KABANATA XVIII

140 3 3
                                    

KABANATA XVIII

"Are you sure about this?"

"Yes," sagot ko.

"Are you sure?" naningkit ang mga mata niya.

"Deandrah..." Tiningnan ko siya nang masama.

Humalakhak siya at pumasok sa hair salon. Nagpa-appointment na kami kaya naman pag pasok namin ay pinaupo na agad kami sa harap ng malaking salamin.

Kumabog ang dibdib ko habang tinitingnan ang mahaba kong buhok. Hinawakan ko ito at tiningnan ang sarili sa salamin.

I need to let this go.

Gusto kong manghinayang ngunit hindi naman dapat. Hindi ako basta magpapagupit lang. This is will going to be worth it! Yes, hair cut for a cause.

"P'wede umatras, ha?" panunuya muli ni Deandrah.

"I won't," matapang kong sabi at tiningnan siya sa salamin.

"Ma'am anong gupit po?" mahinahon na tanong ng bakla nang lumapit sa pwesto ko.

Lumunok ako at tiningnan si Deandrah sa salamin.

"Above my s-shoulder..."

"Hala ma'am, sayang naman po ang buhok ninyo. Ang ganda pa naman!" Hinawakan niya ang mahaba kong buhok nang may panghihinayang.

I just smiled.

Nang hindi ako sumagot ay nilagyan na ako ng salon towel sa leeg at balikat. Kumakabog man ang dibdib habang tinitingnan ang hawak niyang gunting ay tinapangan ko ang aking loob.

I remained calm as I watched my hair getting shorter.

Nang tingnan ko si Deandrah sa salamin ay tumatawa ito. Napaisip tuloy ako kung bagay sa akin o hindi.

Maya-maya pa ay may lumapit na rin sa pwesto ni Deandrah. Hindi ko narinig ang sinabi niya sa maggugupit, ngunit ang napag-usapan namin ay parehas kami ng gupit.

We have the same long hair, and we planned that we will have the same short hair.

Pagkatapos ang ilang minuto ay natapos na ang sa akin. Nang tanggalin na ang salon towel ay para akong nabunutan ng tinik sa leeg.

I love my hair right now!

Mas magaan sa pakiramdam. Palagay ko ay mas gusto ko itong maikli.

Napangiti ako sa sarili habang nakatingin sa salamin. When I saw Deandrah, she smirked.

Sumunod ako sa may ari ng salon at kinuha ang ginupit sa aking buhok. Halos maluha ako nang makita kung gaano kahaba iyon, ngunit masaya rin sa parehong pagkakataon.

Pagkabalik ko sa loob ay nawala si Deandrah, ganoon din ang kaninang naggugupit sa kaniya.

"A-ate, excuse me po. Nasaan po 'yong kasama ko?" I asked the gay who cut my hair.

"Ay, binabanlawan lang po ang buhok." Ngumiti ito sa akin bago bumalik sa kaniyang ginagawa.

Kumunot ang noo ko. Binalewala ko na lamang iyon dahil sigurado akong malalaman ko rin iyon mamaya.

Nagbasa na lamang ako ng mga magazine nila upang malibang. Minuto-minuto ay tumitingin ako sa wall clock para tingnan kung ilang minuto na siyang nawala.

Hindi ako mapakali at tingin nang tingin sa tatlong pintuan sa salon na ito at nagbabaka sakaling lalabas na roon si Deandrah.

Nang mag-iisang oras na tumayo na ako at dumoble ang pag-aalala. Hindi ko namamalayan na palakad-lakad na ako rito sa loob. Halos pagtinginan ako ng mga bagong costumers.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon