KABANATA XVI

156 5 4
                                    

KABANATA XVI

"Duwag!" Deandrah shouted at Ashley.

"Dapat hindi mo na pinatulan—"

"Anong hindi papatulan? Hindi ko siya titigilan hanggang mamilipit sa sakit," taas noo pa nitong sabi. "Duwag naman pala. Hindi niya lang ako kaya," bulong pa niya habang itinataas ang manggas ng damit, nakatingin kung saan huling nakita si Ashley.

Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga nang mag sink in sa aking utak ang pagsugod ni Ashley. That was the first time that someone wanted to hurt me. Siguro ay may mga taong ayaw sa akin sa school mula noong elementary, ngunit kailan man ay walang naglakas loob na hamunin ako ng away o galawin ako.

"L-let's forget that, magbihis na tayo." Inakay ko siya ngunit hindi siya nagpatinag.

"Deandrah, let's change—" Napahinto ako sa pagsasalita nang mapansin ang tingin niya sa akin. "W-what?"

"You saw them?" seryoso nitong tanong. Nakataas ang kilay at nanunuri ang mga mata.

"W-who?" Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang pang ibabang labi.

"Kaizer and Ashley. You saw them doing what?"

Lumunok ako at tumingin sa kaniya.

"Seah..."

"I saw them... k-kissing, I g-guess?" nauutal kong sabi. Muling bumalik sa aking isip ang mga nakita. Sa court at sa gilid ng hagdan.

"Fuck you one hundred times, Kaizer!" inis na sigaw ni Deandrah.

Umawang ang bibig ko.

"I'm going to kill him! Sa harap mo pa talaga?!"

"D, t-that's okay... I m-mean, ako ang dapat hindi nakakita no'n. T-that's normal, 'di ba?" Kumagat ako sa labi atsaka nagsalitang muli, "Even in the start, I thought Julia was his girlfriend... si A-ashley pala."

Napasapo siya sa noo at problemadong tumingin sa akin. "Julia is not his girlfriend, either Ashley! He don't have one. Mapapatay ko talaga si Kaizer! Ipapalapa ko sa mga leon, papabugahan ng apoy sa dragon... basta!"

Gulong-gulo ako sa mga sinasabi ni Deandrah. Hanggang nagbibihis na kami sa kwarto ay hindi nabawasan ang inis niya kay Kaizer at Ashley, mas tumindi pa.

If he doesn't have a girlfriend, why was that? I don't understand. Ang alam ko ay magkarelasyon lang ang gumagawa ng mga ganoong bagay.

"Nakapagdala ka ba ng shades?" tanong niya nang nakababad na kami sa pool.

"Yes, it's in my bag," mahinang sagot ko habang ninamnam ang sikat ng araw.

Inihilig ang ulo sa gilid ng pool. Pumikit ako at nimamnam ang sikat ng araw. Narinig ko ang pakikisuyo ni Deandrah sa isa sa mga kasambahay namin para kunin ang shades. Gusto ko sanang ipakuha ang life vest, ngunit nahihiya ako.

I don't know how to swim. Ilang beses akong tinuruan ni Deandrah at kinuha pa ako ng trainor ni Daddy, ngunit hindi talaga ako natuto. Pakiramdam ko kasi ay malulunod ako lagi.

Kaya tuwing magbabakasyon kami ay nasa gilid lang ako palagi, kung hindi naman ay nasa mababaw na parte. I can't risk my life. I am enjoying here in the side part of the pool, though.

"C! Picture tayo!"

Dumilat ako at hinanap agad si Deandrah. Nakaahon na pala ito at hawak na ang cellphone. Nakangiti at inaaya ako.

Lumakad ako papunta sa hagdan ng pool at dahan-dahang umangat. Pagkatayo ay inayos ko pa ang suot kong rash guard.

Nagpunas ako ng kamay sa twalya at kinuha ang cellphone ni Deandrah.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon