KABANATA VI

187 10 8
                                    

KABANATA VI

"Bumaba na tayo!" Hatak sa'kin ni Deandrah.

"Wait..." Inayos ko ang nagusot kong kama bago lumingon sa kaniya. "Excited na excited ka, magdi-dinner lang naman. Are you hungry? Kakakain lang natin kanina, ah?" I laughed.

She smirked, didn't answer my question. I sighed and let her hold my hand until downstairs.

"Nakauwi na ba si Daddy—"

Natigil ako sa pagsasalita nang may malakas na putok ng party popper akong narinig. Kasunod noon ay tawanan nilang lahat.

"Congratulations, Chelseah!!!" My whole family greeted me kasama ang mga kasambahay.

Nilingon ko si Deandrah ngunit tumawa lamang ito nang malakas. Mabilis akong tumakbo kay Daddy at niyakap ito nang mahigpit.

"I am beyond proud of you, anak," bulong nito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Thank you, Daddy!" nakangiti kong sabi.

Pagkatapos yakapin si Daddy ay sunod kong niyakap sina tita Deanna at tito Cedric. Tiningnan ko ang paligid na may mga lobo pa at mga pagkain sa mahaba naming lamesa.

"We're so happy that you've finally joined a sport club!" Tita Deanna said, happily.

I just smiled and walked towards Deandrah.

"You're a good actress." I laughed.

"Of course! Ako pa ba?" She laughed too and then hugged me. "I am happy that my cousin slash bestfriend is officialy part of my team."

Humiwalay ako sa pagkakayakap nang makita siyang nagpupunas ng luha.

"Why are you crying? You want me to leave your team as soon as possible?" I joked.

"In your dreams! 'Wag kang aalis, malay mo sa susunod... ikaw na ang captain ball," seryoso niyang sabi ngunit kalaunan ay tumawa.

"That's too impossible." Umiling ako.

"Oh, nagkaiyakan na ang dalawa. Let's eat, let's eat!" tawag sa amin ni Daddy.

Umupo na kami sa kaniya-kaniyang upuan. Nagsimula na kaming kumuha ng kaniya-kaniyang pagkain habang may pinag-uusapan si Daddy at tita Deanna tungkol sa negosyo. Ganoon pa man ay masaya ako dahil bihira mangyari ang ganito.

"You want this?" tanong ni Deandrah habang nakaturo sa fish fillet.

"Just one," sagot ko.

Nilagyan niya ng fish fillet ang plato ko atsaka kumain muli nang maligalig.

"Sarap!" sabi pa nito habang pinapadyak-padyak ang paa niya.

That's her mannerism, lalo na kapag masarap ang pagkain.

"Deandrah, stop it," saway ni tita Deanna.

"Mommy! You should try this, say ah!" Nilapit niya na ang kutsara sa kaniyang Mommy kaya wala na itong magawa kundi kainin.

"Ate... Ganoon na lang ang gawin mo. Mas tataas ang sales kapag ganoon," si Daddy.

"Osiya, susundin ko ang payo mo," si tita Deanna.

Nagpatuloy ang kwentuhan nila at minsan lang ako makisawsaw. Bukod sa hindi ako mahilig makipagkwentuhan ay sadyang wala akong alam sa pinag-uusapan nila. Ang iba ay tungkol sa negosyon at ang iba naman ay tungkol sa politika.

Si Deandrah lang ang may ambag sa kwentuhan, lalo na tungkol sa politika. Hindi man niya sabihin na gusto niyang pumasok sa politika ay alam ko. Hindi niya masabi dahil alam niyang siya ang magmamana ng kompanya namin. And they assumed that I am the one who's gonna enter politics in the future. We're totally opposite. 

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon