8. Confusion♡

122K 3K 243
                                    


Naglalakad si Angela papunta sa susunod na klase nya. Pinauna na nya si Maelyn dahil may dinaanan pa sya.

Papaliko na sya sa isang corridor ng biglang may humila sa kanya at pinasok sya sa isang C.R na pambabae.

"Problema nyo?" taas kilay na tanong nya kay Brena at Reina.

Lumabas naman ang tatlong lalaki na kumaladkad sa kanya.

"Akala ko hindi kana papasok." si Reina.

"Bakit did you missed me?"

"Sana dineretso mo na, nasusuka kami sa pagmumukha mo."

She smiled coldly.

"Oh. Masama yan lagi na ako nandito baka maisuka mo na pati laman loob mo."

"Huh kung ako sayo Fuentebella hwag kang masyadong mayabang. Di mo alam kung anong kaya kong gawin."

She looked at her coldly kasabay niyon ang pagngisi nya. Hindi man aminin ni Reina tumaas ng bahagya ang balahibo nito sa ngising iyon.

"Naiinip narin ako rito. Bakit hindi mo na lang gawin ang mga gusto mong gawin sa akin ng sumaya-saya naman." she said.

"Sisiguraduhin ko na magmamakaawa." Banta pa ni Reina.

"Talaga." Sagot nya bago binalingan si Brena.

Wala na ang maamong na mukha nito. Napalitan iyon ng pagkabagsik at pagtataray.

"O ikaw ano ang problema mo?"

"Stay away from Dylan."

"Bakit Boyfriend mo ba.?"

"Oo."

"Hindi halata. Akala ko alalay ka."

Bigla syang hinawakan nito sa braso duon sa mismong nakabenda nyang sugat.

" Putek masakit! Bigwasan ko kaya itong babae ito."Naisip nya.

"Stay away from him! Kung ayaw mong masira ang buhay mo, dito sa C.U"

"Lumayo ka nga, ang baho ng hininga mo." pinalis nya ang kamay nito na nagpaatras dito.

"Matagal nang sira ang buhay ko, kahit sa labas ng C.U. Ikaw? Do you want to have a hell life? May time pa ko gusto nyo hatiin ko ang oras ko sa inyong dalawa?""

Tinignan sya nito ng matalim.

"Huwag mo ko hamunin.

She just smirked.

"Tignan natin kung makangisi ka pa ng ganyan pagtapos ko sayo."

"Just bring it on bitch."

Napikon na yata si Reina kinuha nito ang isang timba sa gilid ng lababo na may laman na kalahating tubig at isinaboy sa kanya.

She side step. Kaya ang tubig na para dapat sa kanya ay kay Brena tumama. Bagamat na basa rin sya duon sa parteng may benda.

Then Brena shrieked na nagpatawa sa kanya.


*******

"Then the next thing I knew nabuhusan na ni Angela ng tubig si Brena." Sabi ni Reina with matching punas pa ng invisible tear.

Angela just rolled her eyes. Natatawa na lang sya sa kasinungalingan na sinasabi ng dalawa.

Nasa SG Office sila.

Gusto nyang matawa ng malakas dahil mas madalas pa yata na nandito sya kesa sa mga classroom nya.

Nasa harap nya si Dylan na nakatiim bagang at magkasalubong ang kilay. Present din si Quincy at Gelo minus her step sister.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon