KABANATA XIII

177 3 9
                                    

KABANATA XIII

Naging abala ang buong linggo dahil sa darating kong birthday. Kahit na hindi tumutulong sa paghahanda ay naging abala pa rin kami ni Deandrah.

We're still doing academic tasks even if we're always excuse. Kahit na hindi p'wedeng bumaba ang grades ko ay ayaw ko namang walang matutuhan, kaya kahit na mahirap pagsabayin ang dalawa ay ginagawa ko. Kahit na halos ikamatay ko na ang training.

May mga pagkakataon na pulang-pula na ako dahil sa init at sikat ng araw. Sa isang buwan na ang laban namin kaya napagdesisyunan ni coach na sa open court na kami mag training. Bawat araw ay padagdag nang padagdag ang nga ginagawa naming drills. Hanggang sa naglalaro na kami, boys versus girls. Mabuti na lang at bench player lamang ako. Iyon nga lang ay nakakapagod rin magpulot ng bola. Ayos na iyon kaysa naman tamaan ako ng bola o kaya'y mahimatay na naman.

Kahit na pagod na pagod pagdating sa bahay ay pilit kong ginagawa ang mga activities sa school. Mike always inform me to what I need to accomplish. Minsan nga ay sinasadya niya pa'ng puntahan ako sa court tuwing uwian para dalhin ang notebook niya. I appreciated him. In fact, I invited him. I think we're friends now.

Si Deandrah naman ay gumaya sa akin sa paggawa ng mga activites sa school kahit hindi niya ginagawa iyon dati. Iyon nga lang ay panay sila group work and projects, kaya madalas ay wala rin sa bahay. Minsan nga'y kung umuwi ay gabing-gabi na. I understand her. Doble ang hirap at dami ng mga activities nila lalo na't graduating.

"Happy Birthday to you... Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday..."

Nag-inat ako at tinakpan ang mata dahil nasilaw sa liwanag ng ilaw sa kwarto ko. Automatiko akong napatingin kay Deandrah na may dalang isang box. Mukhang alam ko na ang laman noon.

Umupo ako sa kama at ngumiti sa kaniya habang kinukusot ang mga mata.

"Happy Birthday, C!" bati niya sabay talon sa kama ko para yakapin ako. Dinaganan niya ako atsaka tumawa nang tumawa. "I have something for you..."

She's smiling while giving me the medium size box. I can't help but to smile too.

"Open it!" aniya.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang binubuksan ang kahon. Halos mapunit ang labi ko sa paglaki ng ngiti nang makita ang laman nito...

"Books..." Nag uumapaw sa saya ang puso ko habang tinitingnan ko ito isa-isa. "Thank you so much, Deandrah! Can't wait to read them all!" Niyakap ko siya nang mahigpit.

"You're always welcome! But wait... there's more." Ngumisi siya.

"What?"

"Maligo ka na para malaman mo. May pupuntahan tayo!" Tumayo siya at pumunta sa cabinet ko. Nagsimula na siyang maghanap ng damit ko kaya dumiretso na ako sa bathroom para maligo.

I feel extra happy today. Given that today is my birthday. Kulang na lang ay sumayaw ako habang naliligo.

Mamayang gabi pa ang birthday celebration, kaya p'wede pa kaming umalis ni Deandrah. I have no idea where we are going to. Kadalasan kasi ay nagreregalo lang siya sa akin tuwing birthday ko.

Nang matapos maligo ay lumabas na ako para magbihis. Wala na rito si Deandrah, siguro ay naghahanda na rin sa pag alis.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang damit na inihanda niya. Red crop top, black pants, and red sneakers. I thought she's gonna push me to wear a dress, I don't mind that though. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at isinuot ang damit na inihanda niya.

Nang suklayin ang mahabang buhok na hanggang bewang ay bigla ko naisip na mag pagupit. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong nagpagupit. Maybe after my birthday. Hindi ako pwedeng magpagupit ngayon dahil aayusan ako mamaya. Baka makaapekto pa iyon sa gagawin na ayos sa buhok ko.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon