan ha. Sabagay wala ka hindi ka naman makaka-alis kasi masakit 'yan p'wetan mo."

Becca: "che!"

Umalis na siya tapos...

Becca: "MMMMMMMmmmmmmm! MMMMMmmm! Mmm..."

End of Escape Plan #51

#####

masaya ako at kahit papaano ay binabasa niyo pa rin ito. 

sa mga patuloy na bumoboto...

sa mga patuloy na naniniwala.

sa mga silent readers! HI PO!!!

thanks! <3

Stuck in a Photograph by Mawi CataranTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang