21. I Crave

147K 3.3K 926
                                    

Sinubsob ni Angela ang ulo sa mesa.

Pagod na pagod at antok na antok sya.

It's been two days since nangyari iyong insidente sa locker room.

And it's been two days narin syang di nakapasok.

Nasa kasarapan sya sa pagtulog sa kwarto ni Dylan ng araw na iyon when she received a phone call mula sa Maynila.

Phone call na hindi nya pwedeng wag pansinin kaya naman ng araw na yon lumuwas sya ng Maynila.

Straight na wala syang tulog at masakit ang katawan nya dahil sa mga ginawa kung pwede nga lang dumeretso na sya ng bahay at matulog.

But according to Jose Angelo may isang tao ng malapit magwala sa paghahanap sa kanya.

Kaya naman dito na sya dumeretso.

Napapapikit na sya ng marinig nyang nagsimula ng pumasok ang mga klasmeyt nya hindi sya nag-abalang itaas ang ulo.

Hanggang sa nag bell.

"Gela." Si Maelyn na nakaupo sa tabi nya.

Napapipikit na dumeretso sya ng upo.

Saka nya lang napansin na lahat ng klasmeyt nya sa kanya nakatingin, wala pa si Ms. De Guzman.

Nagkasalubong ang mga mata nila ni Dylan na ngayon ay nakaupo na sa upuan nito katabi si Brena.

Wala syang mabasa sa mga mata nito.

Tinignan nya lang ito.

Napahikab sya sabay sabi sa mga klasmeyt nyang nakatingin lang sa kanya.

"Problema nyo?" Malamig nyang sabi.

"Ah... ano kasi G-Gela."

"What?" Humikab ulit sya.

"Lahat kami rito, no scratch that ang buong C.U napanood ang balita kagabi. Kahit ang Daddy mo alam na ang nangyari." Taas ang kilay na sabi ni Reina.

"So." Sabi nya lang habang sumasandal upuan.

"So, so ka dyan. Alam na ng lahat na drug user ka. Kitang kita ang mukha mo sa camera duon sa ni raid na party." Malakas na sabi ni Reina.

"Tss pwede hinaan mo ang boses mo, ang sakit sa tenga." Walang pakialam na sabi nya.

"Ms. Fuentebella alam mo ba kung ano ang nagawa mo, binibigyan mo ng bad publicity ang School natin." Si Brena.

Sasagutin nya sana ito ng magring ang cellphone nya.

Kumunot ang noo nya ng mabasa kung sino yun.

"What?"

Ginulo nya ang buhok ng marinig ang sinabi ng kausap.

"Naman Jayzen hindi nyo ba kaya yan ... fuck you."Nagsinghapan ang mga klasmeyt nya ng magmura sya isa sa pinaka OA na reaksyon ay si Brena na tumingin pa kay Dylan.

"Wala pa kong tulog kararating ko lang, kakahiwalay lang natin pababalikin mo na naman ako... call Jericho para tulungan kayo. I don't care kahit nasa ibabaw pa sya ng babae." Another OA gasps from her classmates.

"Hindi pwede si Jose Angelo. Ayusin nyo yan dahil pag ako pa ang umayos nyan humanda kayong lahat sakin. Wala akong pakialam kahit si Marcus pa ang may kasalanan basta ayusin nyo." Nagsalubong na ang kilay nya sa sunod na sinabi ng kausap.

"Damn it." Napapitlag ang mga klasmeyt nya ng malakas syang nagmura.

Hinilot nya ang sintidong sumasakit.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon