KABANATA VII

186 5 9
                                    

KABANATA VII

I blinked.

"U-uh... n-nakakahiya. K-kaya ko na siguro ito." Yumuko ako at tiningnan ang mga naka kalat na papel.

"Get some rest. I'll do it," matigas nitong sabi na tila pinal na ang desisyon niyang iyon.

"A-are you not busy?"

"I am. Clean up your room and get some rest. I'll give you the drawing on Monday." Tumalikod na siya at nilisan ang kwarto ko.

Nanatili akong nakatayo at binabalikan kung anong nangyari kanina. He's not a nice man, right? Bakit niya ako tinulungan kanina at tutulungan pang muli?

Nanlumo na lang ako at nilinis ang kwarto. Ginugol ko ang buong araw sa pagbabasa ng mga nobela na binili ko. Dumating si Deandrah nang maggabi na at sabay kaming kumain. Hindi na namin nahintay ang mga magulang namin dahil siguradong gabing-gabi na naman sila makakauwi.

Natulog kami nang maaga sa kaniya-kaniyang kwarto dahil parehas na pagod. Ganoon natapos ang gabi. Kahit na iniisip pa rin ang sinabi ni Kaizer ay binalewala ko na lamang. Hindi ko na rin kinuwento kay Deandrah dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hinayaan ko na lang hatakin ako ng pagod at antok.

"Malayo pa ba?" hinihingal kong tanong.

Tumawa si Deandrah bago sumagot, "Malapit na. Kung magpapahatid kasi tayo ay sobrang lapit lang. Atsaka, exercise rin 'to , 'no!"

Tumango na lang ako kahit na sumasakit na ang paa kakalakad. Siguro ay ten minutes na kaming naglalakad mula kanina. Mabuti na lang at hapon na, wala masyadong araw. Sa hindi ko pag labas ng bahay, ni hindi ko alam na may court pala dito sa subdivision namin. Doon kami pupunta ngayon dahil napilit ako ni Deandrah maglaro. Sinabi niya sa akin na tuturuan niya ako ng mga basics para naman kapag nag-umpisa na ang training ay hindi mabigla ang katawan ko.

"Baka may gusto kang i-kuwento sa akin?" Ngumisi siya.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Kaizer..." She laughed. "Kinuwento sa'kin ni Manang!"

I knew it. Iyong kahapon!

"What? He just helped me-"

Napahinto ako nang tumili ito.

"Oh my God! He likes you! He likes you!" sigaw niya sa akin habang niyuyugyog ang balikat ko.

"Ano ba, Deandrah! Hindi niya ako gusto." Pinagpatuloy ko ang paglalakad. "I don't know why he's always helping me. Siguro na guilty noong natamaan ako ng bola. O kaya... nakikita niya ako bilang nakababatang kapatid. I'm only thirteen, and he's? I don't know! Basta, matanda na 'yon!"

Hiningal ako pagkatapos sabihin iyon nang tuloy-tuloy. Tinawanan lamang ako ni Deandrah.

"He's turning eighteen yata? As far as I know. Four years gap is not bad, though..." Tumango-tango siya.

"Deandrah!" saway ko. I glared at her.

"Anong masama? Five years gap ni tito Carles at tita Claire! Si Mommy at Daddy, four years!"

Umiling na lang ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko pa naiisip ang mga ganoon. Ni crush nga ay wala ako. Masyado pa akong bata para makaramdam ng ganoon.

"Bakit mo sinasabi sa'kin 'yan? Ikaw na lang ang mag-boyfriend. Mag-e-eighteen ka na kaya!"

"Ayaw ko sa mga lalaki 'no! Nag-e-enjoy ako sa buhay ko. Kung hindi mo nga sinabi na mag-e-eighteen na ako ay hindi ko pa maalala," sabi niya habang hinahagis-hagis ang bola na dala namin.

"Bakit hindi mo balikan iyong naka-mu mo dati?" Tumawa ako.

"What?! 'Yong pangit na 'yon? Naku! Huwag na lang. Nakakasakal siyang bobo siya! He didn't know that the twenty first century girls can do and can wear whatever they want. Bobo yata 'yon!"

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon