S.C.2

103K 2.2K 272
                                    

For you @KuraiBonne246. Sana mainspire pa kita😊.

*****

"Hi Pogi."

Mula sa mga cakes dumako ang tingin ko sa seksing babaeng tumabi sa akin.

Tinanguan ko lang sya at pinagpatuloy ang pagpili ng cake.
My Angel wants an ube cake kaya andito ako ngayon sa bake shop ni Gio at namimili.

Napangiti ako ng maalala ko ang Anghel ko. Lalo na ng lumitaw sa isip ko ang tatlong buwan na nyang tyan na halatang-halata na.

Lalo kong minahal si Angela ngayon na nagdadalang tao na sya.

Ang babae na magiging ina ng anak ko.

Excited na excited na ako sa pagdating ng munting Anghel namin.

Pinagdadasal ko na makuha ng anak ko ang asul nyang mga mata.

Medyo maselan lang syang maglihi.

Madalas syang mahilo at minsan nagsusuka.

Hindi rin sya basta-basta kumakain ng ulam at kanin.

Basta kapag naupo sya sa hapag- kainan at tinitigan nya lang ang pagkain ibig sabihin ayaw nya iyon.

Ginaganahan lang sya kapag ako ang nagluto.

And that's the problem hindi ako marunong.

Pero kapag naglalambing na sya.
Talagang binubulabog ko ang buong DQ para tulungan ako.

Good thing may mga chef at cook sa mga member namin.

Mahirap magluto. Pero para sa Amghel ko ginagawa ko.

Puro hiwa, paso at sugat na nga ang kamay at braso ko dahil hands on talaga ako.

Puwede ko naman ipaluto na lang at sabihin sa asawa ko na ako ang nagluto pero ayaw ko.

Mas gusto ko na ako iyong naghuhugas, humihiwa at nagtitimpla.

Basta kapag gusto ng Anghel ko. Ako ang gagawa.

Infairness to my Angel kahit pritong itlog lang ang ihain ko okay lang sa kanya.

At kahit minsan kulang sa lasa, maalat o sunog kinakain parin nya.

Ako lang ang pumipigil dahil baka makasama sa dinadala nya.

Napakahilig din nya sa gatas na na may oats. Naging routine ko na na bumangon ng alas-singko ng madaling araw para igawa sya non dahil exactly 5:45am nagigising sya at kahit pikit pa ang mga mata ay kukunin ang gawa ko na lagi kong nilalagay sa may mesa saka deretso nya iyong iinumin.

At iinom ulit sya ng 12:30 then 9:30pm. At gawa ko lang talaga ang iniinom nya, kaya ayaw ko syang iwan. Ayokong mapabayaan ang dalawang Anghel ko.

"Hi handsome wanna have some fun?" Napaunat ako ng tayo ng lumapit ulit sa akin iyong babae hinaplos iyong kamay ko at dinikit ang dibdib sa braso ko.

Nagsalubong ang kilay ko na tinignan sya.

"Back off Miss." Malamig na sabi ko. Bulag ba itong babaeng ito hindi ba nya nakikita ang singsing sa kamay ko?

Imbes na lumayo lumapit pa sya lalo.

"What the hell?"

"Papaligayahin kita. Sa kahit anong paraan mong gusto." Nang aakit pa nyang sabi. Hinaplos ang dibdib ko.

The fuck!

Anong klaseng mga costumer ba meron itong Gio na ito.

"Miss." Itutulak ko sana sya pero may nauna nang gumawa non.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon