KABANATA XXXV

143 3 16
                                    

KABANATA XXXV

"How's the training, Princess?"

"G-good, Dad... I guess it is. I'm slowly being used to it," sagot ko bago inuman ang aking gatas.

We were eating our breakfast before going to the Municipal. Walang training ngayon bilang pahinga. Isasama na lang ako ni Daddy sa office niya. I know that I will be bored, as usual... pero pumayag na lang din ako para ma-monitor ko kung kumakain siya nang maayos.

Atsaka, hanggang tanghali lang naman ako roon. Nakauwi na si Mike galing bakasyon at inaaya niya akong magpunta sa mall. Of course I agreed, ang hindi ko lang alam kung papayagan ako ni Daddy.

"Dad..." Kinagat ko ang labi ko at huminto sa pagkain para ipagpaalam ang lakad mamaya.

"Yes, Princess? Do you need something?" nakangiti niyang tanong bago kuhanin ang rice para maglagay pa nito sa plato niya.

"My friend... Mike..." pahina nang pahina kong sabi. Hindi ko pa maituloy-tuloy dahil sa takot at kaba. Baka mamaya ay hindi ako payagan, nakakahiya kay Mike.

"Oh, what's about your friend? Common, Princess... say it to Daddy."

"Kadarating lang po niya galing sa bakasyon... and he's asking me to g-go to the mall later. He's a good friend, Dad... I promise. Pero kung hindi po kayo papayag, ayos lang po... maiintindihan ko po."

Daddy smiled. "It's okay, anak. Go with him. Mabuti nga at may nag-aaya sa 'yo na lumabas. As long as friends lang kayo, wala naman siguro tayong magiging problema, 'di ba?"

Nanlaki agad ang mata ko. "Of course, Dad! We're just friends."

"Good to know..." Tumatango-tango niyang sabi. "Tapusin mo na ang pagkain at aalis na tayo maya-maya."

Habang nakasakay sa sasakyan ay hindi mawalan ng katawagan sa cellphone si Daddy. Kabababa lang ng isa ay mayroon na naman. Ganoon talaga siguro siya ka-busy. May mga iilan pa na pinapagalitan niya dahil sa mali raw na gawa. Hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan nila. Kaya sa huli ay hindi na lang ako nakinig at sumandal na lang sa bintana ng kotse.

"Mayor, ipapaalala ko lang po ang meeting niyo mamayang 9 am sa mga kapitan ng baranggay. All set na po," bungad agad ng Secretary ni Daddy pagkakaba na pagkababa pa lang namin sa kotse.

Gano'n pa man tuloy-tuloy lang sa paglakad si Daddy habang nakikinig sa secretary niya—paminsan-minsan ay tumatango. Nasa gilid niya ako at sumasabay lang sa lakad niya. Some of his body guard were in our back. Maingay ang mga tunog ng black shoes, parang pinaparinig talaga nila iyon para maging hudyat na paparating na si Daddy. He's not that strict though, he's just serious about what he is doing and his obligations.

"E-excuse po." Yumuko ako sa hagdan para pulutin ang hair tie ko na nalaglag. Habang nakayuko, ang nakikita ko lang ay mga sapatos ng body guards ni Daddy. Mabilis akong tumayo pagkatapos kunin ang hair tie.

Nahagip ng paningin ko si Kaizer sa board room. Kunot noo ko siyang tiningnan ngunit bigla na lang nawala.

"Seah, let's go," maawtoridad na tawag sa akin ni Daddy. Maging ang secretary niya at body guards ay nakatingin na sa akin ngayon. Mabilis akong kumilos at hinabol ang paglalakad ni Daddy.

Hinawakan ko ang sling bag ko habang naglalakad. Was that him? Bakit siya nandito? Nagta-trabaho ba siya rito? 'Di bale, tatanungin ko na lang si Daddy mamaya.

Pagdating namin sa office ni Daddy, umupo siya at nagsimulang pirmahan ang maraming papel. Umupo lang ako sa kaniyang sofa at inilabas ang isang novel na dinala ko. Alam kong wala akong magagawa rito kaya naman dinala ko ito. Isa pa, matagal na rin akong hindi nakakapagbasa.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon