KABANATA XXV

141 4 11
                                    

KABANATA XXV

Natahimik ang lahat habang nakatingin kay Ashley. Nabasag lamang ang katahimikan nang magsalita si Aika...

"Ashley! Mabuti at pumunta ka? 'Yan pala, e! May ka-partner na si Kaizer!"

Hindi ko inaasahan ang katuwaan ng lahat dahil sa pagdating niya.

"Problem solved!" sabi ni Ian kay Deandrah sabay palakpak.

I glanced at Deandrah. Nakangiti ito ngunit hind abot hanggang tenga. She rolled her eyes and took a deep breath. Ngumiti pa siya nang peke kay Ashley bago isulat sa notebook ang pangalan nito.

Since Ashley came, coach Rebecca house became more loud. Paano ay nagpadala pa siya ng karaoke. Mula kanina ay nag-aagawan na ang iilan sa microphone kung sino ang kakanta.

Nang magdilim na at tapos na ang kainan ay bumili ang mga lalaki ng alak. Nagkaroon tuloy ako ng dahilan para pumasok na sa loob. Bukod sa ingay ay baka abutan nila ako ng alak.

Sinamahan ako ni Deandrah sa loob ng bahay ni coach. Nag-iisa sa bahay si coach dahil nasa ibang probinsya ang pamilya niya. Mabuti na lang at wala kaming naabala sa ingay, ang mga kapit-bahay lang na sa tingin ko ay magrereklamo na maya-maya.

Habang palalim nang palalim ang gabi ay narito lang ako sa loob. Paminsan-minsan ay sinisilip sila. Pumunta na rin si Deandrah sa labas para makipag-inuman, napapagod na rin kasi si Aika magpa-balik-balik para lang abutan ng tagay si Deandrah.

"Let's go outside, Chelseah..."

Lumingon ako at nakita si coach na may dala-dalang plato, mukhang kakatapos lang magluto.

Ngumiti lang ako sa kaniya at umiling. Hindi ko alam ang sasabihin dahil baka isipin niyang kill joy ako.

Tumawa ito. "Basta mamaya pumunta ka ro'n, ah! Let's enjoy this night. Feel at home rito, anak," aniya.

Nahihiya akong tumango sa kaniya. Nang makalabas na siya ay sumilip ako sa bintana para makita silang nasa garahe.

Sa isang mahabang lamesa ay nakapalibot sila. Kaniya-kaniyang kwentuhan habang ang iba ay kumakanta. Dumapo agad ang paningin ko kay Ashley dahil sila ang nasa bungad. Sa tabi niya ay si Kaizer na seryosong nakikipag-usap kay Ian.

Maya-maya ay inilapit ni Ashley ang mukha niya kay Kaizer. May ibinulong siya, dahilan para matawa nang bahagya ito. Pagkatapos ay nilagyan ni Ashley ng alak ang baso sa harapan ni Kaizer. Walang pag-aalinlangan naman niya itong tinanggap at nilagok ni Kaizer.

Ubos agad ang laman ng isang baso, puno pa naman iyon. Lumunok ako nang makitang parang wala lang sa kaniya iyon.

Inilipat ko na lamang ang paningin kay Deandrah na katabi si Troy, mukhang masaya ang pinag-uusapan dahil tawa sila nang tawa. Nang makita ako ni Troy na nakasilip ay itinuro niya ako kay Deandrah. Deandrah waved at me happily. Sinigawan niya pa ako para ayain ngunit umiling lang ako at ngumiti.

Sinara ko na ulit ang bintana para hindi ko na masyadong marinig ang ingay na nagmumula sa labas. Kumain na lang ako ng barbeque para libangin ang sarili.

Nang tuluyan nang mabagot, tumayo ako para tingnan nang mabuti ang mga pictures ni coach Almira na naka display sa harapan ng tv.

Kung alam ko la'ng na gan'to ang mangyayari ay nagdala sana ako ng libro para may magawa naman ako kahit papaano.

Lumingon agad ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Aika na medyo nabubuwal-buwal na. Tumawa pa ito nang muntik nang matalisod.

"Seah! Tara ro'n! Party-party tayo. Panalo tayo... e... Tara!"

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon