KABANATA II

248 8 6
                                    

KABANATA II

Gaya ng kaniyang sabi ay nanatili ako sa cr. Wala rin naman akong magawa dahil puro dugo ang white pants ko. Sa lahat ng araw ay ngayon pa tumapat, sa araw na napili kong mag suot ng white pants!

And yes! This is my first time. I can't believe that it hurts a lot. Naririnig ko lang iyon na masakit dahil sa mga rants ni Deandrah tuwing dinadatnan siya. Hindi ko akalain na ganito kasakit.

I want to call Daddy but I don't wanna disturb him, he's busy... and tired. I don't want to be a burden. Siguro naman ay pabalik na rin si Deandrah.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang nakasandal sa pader. Hawak-hawak pa rin ang puson ko... na akala ko kanina ay tiyan ang sumasakit.

Habang tinitingnan ang sarili sa salamin ay napalunok ako. My black off shoulder top is now creased. My long black straight hair is messy. Bullet sweats are on my forehead. At ang pants ko ay puno na ng dugo sa likuran.

I hope that guy would buy me some shorts or... whatever. I am willing to pay him naman, kailangan ko lang talagang magpalit ng jeans.

Kahit na gusto ko na lang umiyak sa hiya ay hindi ko magawa. Patuloy lang na nanggigilid ang luha ko.

Nag-angat ako ng tingin nang may biglang kumatok ng tatlong beses. Nagdalawang isip pa ako bago buksan ang pinto dahil baka hindi siya iyon.

"Open the door, it's me."

Nagmadali akong lumapit sa pintuan at binuksan iyon nang marinig ang boses niya.

"Here." May inabot siya sa aking plastic. "Pants, not pricey as you wear but—"

"I d-don't care about the price. I'm going to change." Bigla akong tumalikod at sinara ang pinto.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko matagalan ang kausap siya. He was just too intimidating for me.

Nang tignan ko ang plastic ay nanlaki ang mata ko. May maong pants na mukhang kasya naman sa akin, pads, at... barbie na panty!

Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. My God, I'm already thirteen! Turning fourteen!

Ganoon pa man ay mabilis akong nagpalit dahil hindi rin ako komportable sa suot. Namamangha pa rin ako dahil kasyang-kasya sa akin lahat ng binili niya—para ba'ng sinukat.

Nang matapos ay binanlawan ko ang pants at itinapon na rin sa basurahan. Nang makapag sanitize na ako ng kamay ay inayos ko ang aking sarili habang nakatingin sa salamin.

Namumutla man ay pinilit kong ngumiti. Nangibabaw ang kabog sa dibdib ko bago lumabas ng cr, baka naroon pa rin siya. Gusto kong naroon siya para mabayaran at makapag pasalamat, ngunit sa kabilang banda ay hindi ko na gugustuhin dahil hindi ko matagalan ang kausapin siya. Nakakahiya dahil naisip ko pa kanina na... hahalikan niya ako tulad ng mga nababasa ko sa nobela.

Nakakahiya, Chelseah Claire!

Pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mata ko nang makita siya na nakasandal sa tapat ng cr. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay.

"They fit." He nodded as he looked at my pants.

"O-oo—"

"Seah!!!" Napalingon ako dahil sa lakas ng boses ni Deandrah.

Nang papalapit na si Deandrah sa kinaroroonan ko ay lumingon ako muli kay Kaizer... ngunit nakaakyat na siya ng hagdan.

"W-wait!" sigaw ko pa ngunit hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglakad.

"Let's go?! Oh, you change your pants?" gulat na tanong niya habang tinitignan ang pantalon ko.

"I already...."

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon