29. Tres Wood

136K 3.3K 403
                                    

"Hi Angela."

"Hi Miss."

"Hi Miss Blue eyes."

Mga bati iyon na hindi pinapansin ni Angela.

Hindi man halata pero nagtataka sya.
Pinagtitinginan at pinag-uusapan sya dahil sa mga nagawa nya mali, sa mga gulong kinasangkutan at sa balita sa tv kamakailan lang.

Ngunit hanggang tingin lang ang natatanggap nya with matching bulungan na minsan pinaparinig sa kanya.
Ngayon lang nangyari na may bumabati na nakangiti pa.

At karamihan pa ay mga lalaki.

Two days sya hindi pumasok dahil sa sakit nya. For two days Dylan act like mother hen to her.
Daig pa nito ang doctor at nurse sa pag-aalaga, pagpapakain at pagpapainom sa kanya ng gamot.

Hindi pa nga sila papasok ngayon kung di lang ito nakatanggap ng tawag.

And two days lang na nawala sya, everybody is acting weird.

Anong nangyayari sa mga taong ito at biglang naging friendly.

"Hi Gela." Bati pa ng isang lalaki na nakasabay nya sa pagpasok sa cafeteria.

She just responded with a bland look.

Sa table ng Outcast sya dumeretso. Complete cast ang mga ito. At napapalibutan ng mga estudyanteng lalaki at babae, na ngayon lang nangyari.

Halata ang pagkailang sa mukha ng mga kagrupo nya. "Ako dyan."

Tumingin sa kanya ang lalaking nakaupo sa upuan nya. Isang killer smile ang pinakawalan ng nito ng makita sya.

"And the star is here. Akala ko hindi na kita makakausap eh."

Kinunutan nya ito ng noo.
Gwapo ito . Iyong pantipong boy next door. At obvious na obvious na mayabang din ito.

"Ten second. After ten second at andyan ka parin makikita mo na lang ang sarili mo na nakaupo sa sahig."

"Whoa Feisty. Tama nga sila suplada ka sa personal."

"Ten, nine, eight, se--," hinawakan nito ang kamay nya at hinila sya papalapit. Kung hindi nya naitukod ang kamay sa mesa sigurado na masusobsob sya.

Isang malamig na tingin ang binigay nya rito. "Let go."

Ang mga kagrupo nya nagsimula ng kabahan. Habang ang mga estudyanteng dayo sa mesa nila ay nakangisi.

"I like you the moment I saw you danced. Be my girl at sigurado na liligaya ka." Mayabang na sabi nito.

Ngisi ang sagot nya rito. "Do you wanna die?"

Natigilan ito sa tanong nya. Segundo bago ito nakabawi, nginisihan sya.

"Pwede ba bago ako mamatay mahalikan muna kita."

Namilog ang mga mata ng kagrupo nya lalo na ng magsimulang lumapit ang mukha ng lalaki sa kanya.

Hindi sya kumilos o gumawa ng hakbang para umiwas. When his face is an inches away from her, may kung sinong humawak sa bewang nya at hinila sya palayo sa lalaki.

Sa bilis ng pangyayari natagpuan nya na lang ang sarili na nakatayo sa gilid ng mesa habang may braso nakapulupot sa kanya.
Pressing her hard sa katawan nito.

Kahit hindi sya tumingin kilala nya na kung sino iyon.

Hindi nya ito nilingon bagkus nanatili ang tingin nya sa mayabang na lalaki.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon