47. Proposal

141K 3K 530
                                    

Pinagmamasdan ni Dexter Ho, si Dylan Santiago, na nakaupo sa harap nya.

May pasa sya sa buong katawan, may cast sya sa braso at bali ang isang paa nya na ngayon ay nakasemento. May tahi din sya sa noo. Lahat ng iyon gawa ng taong nasa harap nya.

If they think they won, nagkakamali sila.

Di sya magtatagal dito kung kailangan gamitin nya ang lahat ng koneksyon nya o kung kailangan tumakas sya gagawin nya.

Babalikan nya ang mga ito. Gagantihan.

Ngumisi sya.

"Hindi mo ko maikukulong ng matagal dito bata."

Tinignan sya ni Dylan.

Napaigik sya ng sa isang kisapmata lang nakalugmok na sya sa sahig ng visiting room ng kulungan.

Hawak-hawak nya ang sikmurang sinuntok ni Dylan.

Tinignan nya ang isang pulis na nakatayo sa pinto, hindi ito kumilos kahit na nagsimula nang lumapit sa kanya si Dylan.

"Aaahhh!" Sigaw nya ng sunodsunod sya nitong sipain.

Ang pulis, nakatayo parin at nakatingin sa kanila.

"A-anong ginagawa mo? P-pigilan mo s-sya!" Sigaw nya sa pulis.

Nakakaramdam sya ng takot sa lalaking nakatayo sa harap nya.

His face is void in any emotions. Pero nababasa nya sa mga mata nito na papatayin talaga sya nito.

For the first time he felt frightened.

Hindi parin gumagalaw ang pulis sa kinatatayuan. Sa isip nito natatakot itong lapitan si Dylan na kapag inawat nito, ito ang mapagbabalingan. Bukod pa na malakas ang kapit nito sa nakakataas.

Tumalungko si Dylan sa harap nya.

Namimilipit na sya sa sakit.

Nang ngumisi ito. Pakiramdam nya ngumisi rin ang demonyo sa kanya.

"Do that, gusto kong makalabas ka rito, the sooner the better."

Nabigla sya sa narinig.

"And when you do, i gonna hunt you down, and when i catch you, ill tortured you...slowly...painfully. Hanggang sa magmakaawa ka na patayin na kita."

Kinilabutan at nanayo ang balahibo nya sa mga narinig. Alam nya gagawin nito ang mga sinabi.

"Be thankful that you are here. But once you are outside. The moment you will set your feet in that ground, the hunt will begin.
Im going to enjoy it, I assure you. Sisiguraduhin ko na pagsisihan mo na sinaktan mo si Angela. Pagsisihan mo na ang pamilya nya pa ang biniktima mo. Pagsisihan mo na may nakilala ka na Dylan Santiago."

Hinawakan nito ang walang pinasala nyang braso. Napasigaw sya ng baliin nito iyon.

"So dalian mo! Bilisan mo na makalabas rito! Hindi kita sasampahan ng kaso para mabilis mong magawa iyon. Fuck it! Tumakas ka na lang kaya para mas mabilis natin masimulan ang laro ko."

Dumeretso ito ng tayo.

"Do whatever you want ill wait for you outside. And oh, i forgot i have eyes here so kung ano man ang mga plano mo malalaman ko. " isang malamig na tingin ang binigay nito sa kanya.

Iniwan sya nito na naghahalo ang sipon at luha sa mukha dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

Saka lang lumapit ang pulis sa kanya. Umiiling iling ito habang tinutulungan sya nitong makatayo.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon