The Dark King

123K 2.8K 160
                                    

"Anak ng pusang gala naman oh." Napamura na lang si Angela ng muling makaramdam ng pagkahilo.

Papunta syang banyo dahil nasusuka na naman sya.

Nanginginig din ang tuhod nya dahil sa panghihina.

Ikaw ba naman ang walang kainin buong araw.

Humawak sya sa pader para makalakad ng hindi natutumba.

Pagdating sa banyo wala naman syang maisuka.

Naghilamos na lang sya kahit nilalamig para mabawasan ang pamimigat ng katawan.

Papalabas pa lang sya ng makarinig sya ng lagabog. Hudyat na nabuksan na iyon ng tatlo.

"Akala ba nila nagbibiro ako sa banta ko."

Dumeretso sya ng tayo at pinilit na maglakad ng tuwid.

Ngunit katulad ng pangyayari kanina ng magpunta sya rito sa banyo ng hindi umaalalay sa pader, nakaramdam sya ng matinding hilo.

And like a while ago inaasahan nya na ang paglagapak nya sa sahig.

Iyon ang dahilan kung bakit may malaki syang bukol sa noo na sigurado syang madodoble dahil pabagsak na nga sya ulit.

Blag!

Take note hindi sya ang lumagabog na iyon kundi ang pinto ng banyo.

At bago pa man sya matumba ay may nakasalo na sa kanya.

Muli nyang naramdaman ang pamilyar ngunit kakaibang pakiramdam na iyon.

Ayaw nyang maniwala.

Baka nagdedeliryo lang sya kaya piling nya andito ito ulit para alagaan sya. Malamang isa sa tatlo ang may buhat sa kanya ngayon.

"Shit Gio. Put me down!" Nakapikit na sabi nya dahil nakakaramdam pa din sya ng pagkahilo.

Naramdaman nya ang paghigpit ng kapit ng may hawak sa kanya.

"That's one Angel. Kapag nakatatlong mura ka hahalikan talaga kita."

Napamulat sya, as the same time na ibinababa sya ni Dylan sa kama.

"Anong gingawa mo rito?"

Nahagip ng tingin niya si Gio, Calix at Renz na pasilip silip sa kanila.

"Ako ang dapat magtanong sayo nyan Angela. What the hell are you doing. Bakit hindi ka kumakain and why are you fucking not drinking your med!" Umalingawngaw hindi lang yata dito sa kwarto kundi pati sa buong bahay ang sigaw nito.

Kung di lang masama ang pakiramdam nya malamang natawa sya sa tatlo na mabilis na nagtakbuhan palayo.

Sa takot na mapagbalingan ng galit ni Dylan.

"Im not hungry." Tanging sabi nya sa nagagalit na binata.

Ang madilim na itsura ng binata ay lalong nagdilim dahil sa sagot nya.

Hindi nya masisi ang tatlo kaya nagtakbuhan palayo.

Kapag kasi ganito na ang itsura ni Dylan talagang matatakot ang kahit na sino.

Well except her.

"That's bullshit. Kakain ka." Itinaas nito ang kamay at hinaplos ang noo nya.

Nagsalubong ang kilay nito. Hindi nya alam kung dahil naramdaman nito na may lagnat pa sya o dahil sa bukol nya.

"Renz bring that food  right now."

Tinabig nya ang kamay nito.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon