KABANATA XXXX

149 3 43
                                    

KABANATA XXXX

"Ouch!" Napalingon ako nang biglang may tumamang bola sa aking likuran.

Automatiko akong napalingon sa likod at nakita si Judith.

"Ay sorry!" She smiled sarcastically.

"I-it's okay," mahina kong sabi sabay hawak sa likod ko dahil sumakit ito nang bahagya.

Judith only raised her brows to me before going back to her friends. Ball control ang ginagawa namin ngayon at hinati kami sa apat, kasama ang volleyball boys. Ipinagsa-walang-bahala ko na lang si Judith at nag-focus sa pag-receive sa bola nang maayos.

"Kaizer, pasensya na, ah? Hintayin lang namin iba naming teammate. Coach, pasensya na po, nakakahiya, kayo pa ang nauna rito," ani isang babae na ang buhok ay hanggang balikat. Siguro ay isa ito sa makakalaban namin.

Nandito na kami sa kabilang barangay para makipaglaro sa ibang players. Siguro ay isang oras na mula nang dumating kami pero hindi pa rin kumpleto ang kabilang teams, kaya puro papawis muna ang ginagawa namin.

Kaizer only nodded at the girl before going to our side. Napalingon ako sa kaniya at hindi na narinig ang pinag-usapan ni coach at ng babae.

"Seah!" tawag sa 'kin ni Krizza. Sa akin na pala ipapasa ang bola.

Paglingon ko ay paparating na agad ang bola kaya naman hindi maganda ang pagkaka-receive ko. Nagulat ako roon, hindi ko alam kung paanong receive ang gagawin ko sa bola.

"Seah, bend your knees." Naramdaman ko ang pagsasalita ni Kaizer sa gilid ko. Napatango na lang ako nang lampasan niya na ako para tingnan naman ang kabilang grupo.

Totoo pala iyong mga nabasa ko dati sa novels na mas moody ang mga lalaki kaysa sa babae. Ang sungit niya ngayon, samantalang kahapon ay nagbibiro pa!

After a few minutes, nag-start na ang game. Inunang maglaro ang volleyball boys namin vs volleyball boys ng kabila. Umupo muna kami sa bleachers habang nanonood sa laban. Naging matagal ang laban kaya naman nag-cellphone muna ako. Kinumusta ko na rin si Daddy at tinanong kung nag-breakfast na siya. Wala naman din akong masyadong magawa sa phone ko dahil hindi ako pala-tingin sa social media.

Kaizer and Troy were the referees. Magkabilang dulo sila ng net. Ginanahan tuloy ako manood, kahit na alam ko na ang mga violations and signs sa volleyball, gusto ko pang matutuhan ang iba.

"Ewan ko nga ba bakit sinama pa 'ko roon! Napakagulo ng pamilya namin lalo na kapag nagsama-sama, parang sasabog 'yung bahay ng tita ko," pagkukwento ni Krizza tungkol sa family gathering nila.

"Mabuti nga kayo nakakapagsama-sama and... marami ang family niyo."

"Marami nga kami, grabe! Kapag inaway ako, buong angkan ko ang magtatanggol sa 'kin," proud niyang sabi.

I laughed. "I found that cute and sweet."

"E kayo ba? Nasaan 'yong angkan mo?"

"Uhm... Ang kasama ko lang sa bahay si daddy, tita Deanna, and tito Cedric. Our other relatives are living on the states... paminsan-minsan lang kung umuwi."

"Girls! Tayo na! Malapit nang matapos ang boys," anunsyo ni coach.

Tumayo agad kami nina Krizza. Hinigpitan ko na ang ponytail ko para hindi makasagabal mamaya sa game. Binabalak ko tuloy ulit mapagupit nang maiksi dahil humaba na naman ang buhok ko. Napakabilis kasi nitong humaba.

"Captain balls," ani Kaizer.

Nagtinginan kami nina Judith at Krizza nang marinig iyon. Hindi namin alam kung sino ang lalapit.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon