KABANATA XXIII

152 3 18
                                    

KABANATA XXIII

My heart beat stopped for a while.

Akala ko tapos na ang laban? Panalo na kami, mukhang mababawi pa?

Nakalaylay ang balikat ko habang pinagmamasdan si Deandrah na lumapit sa referee.

"Nahawakan ng kalaban! Malinaw na malinaw. Checked ball!" pagkukumbinsi sa amin ni Alexa.

Walang sumagot ni isa sa amin. Lahat kami ay nakatingin kay Deandrah, referee, at captain ball ng kabilang side.

Kung anumang pinag-uusapan nila ay sila lang ang nakakaalam.

Maya-maya pa ay lumapit na si coach Almira at coach ng kalaban. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Kahit hindi naririnig ang pinag-uusapan nila, ramdam na ramdam ko ang tensyon sa kanilang pagitan. At ang kanilang reaksyon ay hindi maipaliwanag.

"Balita?!"

Dumating si Troy na may malaking ngiti.

"O, why..." Nginuso niya ang nag uusap-usap na coaches at captain balls.

"Panalo na sana. Nagreklamo 'yong kabila, hindi raw na-checked ball," ani Aika sabay tingin ng masama sa kalaban.

"Kayo? Tapos na ang laban? Nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ni Sheryl.

Ngumisi si Troy at itinaas ang kaniyang manggas para ipakita ang muscles.

"Baka Troy 'to," nagmamayabang niyang sabi.

"Panalo na kayo?!" Tumalon si Sheryl at Aika.

Bago pa sumagot si Troy ay dumating na ang teammates niya. Pinangungunahan ito ni Kaizer na pawis na pawis. Kung panalo na sila, sigurado akong marami siyang nagawang puntos.

Sumulpot mula sa likuran ni Kaizer si Ashley na hinahabol siya. Tumingkayad pa ito para punasan ang pawis ni Kaizer, ngunit iniwasan lamang iyon ni Kaizer. Sa halip ay kinuha niya ang towel sa bag atsaka pinunasan ang sarili.

Ashley pouted and still followed Kaizer.

Napalingon ako nang biglang nag-whistle ang referee. Umiling ito sa coach ng kalaban at itinuro ang side namin.

What did he mean by that?

Nagsigawan ang lahat. Nagulat na lang ako nang biglang tumakbo si Deandrah para yakapin ako nang mahigpit.

I hugged her too even when I was still confused about what's happening.

Humiwalay ako sa pagkakayap para tanungin siya, "P-panalo?"

She giggled and nodded. Hindi pa ako nakakapag-react ay napagitna na ako sa yakapan ng team sa gitna.

We prayed and thanked God in the middle of the court.

We won! We are the champions!!!

I can't believe this.

Maya-maya pa ay binaba ni Troy ang bag at nakisali sa yakapan. Ginaya na rin siya ng iba hanggang sa pare-parehas na kaming magkakaakbay sa gitna at tumatalon-talon.

Biglang tumigil si Deandrah kaya tumigil din ang lahat.

"May nakakalimutan yata tayo," aniya habang nakangisi. Nagkatinginan sila ni Aika, Sheryl, at Rhea.

Nagulat na lang ako nang bigla nilang puntahan si coach at buhatin. Tumakbo ito habang tumatawa. Nang maabutan nila Deandrah ay binuhat ito hanggang sa court.

Parang walang hanggan ang kasiyahan. Nilagay nila sa gitna si coach atsaka itinuloy ang pagsigaw at pagtalon kanina.

"CHA! CHA! CHA!" sigaw nila habang tumatalon-talon. Kalaunan ay sumigaw na rin ako dahil sa saya.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon