Chasing His Angel

167K 3K 1K
                                    

Hindi makatingin ang mag-inang Janice at Marita kay Angela.

Nasa living room na sila ng mansyon ng Fuentebella.

Pagkatapos nyang layasan si Dylan kahapon dito sya nagpalipas ng gabi.

Papasok na sya ng tawagin sya ni Marita at sinabing mag-uusap sila.

That was 15 minutes ago, sa lumipas na oras wala namang sinabi ang mag-ina.

Nakayukong nakaupo lang ang dalawa.

Bumuntung-hininga sya.

"Tita?"

Napaunat si Marita ng tawagin ni Angela.

Nang malaman nya ang lahat kagabi mula kay Janice.

Nakaramdam sya ng hiya sa sarili.

Naisip nya ang paraan ng pagtrato nya rito.

Nang pinakasalan nya ang inaakala nyang si Ramon Fuentebella, isa lang ang nasa isip nya ng ituntong nya ang mga paa sa bahay na ito.

She is the queen of this house now. May sarili na silang palasyo ng anak nya at hindi na nakikitira sa iba.

May pera na sya at mabibili nya na ang lahat ng gusto nya, hindi katulad dati na kailangan nyang pagkasyahin ang kakarampot na sahod para sa kanila ng anak.

And when she married Ramon Fuentebella, its a dream come true. She love the man simula ng makilala nya ito. Pero puro kasinungalingan pala ang lahat.

Hindi si Ramon Fuentebella ang pinakasalan nya, kundi si Dexter Ho na isang pinuno ng sindikato. Lahat ng tinatamasa nya, nila ng anak nya hindi sa kanila, at simula pa lang wala na silang karapatan.

Kung papaalisin sila ni Angela, wala silang magagawa kundi ang umalis.

"Aalis na kami ng anak ko, pero nakikiusap ako na bigyan mo kami ng ilang araw to settle. Mga tatlong araw. After that we will go."

"Mommy."

Napangiti naman si Angela.

"You dont have to do that Tita. Hindi ko kayo pinapaalis." sabi nya sa madrasta.

Gulat na napatingin ang Madrasta nya sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hindi nyo ho kailangan umalis, dito lang ho kayo. You're the only family that i got, hindi ko naman hahayaan na nasa kalye ang pamilya ko."

"P-pero. Hindi ang Daddy mo ang pinakasalan ko paanong-?"

"Pangalan ng Daddy ang nasa marriage contract Tita. Nagpakasal kayo sa simbahan na pangalan ng ama ko ang nakalagda sa papel. That makes you my family. At hindi ko po hahayaan na maghirap ang pamilya ko. Especially my stepmom and stepsis."

"After all we done to you?" Nangingilid ang luha na tanong ni Marita.

"Ang ugali ng tao, nahuhubog sa mga pinagdaanan nya. When life is tough with you, you become tough. When life is hard, you become hard. Alam ko po ang mga pinagdaanan nyo tita at naiintindihan ko po kayo. So its no harm done, kung sinagot-sagot ko man kayo its just an act para di makahalata si Dexter."

Tuluyan nang napaiyak si Marita. Nakaramdam sya ng pagluwang ng dibdib. Kagabi pa sya takot na takot. Hindi lang para sa kanya kundi pati narin sa anak nya.

"A-angela."

Nabigla si Angela ng tumayo si Marita lumuhod ito sa harap nya at niyakap sya.

"Salamat...at patawad sa mga nagawa ko... namin. Hindi ko alam kung paano ka magagantihan."

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon