KABANATA XX

148 2 6
                                    

KABANATA XX

Nawala ang mga ngiti ko sa labi habang pinagmamasdan si Ashley. Ngayon ay malapit na siya sa amin, kasama ng teammates ko na nagchi-cheer.

She looked confident by what she was doing. That's why she became the center of attention. Lahat ng mga tao ay tumitingin sa kaniya sa tuwing sisigaw siya. Dagdag pa ang suot niya na white tube at maong shorts.

"Feeling maganda, mukha namang hipon." Deandrah rolled her eyes.

"D..." saway ko. Hinatak ko siya para maupo sa tabi ko. "Let's watch quietly."

She crossed her arms and sit beside me. Mabuti na lang at naupo na ang mga nasa harap, mas nakikita na namin ang mga naglalaro kahit na hindi kami nakatayo.

While the crowd roars, Deandrah and I were watching quietly. Paminsan-minsan ay pumapalakpak kapag nakaka-score ang CHA.

Samantalang si Ashley ay parang sinasadyang pikunin si Deandrah. Tuwing sisigaw siya at iwawagayway ang banner ay pabalik-balik na lumalakad rito sa pwesto namin.

Kung hindi ko pinigilan si Deandrah, tiyak akong kanina pa siya may nagawa kay Ashley. Na-trigger na siyang iharang ang paa niya kanina para matisod pero agad naman natauhan nang hampasin ko ang kamay.

The game ended, ang team nila Kaizer ang nanalo. Kahit na naging dikit ang laban ay nagawa pa rin nilang lumayo. Their consistency and team work made them won.

Nagwawala na ang crowd dahil sa pagkapanalo. Tumayo kami ni Deandrah at tahimik na nakisabay sa palakpakan ng teammates namin.

Pinanood ko si Ashley habang papalapit kay Kaizer. Nag-abot agad ito ng twalya at isang bote ng tubig. Kaizer refused and show his own towel.

"Kai! Fifteen minutes na lang start na ng running. Pinapatawag ka na ni—"

"I know," putol ni Kaizer kay Ashley nang papalapit na kami.

"Samahan na kita!" Kumapit si Ashley sa braso ni Kaizer at ngumiti sa akin.

"Congrats Kaizer! Iba ka talaga!" bati ni Sheryl, teammate ko.

Sunod-sunod ang papuri nila kay Kaizer at sa buong team. I only stand behind Deandrah, nagtatago sa matalim na tingin ni Ashley.

Sa lahat ng nag-congratulate sa kay Kaizer, he only nodded. Ang iba naman ay kinamayan.

Maya-maya pa, sa kalagitnaan ng pagtatawanan ng buong team ay nagpaalam na si Kaizer na pupunta sa field dahil mag-uumpisa na ang running. Wala namang naging kaso kay coach Almira, lalo na't wala na silang laban ngayong araw.

Pag-alis ni Kaizer ay sumunod agad si Ashley. Kami naman ay pumunta sa kabilang court kung saan naglalaro ang volleyball girls. Sa buong team, si Troy lang ang pinayagan na manood kay Kaizer, para na rin daw maalalayan ang pinsan.

"C, that's the quick attack," ani Deandrah sabay turo sa naglalaban sa harap namin.

"Like w-what they did?" humahangang tanong ko. Nakaawang ang labi at pabalik-balik ang tingin sa naglalaro.

"Yes."

"How... I m-mean, that fast?" hindi pa rin makapaniwala kong sabi. Nang mapanood ko ang mabilis na set ng setter at mabilis na pag palo ng spiker, hindi ako makapaniwala.

That blows my mind. That was close to a magic. Nakakapanood man ako ng quick attack sa training, ngunit hindi ganoon kabilis.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko na paano na lang kung matapat sila sa amin? Kung sila ang makalaban namin?

Ngayon pa lang ay nanginginig na ako habang iniisip iyon. That would suck.

"Someday, you'll attack the ball like that. And I will be happy to hear the commentator, like this... Cristobal number nine, nailed that attack!!!" mahina ngunit pasigaw niyang sabi na para bang commentator talaga.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon