Memories 2

121K 2.8K 223
                                    

7 years ago...

Galit na galit si Dylan.

At sa bawat suntok na pinapakawalan nya ang galit na iyon imbes na mabawasan lalo pang nadadagdagan.

Kaya patuloy sya sa pagsuntok, paninipa at pananakit.

Wala syang pakialam kahit nasa gitna pa sya ng cafeteria, kahit pa sino ang tamaan at kahit pa may mga professor na nakatingin.
He just want to hurt someone.

Gusto nyang mabawasan ang kahunghagan na nararamdaman.

Ngumisi sya ng muling may tamaan ang kamao nya. Gustong gusto nya kapag may narinig syang umuungol at umaaray sa sakit.

Umikot sya para suntukin ang taong nasa likudan.

Suntok na hindi nya naituloy.
Huminto ang kamao nya sa ere, nahinto sya sa paggalaw.

Ang tanging nagawa  nya, ang titigan ang mga matang iyon.

Ang pinakamagandang asul na mga mata na nakita nya.

Habang nakatitig , naramdaman nya ang pagkalma. Nararamdaman nya ang unti-unting paghupa ng galit.

Unti-unti nakakaramdam sya ng kapanatagan.

Ang mabagsik nyang mga mata unti-unting naglamlam at umamo. Lalo na when he see tears and read loneliness in that eyes.

Right here, right now naramdaman nya ang kagustuhan na makitang masaya ang mga matang iyon.

Wala na syang pakialam sa away, wala na syang pakialam sa lahat.
Tuluyan nang nawala ang galit na hirap na hirap syang mawala. Sa isang iglap lang dahil sa babaeng ito na may asul na mga mata napawi iyon.

Galit na muli ring bumalik ng makita nyang tinamaan ng lumilipad na baso ang babae.

Mabilis nyang sinalo ito.

And he fit into his arms na tila ba ginawa ito para sa kanya.

"Yeah she is mine. My Angel." naisip nya habang pinagmamasdan ang walang malay na babae. Then he look up and bark an order to his friend na wag hayaang makawala ang taong bumato sa Anghel nya.

No one. As in no one have the right to hurt his Angel!

Angela Fuentebella.

Iyon ang pangalan nito.

Hindi nya alam kung gaano sya katagal nakatitig rito.

Ayaw nyang umalis sa tabi nito. Gusto nyang hintayin na magmulat ito ng mga mata. He want to see that beautiful pair of blue orbs.

Pero ang sabi nina Calix binu-bully ito.

Narinig nya na ang tungkol sa isang babae na may asul na mga mata na madalas pagtripan, apihin at ipahiya.

He want to hunt those people who did that. He want them to pay.

Sisiguraduhin nyang mula ngayon walang makakapanakit sa babaeng ito. Sa kanyang Anghel.

Pinapangako nya na hindi sya aalis sa tabi nito at lagi itong p-protektahan.

Nagpalinga-linga sya sa cafeteria. Ang mga estudyanteng nandoon umiiwas sa kanya sa takot na bigla nya na lang saktan.

Pero wala sa mga ito ang pansin nya. May hinahanap syang tao, tao na gustong gusto nyang makita.

Nang hindi mahanap si Angela sa bulto ng mga tao, salubong ang kilay na umalis sya duon kasunod ang grupo nya.

"Baka late lang sya Dark." Hindi nya pinansin si  Renz.

Umiinit ang ulo nya.

Bakit wala pa ang Anghel nya?

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon