KABANATA XVII

160 4 7
                                    

KABANATA XVII

"Lola Rosa! Oh my gosh, I missed you!"

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pagsalubong ni Ashley kina Kaizer at sa Lola nito.

"Ashley... bakit narito ka? Wala ka bang klase?" nakangiting tanong ng matanda.

Ashley was wearing the senior high's uniform. Nakalugay ang buhok nito at kinulot sa dulo. Ang pisngi at labi ay pulang-pula. Hindi ko alam na pu-pwede pala iyon dito sa school. She was the only one I saw wearing a make-up. Dagdag pa ang palda niya na halos kasing ikli na ng spandex namin.

"Wala kaming teacher. Why are you here, lola?"

"Hinatid ko ang bag ni Kaizer. Itong batang ito, lagi nakakalimot sa mga kailangan niya..."

"Let's go, Lola," si Kaizer at inakay ang Lola niya.

"Wait..." Harang ni Ashley. "Uuwi na ba kayo, Lola? Hatid na kita! Nasa labas lang ang driver ko." Ngumiti ito nang matamis.

Suminghap si Kaizer at tumingin kay Ashley.

"Nakahiram ako ng motor," anito.

"But it's more safe in the car!" mabilis na sagot ni Ashley. Malakas ang kompyansa nito sa sarili at hindi mag papatalo.

How I wish I was too.

"No—"

"May training ka! Ako walang klase!" Pigil ni Ashley sa sasabihin ni Kaizer.

Ngumiti ang lola at hinaplos ang balikat ng kaniyang apo.

"Sige na apo, pumayag ka na at tama naman si Ashley. Mag-ensayo ka na lang nang mabuti, at huwag mong hahayaang matuyuan ka ng pawis."

Lumambot ang ekspresyon ni Kaizer nang tingnan ang kaniyang lola. Huminga ito nang malalim at tumango.

"Yes!" Humagikgik si Ashley at inakay ang lola.

"Saglit lang, Ashley..." Halos tumakbo ang Lola papunta kay Kaizer. Hinagkan niya ito at tinabig ang pisngi para mahalikan ito. Dahil matangkad si Kaizer ay yumuko ito para mahalikan siya ng kaniyang lola.

Pinaghalong tuwa, saya, at inggit ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan iyon. Ngunit mas nangibabaw ang pagkakuryoso ko kay Ashley habang pinapanood ang pag-akay nito sa matanda.

Akala ko ba ay hindi siya ang girlfriend ni Kaizer. Hindi ko maintindihan ang mga ikinilos nila. O sadyang hindi ko lang sila ka-edad para maintindihan anga kanilang mga galaw.

Lumipas ang mga araw at halos araw-araw naroon si Ashley sa training namin. Madalas ay may dala pang energy drink para sa lahat, kaya kinagigiiliwan nila. Dahil alam kong anak siya ng konsehal ay masasabi kong pu-p'wede siyang tumakbo sa eleksyon balang araw. Bukod sa nananalaytay sa dugo, pangpolitiko rin ang kaniyang ugali.

Kasundo niya ang lahat maging si coach. Kami lang yata ni Deandrah ang hindi niya nakakabiruan. Kapag lagi siyang pumupunta ay mailap ako. Ngunit si Deandrah naman ay hindi ko mabilang kung ilang beses umikot ang mga mata tuwing magsasalita si Ashley. Minsan nga'y nagpaparinig pa rito.

Madalas ay hinihintay ni Ashley si Kaizer hanggang sa uwian. Ngunit hindi ko naman na nakikita kung sumasabay si Kaizer dahil nauuna kaming umuwi ni Deandrah. Bukod roon ay nalilibang din ako sa ingay ni Mike kapag pumupunta siya sa court para panoorin ako. Mabuti na lang at hindi natuon ang atensyon ko sa kanila.

Hindi padali nang padali ang training. Habang tumatagal, lalo itong humihirap. That's why Mike was a big help when it comes on cheering me up. Of course, number one roon si Deandrah... dumagdag lang si Mike para palakasin ang loob ko.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon