KABANATA XXXXI

122 1 19
                                    

KABANATA XXXXI

I was walking back and fort to every corner of my room, thinking about if I should send this message or not. I sat on my bed and clicked the send button.

To: Kaizer
Is Troy okay?

Wala naman sigurong masama kung tatanungin ko siya. Gusto ko lang kumustahin si Troy at... gusto ko rin kumustahin si Kaizer. Magkakasama lang kami kanina at alam kong magkikita kami bukas sa training pero hindi ko maiwasang isipin sila.

Tapos na akong kumain ng hapunan at nakapag-shower na rin nang mag-reply si Kaizer. Maybe he's still working in the park.

From: Kaizer
I don't know.

I questioned myself in the mirror, "After 2 hours of waiting for his reply, I don't know lang pala ang sasabihin?" Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy na ang pagsusuklay sa buhok.

Mahihiga na sana ako pero tumunog ang cellphone ko.

From: Kaizer
Why are you asking about him?

Napanganga ako at napaisip nang ilang minuto. Should I say that I was concerned about Troy? Concerned naman talaga ko dahil grabe ang iniyak niya kanina. Pero 'pag sinabi ko iyon, baka isipin niyang may gusto ako kay Troy!

Inilapag ko na ang cellphone ko at nahiga na sa kama. Anong oras na rin, kailangan ko nang magpahinga. Ano kayang ginagawa ni Kaizer ngayon? Bakit gising pa siya?

Imbis na makatulog agad ay kung ano-ano pang naiisip ko. I guess it took an hour for me to sleep.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at maaga rin dumating para sa training. I was the first-comer. Mabuti na lang at naiiwan sa stock room ang mga bola. Kumuha ako ng isa para mag-practice ng service.

Hanggang ngayon ay sa service pa rin ako mahina. Sakto man ang height ko, mahina pa rin talaga ang braso ko. Sa tuwing naglalaro kami, karamihan ng service ko ay hindi pumapasok. Kung pumapasok man, tsamba lang, sa first line lagi ang bagsak—ganoon kahina.

Nag-service ako nang nag-service hanggang tumagktak ang pawis. Ni isa roon wala man lang pumasok. Parang nagpapagod lang ako rito dahil kada isang service ko, pinupulot ko ang bola.

Nagpunas ako ng pawis at tiningan ang oras sa cellphone ko. Masyado pa ngang maaga kaya wala pang dumadating na kahit isa sa teammates ko. Tumayo ulit ako at pumunta sa service line para mag-practice ulit.

Naka-ilang service na ako pero wala pa ring pumapasok. Inis akong tumakbo sa dulo kabilang side ng court para kuhanin ang bola.

I dribbled the ball as if I was mad at it. "Ano bang dapat kong gawin para pumasok ka sa kabilang court?" inis kong tanong.

Inayos ko agad ang pagkakatayo at ekspresyon ng mukha ko nang makita ko si Kaizer na pumasok sa loob ng court. Seryosong-seryoso bitbit ang black niyang bag. Halatang bagong ligo dahil basa pa ang kaniyang buhok.

Patay malisya kong binitawan ang bola at inilagay sa isang gilid. Baka pagalitan niya ako dahil humawak ako ng bola kahit na hindi pa ako nag-i-stretching.

Nagmadali akong kunin ang bola nang gumulong ito papunta sa court. Dahan-dahan pa rin ang pagkilos ko para hindi niya mahalata.

"What are you doing?"

Kumalabog ang dibdib ko. Dahan-dahan akong tumayo habang bitbit ang bola. Nang humarap ako sa kaniya ay nakatayo na siya, mukhang tapos nang ayusin ang mga gamit.

"N-nothing, s-sorry..." Nakayuko kong sabi. He's gonna give me a punishment, for sure!

"I mean.... shy did you stopped practicing your service?" He raised his brows. Sa isang iglap ay naagaw niya na mula sa akin ang bola sabay diretso sa service line. "Come here, tuturuan kita."

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon