KABANATA XXVII

146 3 8
                                    

KABANATA XXVII

"I guess you didn't mean that 'forever'..."

Lumunok ako at iniwasang manginig ang boses. Kahit anong pigil, kahit anong pilit... patuloy na tumutulo itong mga luha ko. Animo'y may sariling mga isip.

Pumikit ako nang mariin at dinama ang malamig na hangin sa loob ng kwarto ni Deandrah. It felt like the wind was hugging me and I found comfort through it.

Nag-una-unahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko nang magbalik sa isip ang mga pangako namin noong mga bata pa kami. Parang walang katapusan... parang hindi napapagod itong mata ko kai-iyak.

"Ano?! Lifetime? Ayaw ko no'n, Seah... Dapat forever! Hindi ka ba naniniwala sa forever?"

You said forever. I don't believe in forever, I've just started to believe that because you've said me. But now...

I proved myself right.

"Lifetime, D... l-lifetime," nanginginig na bulong ko sa hangin.

Dahan-dahan akong humiga sa kama ni Deandrah, umaasa na may naiwan pa'ng amoy niya roon. When I smell her shampoo in her pillow, I can't help but to cry all by myself.

Niyakap ko ang unan niya at inisip na siya iyon. I didn't know if I'm crazy... I just knew that I can't believe this.

"D-deandrah..." mahinang bulong ko kasabay na sinundan ng mga paghikbi. "Tell me that this is just a dream. Panaginip lang 'to... h-hindi ba?" Umupo ako sa kama at sinubukang hanapin siya.

Wala ako sa sariling tumayo at pumunta sa bawat sulok ng kaniyang kwarto—umaasa na matatagpuan siya kahit malabo.

"This is a prank... r-right?" tuluyan nang nabasag ang boses ko. Tumingin ako sa malaking picture niya sa itaas ng higaan at hindi na napigilan ang sariling mapaupo sa sahig. Hindi na alintana kung madumihan man ang suot kong white dress. "D! Tell me that this is just a prank!" Humikbi ako at lumuhod. "I promise... I p-promise... I won't get mad... I promise. Just be alive.... P-please?"

Umiling ako at sinampal ng katotohanan na wala na talaga. Iniwan niya na talaga ako.

"You lied, D! You lied! I trusted you! Sabi mo... s-sabi mo iba ka kay Mommy. S-sabi mo hindi mo 'ko iiwan. I agreed, D... pumayag ako kasi nagtiwala ako sa 'yo. You're a great driver, right? W-why did you ended up... like my M-mom? Why... why did you die like her? Why did you d-die... holding that steering... wheel?" nanghihina kong tanong.

Ilang minuto akong nakaluhod lang sa harapan ng higaan niya. Nakatitig sa kaniyang picture. I captured that. I remember how pure her smile was when I captured that. I can still remember where that place was, when, and what the time was.

Dahan-dahan akong tumayo sa sariling mga paa. It's not a dream.

Totoong inilibing na siya kanina. Totoo ang lahat ng mga nakita ko. Hindi iyon panaginip... kundi isang masakit na katotohanan. Kung kailan ko matatanggap? Iyon ang hindi ko alam.

Malata akong naglakad at kinuha ang frame sa ilalim ng cabinet niya. Nang makuha ay tinitigan ko ito. Pumunta ako sa kama para buksan ito dahil nakabalot pa na pang-regalo.

Ito sana ang ibibigay ko na regalo kay Deandrah pagkatapos ng party. A portrait of ours. Nahirapan man gawin ito magdamag ay hindi ako sumuko. Hindi ko mabilang kung nakailang ulit ako para lang maka-mukha ang kino-kopya kong picture namin.

Hindi man kopyang-kopya ang picture namin, masaya ako dahil kahit kaunti nakuha ko ang iilan—katulad ng mata at labi. Even though this was not good, I know that Deandrah will appreciate it.

I wanted to surprise her. Itinalikod ko ang frame para makita ang sulat na ginawa ko para sa kaniya. Balak ko sanang basahin ito sa harap niya pagkatapos ng party... ngunit hindi ko na nagawa.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon