KABANATA XXXXVI

450 12 22
                                    

"Diyos ko, bebe! Ang bata mo pa. Bakit ka—"

"Krizza," pigil ko sa kaniya. "Ako na munang bahala rito." Tiningnan ko si Krian ngayon na nanlilisik na ang tingin kay Krizza at Mike.

"Hay, naku! Tara na, sis. Baka madamay tayo kapag nakasuhan si Seah. UAAP rookie player, Seah Cristobal, kumidnap ng isang bata! O, pak! Ganiyan ang magiging headline sa balita." Mike laughed, teasing me while going to their own room.

Natawa na lang din ako sa naisip niyang headline. Puro talaga kalokohan si Mike.

"Why did you do that, Krian?" Kinuha ko ang box ng donut sa lamesa at inalok sa kaniya pero tiningnan niya lang ito at hindi pinansin.

"Because it looks fun," inosente niyang sagot.

I laughed and then stopped when I saw her getting offended.

"I don't think being in a relationship in such an early age is fun," mahinahon kong sabi. "May ibang paraan pa naman para maging masaya ka... para magkaroon ka ng sinasabi mong fun. You can play with your friends or focus on your studies. I think that would be fun too, rather than having a relationship." Huminga ako nang malalim nang makitang malayo ang tingin niya. Ni hindi ko alam kung nakikinig ito sa akin.

"You know, Kri... You need to understand your kuya. Nabigla lang 'yon kaya ka niya pinagalitan. He was just concerned about you because—"

"No." She crossed her arms.

"Sure akong nag-aalala at naghahanap na 'yon sa 'yo."

Hindi siya kumibo. Pinigilan ko lang ang tawa ko nang unti-unti niyang inabot ang box ng donut at kumuha ng isa. Tahimik niya iyong kinain habang nakakunot pa rin ang noo.

Buti na lang pala ay nakabili ako kaninang umaga sa krispy kreme noong nag-grocery ako, mukhang gusto niya ito. Noong sinundo ko kasi siya sa kanto malapit sa bahay raw nila, wala siyang kibo. Ni hindi nga siya umiimik. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin dahil mukhang ayaw niya naman sa mga restaurant na hinintuan namin. Kaya naisip kong dalhin na lang siya rito sa condo, mas safe pa.

"Bakit 'yung mga classmates ko okay lang sa parents nila? They were teasing me because there are many boys in our school that have a crush on me, but I don't have a boyfriend yet! Well, I don't even want to have one..." She rolled her eyes. "But they will keep teasing me so I answered yes to Bryan."

Kinagat ko ang labi ko, iniiwasan matawa. For real? Ayos lang sa parents ng mga kaklase niya na pumasok ang mga ito sa relasyon? They are too young for that. But I won't judge the parents anyway, sigurado akong may rason sila para roon. Iba rin talaga ang generation ngayon.

"Ilang taon ka na nga pala?" I asked to crack the silence between us.

"Twelve, turning thirteen this year."

"Are you on sixth grade or..."

"Yup, grade six."

Tumango-tango ako. Sabay kaming napatingin sa phone niya nang mag-beep ito. She glanced at it and rolled her eyes.

"It's probably your kuya Kaizer, text him back. Nag-aalala na 'yon sa 'yo for sure."

"No, that's not kuya."

Iniabot niya sa akin ang phone niya at kunot noo kong binasa ang text message.

Bryan:
Mtutulog n ako... nggalit na ksi skin mami. Gudnayt! Labyu bby. Kita tyo bkas :*

Huminga ako nang malalim at tumingin sa wall bago tumingin kay Krian. Pinigilan ko ang sarili na matawa.

"Ate, he's so jejemon, right? He doesn't even know the right spellings." She laughed hard. "Pasalamat na lang siya at no choice ako kanina kaya I answered yes!"

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon