SIMULA

797 13 6
                                    

SIMULA

She knows me well.

Not just by my favorite color or my favorite ice cream flavor. She knows when I can carry it all by myself, as well as when I need somebody to lean on. She always push me to do my best. Always ready to catch me when I fall and she will do anything to make me feel the happiest.

Kahit gaano ako kagaling umarte at magtago ng nararamdaman... walang lusot sa kaniya. I guess I'm a great pretender but when it comes to her, I am nothing but a transparent. Easy to read. Easy to predict.

She's my chum, my partner in crime, and my bestfriend for lifetime.

"Ano?! Lifetime? Ayaw ko no'n, Seah. Dapat forever! Hindi ka ba naniniwala sa forever?" Deandrah, my cousin slash bestfriend pouted.

Bahagyang kumunot ang noo niya. Itinigil ang paglalaro para ipakitang nagalit siya sa aking sinabi. Umiling lang ako at ngumuso.

"Forever tayong magkasama 'no! Kahit paghiwalayin nila tayo... ay! Mali! Wala pa lang makakapag hiwalay satin. Kahit pag lumaki na tayo, tapos... tapos..." Ngumisi siya at hinawakan ang dalawa kong kamay, hindi maituloy-tuloy ang kaniyang sasabihin.

Magrekreklamo sana ako dahil marumi ang kamay niya. Kanina pa kasi siya naglalaro ng putik dito sa farm, ngunit naalala ko na pati pala ang kamay ko ay may putik na rin dahil sa paglalaro kanina kaya hinayaan ko na lang itong pisil-pisilin ang kamay ko.

"Kahit mag asawa ka na! Kahit may asawa na 'ko!" Naningkit ang kaniyang mga mata, naninigurado at desidido.

I look at her with my innocent eyes. She looked serious planning for our future.

"P'wede naman siguro makitira sa bahay ng mapapangasawa mo? Ay! Mas maganda kung mag-bestfriend rin ang mapapangasawa natin para magkasama pa rin tayo! Right, Seah?" Lumaki ang kaniyang ngiti, kumbinsing-kumbinsi sa kaniyang sinabi na tila ba gagawin niya talaga ang planong iyon.

"Ate Deandrah," panunuya ko gamit ang salitang "ate". "I'm just nine years old and you're thirteen. Please stop thinking about our future. We will be together in every second and minute of our lives. Lifetime." Ngumiti ako at kinamot ang ilong.

She then started to laugh. Kinamot niya rin ang kaniyang ilong at nakita ko kung paano dumikit ang putik doon. Ngayon, alam ko na kung bakit siya tumawa.

"No, Chelseah..." pag-angal niya. Kahit kailan ay hindi talaga siya magpapatalo. "We will be together not just for a life time, but until the another life! And can you please stop calling me ate? You know what, mukha ka pa'ng matanda mag isip kaysa sa'kin."

Napawi ang ngiti ko. She's right, I'm the younger but when it comes on thinking... I look like a mother who has many responsibility to do. I need to be, I don't have a choice.

Nang makita ang nag-aalalang mga mata niya ay agad kong inayos ang lukot na mukha. Humagikgik ako at iniabot ang hinliliit na daliri ko sa kaniya.

"Until another life." I smiled with all of my heart.

Inabot niya rin ang kaniyang kamay at isinukbit sa daliri ko. We did pinky swears.

"Until another life," she smiled too. Her eyes are screaming for happiness.

"Deandrah! Chelseah! Time to eat!" sigaw ni Tita Deanna, Deandrah's Mom.

Tumingin sa akin si Deandrah gamit ang mapanuyang tingin. Matalim ko siyang tiningnan para bawalan sa naiisip na gawin.

"Deandrah stop—" hindi ko na natuloy ang pagbabanta nang bigla niya akong pahiran ng putik sa mukha.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ang tanging isinukli niya lang ay ang malakas na pagtawa.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon