48. I make love to you

145K 2.8K 299
                                    

Warning SPG ahead...
******//////****

Hindi lubos maisip ni Angela na mangyayari ito.

Sya naglalakad papuntang altar kung saan naghihintay si Dylan.

Who really look handsome, standing there and waiting for her.

Araw ng kasal nila.

Hinintay lang ni Dylan na tuluyan syang gumaling. At heto na nga sila.

Windang at lutang pa sya sa mga nagaganap dahil kahit isang detalye sa kasal nila wala syang inasikaso.

Si Dylan ang lahat ang gumawa katulong si Mama Marita nya, her stepsister at mga D&A's

After 2 months heto na sya naglalakad papunta sa lalaking minamahal nya.

Its a beach wedding.

Tila naging isang heaven paradise ang tabing dagat sa pagkakaayos.

Nagkalat ang asul at pink na roses sa paligid. Ibat-ibang angel miniature at statue ang nakadesign sa nilalakaran nya.

Sky blue and dark blue ang motiff. Tanging sya at si Dylan lang ang nakasuot ng puti.

Her wedding gown is off-shoulder na umabot hanggang ilalim ng tuhod nya. Simple lang ang design at tabas na nadala nya ng maayos. Dahil nasa beach nakapaa lang sya, hawak-hawak ang bouquet of pink roses nya.
Ang tanging suot nyang alahas ay ang necklace na may palawit na anghel na bigay ng daddy nya and a white pearl earrings na pag-aari ng Mama nya.

Mag-isa syang naglalakad papuntang altar. Although wala ang daddy nya para ihatid sya hindi sya nakakaramdam ng lungkot. Dahil naghihintay sa kanya ang taong magpapasaya sa kanya habang buhay.

Nakawhite suite si Dylan nakatupi ang laylayan at manggas ng damit nito at nakabukas ang tatlong butones sa harapan, he look's like a Greek God lalo na at nakapaa lang din ito.

He is waiting for her with a gentle smile in his lips.

Nakisama ang panahon sa kanila. Mahangin at hindi nakakapaso ang init ng araw.

Nakangisi sa kanya ang mga D&A's nya, they're all happy for her.

Nanunukso naman ang ngiti ng The Outcast.

Her blue eyes is shining with happiness lalo na ng makalapit sya kay Dylan. He held her hand, hinapit sya sa bewang at bumulong sa kaliwang tenga nya.

"Are you ready to be officially mine Anghel ko?."

"I'm more than ready Ylan ko." Ganting bulong nya.

Hinarap nila ang altar at ang nakangiting pari ng maluha-luha bagamat bakas ang kasiyahan sa mga mukha.


Napatanga sya ng huminto ang yateng minamaneho ni Dylan sa isang maliit na isla.

After ng reception pinasakay sya ni Dylan sa yate at sinabing pupunta na sila sa honeymoon place nila.

Higit isang oras lang silang naglayag at dito nga sa napakagandang isla na ito sila nakarating.

"Welcome to Angel Paradise Mrs. Fuentebella." nagtayuan ang balahibo nya sa batok ng mula sa likod nya ay yakapin sya ni Dylan at bumulong sa tenga nya.

"A-Angel's Paradise?"

"Yeah our Private Island."

Ano raw?

Napaharap sya rito. Bahagyang namula ang pisngi nya ng hindi ito lumayo dahilan para halos magdikit ang katawan nila.

Nakasuot pa naman sya ng manipis na white dress dahil init na init sya kanina.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon