Memories

115K 2.6K 141
                                    

Dylans thought after Brena's party.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto ng kwarto ni  Angela, sinalubong sya ng pink and sky blue na dingding ng kwarto.

He closed the door.

Sa dingding isang painting ang nakita nya, a picture of a man in a garden kasama ang mga paruparo. Sa larawan nakamwestra ito na tila  may hahalikan and then at the bottom nakasulat ang mga katagang OVES ANGELA .

Parang lutang na lumapit sya dun.

The other half of his painting!

Nangiginig na hinawakan nya ang frame. He traced the pattern of it.

Napahawak sya sa ulo ng kumirot iyon. Then memory come crushing to his mind.

The memory of him being the Dark king. The memory of Brent and his Gang. But not the memory of Angela.

Nang humupa ang sakit nagsimula ulit syang maglibot, nilapitan nya ang mga larawan na nakadikit  sa dingding, sa may paanan ng kama.

Isa-isa nyang pinagmasdan iyon.

A picture of him and Angela, and there's a lot of it.

Isang larawan ang nakatawag sa pansin nya.

Larawan nila ni Angela. Mahaba pa ang buhok ng babae.  Nakangiti ito sa camera habang sya nakaabay at hinahalikan ang gilid ng ulo nito.

Dark and Blue our first week monthsarry.

May kuha na nakaupo sya sa motor at seryosong nakatingin sa sa taong may hawak ng camera.

My king, kahit Kelan nakakatunaw, kung tumingin.

Napangiti sya sa caption na iyon ni Angela.

Then a picture of them with the Gang.

My family. I love them all ;-)

May kuha din sa loob ng isang klasroom, sya nakatitig kay Angela habang ito nagbabasa.

I love him, the most caring and loving man that I meet.

Ang isa naman kuha sa garden nakahilig si Angela sa balikat nya habang natutulog sya nakaakbay sa babae at hinahalikan ang noo nito.

I can't believe this man love me.

Marami pang larawan na nakadikit sa dingding. Tila ba ginawang scrap book ni Angela ang dingding nito.

Habang pinagmamasdan ang mga larawan na iyon.

Hindi mapigilan ni Dylan ang mapahawak sa dibdib, kasabay ng pagkirot ng ulo nya ay ang paninikip ng dibdib nya.

Hindi nya parin maalala si Angela. Pero alam nya...mahal nya ang babaeng ito. Mahal na mahal.

Nanghihinang napaupo sya sa  gilid ng kama .

Di sinasadyang nasagi nya ang isang CD na nakapatong sa kama.

Wala sa loob na inabot nya iyon.

Dark & Angel.

Iyon ang nakasulat duon.

Hinanap nya ang dvd player at pinasok duon ang bala.

Mukha ng nakangiting si Angela ang unang lumabas sa screen.

Naupo syang ulit habang tinitignan ang nakangiting mukha ng babae.

Ngiting dalawang beses nya palang na nakikita. Ngiting gusto nyang makita araw-araw  sa mga labi nito.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon