S.C 5. Property Shirt

143K 3.2K 617
                                    

Beware SPG ahead. Read at your own risk.





******

Naabutan ni Angela si Dylan na nasa sala may hawak na invitation at nakakunot ano noo.

It's been two years simula ng maikasal kami bukod pa sa kilalang-kilala ko sya kaya alam ko kung kailan may  bumabagabag sa kanya.

"May problema ba Ylan?" Tanong ko na lumapit sa kanya.

Nagtaas sya ng tumingin at tulad ng lagi nitong ginagawa kapag nakikita ako nawawala ang pagkunot ng kanyang noo at ngumingiti sya.

"Hi Angel." Humapit kaagad ang kamay niya sa bewang ko at hinalikan ako sa noo. Saka ako hinila paupo sa tabi nya.

Napangiti ako. May anak na kami magda-dalawang taon na ang triplets and he still the same.

Yumakap ako sa kanya at tinignan kung para saan ang invitation na hawak nya.

"Oh bukas na pala iyan." Sabi ko.

Ang tinutukoy ko ay ang malaking party na nag-iimbita sa mga maiimplwensyang  grupo sa buong pilipinas.

"Sinong nagpadala?" Tanong ko. Kokonting tao lang naman ang nakakalam na ako ang nasa likod ng D&A.

"Sa police station. Ipinadala kay hepe at dahil kilala nya tayo pinadala nya sa atin." Ang tinutukoy nya ay ang hepe ng San Nicholas na si Roderick Dimansalang.

Tumaas naman ang kilay ko. Binasa ang invitation. Naka address iyon kay Ms. Angela Fuentebella.

Mukhang alam ko na kung bakit nakakunot ang noo ng asawa ko.

"Hindi ba alam ng mga taong iyon na kasal ka na?" Inis na tanong ni Dylan ng mabasa ulit ang pangalan na nakalagay sa invitation.

Tumaas naman ang sulok ng labi nya at nagkibit-balikat. "Siguro. Taon-taon naman na nagpapadala sila ng invitation sa akin pwera last year dahil hindi siguro nila alam na nandito ako sa pilipinas. "

"Uma-attend ka rito?"

Tumango ako. Unti-unti nararamdaman ko na ang pagtaas ng galit ng Ylan ko.

"Sinong kasama mo?"

"Ako lang."

"Sigurado ako na marami ang gustong  maisayaw ka at makipagkilala sayo sa party na yan."

Lalong lumuwang ang ngisi nya.

"Sa tingin mo Ylan?"

Nagsalubong ng tuluyan ang kilay nya.

"Kahit hindi pa kita naalala talagang uma-attend ka na sa mga ganyan."

Kapag nagseselos si Dylan at nagd-Dark mode sa harap ko hindi talaga ako natatakot. Bagkus I find him more sexy.

"Oo pampalawak ng koneksyon." Sagot ko sa tanong nya.

"Damn connection!" Bulong iyon na narinig ko kaya lihim akong napangiti

"A-attend ka ba?" Tanong nya.

"Syempre. We need it para sa D&A."

Hindi na sya umimik tumango lang. Pagkatapos malalim na nag-isip.

"Pwede akong sumama?" Tanong nya.

"Of course tinatanong pa ba iyon but Ylan di ba bukas din ang general meating mo sa mga board members at stock holders?" Pinipigilan kong mangiti ng makita kong sumimangot sya.

"Damn it oo nga pala." Inis na napasuklay sya sa buhok nya.

Kumandong naman ako sa kanya.

"Okay lang Ylan kahit hindi mo ako samahan. Naiintindihan ko naman." Patay malisya kong sabi kunyari ay hindi pansin ang pagmamaktol nya.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon