Chapter 53

1.3K 49 21
                                    

Chapter 53 Dear diary, inlove ako kay Sir

Ms. Samonte POV:

Ilang oras lang ako nakatulog. At matapos no'n, inasikaso ko agad ang mga dapat asikasuhin sa bahay.

Syempre, kahit merong namamagitan sa amin ni Nathan, kailangan gampanan ko pa rin ang dating tungkulin ko dito sa apartment niya.

By the way, ilang araw na lang ang hinihintay ko at sasagutin ko na si Nathan. At magiging girlfriend niya na rin ako soon.

Ang sarap isipin noh?

Kapag naging kayo na ng lalaking minamahal mo.

Iniisip ko palang ito, talagang napapangiti ako.

Kagaya na lamang ngayon, nakangiti ako habang busy ako sa pagluluto ng ulam namin para mamaya.
At dahil walang ingay sa loob ng apartment, kumakanta na rin ako para 'di ako mabored.

Nagshopping kasi si Bhie, samantalang si Nathan, ayon tulog mantika.

Pinagdadasal ko nga na sana pag-gising niya,  hindi na mainit ang kanyang ulo.

"Mahal na mahal, 'yan ang damdamin na sayo'y nararamdaman, kung di mo alam. Puso'y 'di mapalagay pag 'di namamasdan. Oh bkit ganyan? At maging saking pagtulog---",

Ayan sana ang kinakanta ko sa oras na 'to, kaso napatigil ako at 'di ko yon naituloy dahil sa pag-ring ng telepono.

Bwisit! Panira naman!

Pero dahil tulog pa si Nathan, syempre walang ibang sasagot no'n, kundi AKO.

So iniwan ko muna saglit ang linuluto ko at tumungo ako kung saan naroon ang telepono.

Magalang ko itong sinagot.

"Hello po. Sino po ito?", tanong ko sa kabilang linya.

"Ako ang ina ni Nathan na may-ari mismo ng apartment na 'yan. Eh ikaw, sino ka bang babae ka?!", she asked na talagang pasigaw pa.

Agad akong nakaramdam ng takot, lalo pa't nalaman ko na mommy yun ng binata.

Kaya imbis na sagutin ko ang tanong niya, kaagad ko itong binaba.

Yes, wala na akong respeto.

Baka kasi kung sa'n pa umabot ang usapan naming dalawa.

Ayoko namang makarinig ng kung anong lait galing sa kanya at baka 'di ako makapagtimpi at mapatulan ko siya.

May posibilidad kasi na kilala niya na ako, base palang sa pagbabanta ni Miguel. Kaya baka tuluyan niya ng nasabi ang tungkol sa amin ni Nathan.

Pero isinantabi ko na lamang ulit 'yon, para hindi masira ang araw ko.

Hanggang sa narinig ko na lamang ang pagtapak ni Nathan palabas sa kanyang kwarto.

"Hi. Buti naman at gising ka na. Tamang-tama at nakapagluto na ako ng makakain natin.", I smiled.

"Hindi ka nagpahinga?", mabilis na bigkas niya.

"Nagpahinga naman, pero gumising talaga ako para sayo. I mean, para paghandaan ka.",

"Salamat, baby.", he replied.

Napahinga ako ng maluwag dahil mukhang okay na siya.

"Wow. Hmm. I guess, hindi na mainit ang ulo mo? Dapat pala, kanina ka pa natulog noh?", pagbibiro ko.

"Ikaw talaga. Parang hindi mo ko kilala.", he chuckled.

"Of course kilala kita baby. Ikaw pa, nakakatakot ka kayang magalit.", natatawa kong saad.

"Pinagtatanggol lang kita.", tugon niya sa akin.

"I know. Pero ikaw yung masyadong naaapektuhan eh.", muli kong sabi.

"Mahal kasi kita.",

"Mahal din kita Nathan.", malambing na tugon ko sa kanya at ninakawan siya ng halik.

Oo na, ako na ang nag-first move ngayon.
____

Ms. Samonte POV:

NAPAHIWALAY si Nathan sa pagkakayakap ko nang tumunog ulit ang telepono.

Kinabahan ako ng sobra dahil tiyak yung mama muli ng binata ang tumatawag.

"Saglit lang at sasagutin ko ang call.", paalam na sambit nito.

"Ahmm, okay.", tanging tugon ko at hindi ko pinahalata ang kaba.

Lumapit si Nathan sa may telepono at 'di nagdalawang isip na sinagot ito.
Hindi ko marinig kung ano ang sinasabi ng kausap niya, pero alam ko naman kung sino ang tumawag.

"Mom, malaki na ako. Hindi mo na kailangan diktahan pa ang mga gusto ko. Alam ko ang ginagawa ko. And most of all, tama ang ginagawa ko. Kaya please, kahit ngayon lang, hayaan mong ako naman ang magdesisyon para sa sarili ko.", wika ng lalaki sa kabilang linya.

Sa binitawang salita ni Nathan, parang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang takot na aking nararamdaman.

Agad namang lumapit si Nathan, at ngumiti na tila walang nangyari.

Hayss. Normal siyang umakto sa harapan ko.

"Ahm, pwede ko bang tanungin kung ano ang pinag-usapan niyo?", pagtatanong ko.

Nilakasan ko na ang aking loob nang sa ganon ma-inform ako sa sinabi ng mommy niya.

"Yun ba? Well, bussiness. Tama. Sa bussiness lang 'yon. So let's eat. Nagugutom na talaga ako. At sa tingin ko masarap ang luto ng prinsesa ko.", turan niya na talagang binola pa ako.

"Ikaw talaga, ang hilig mong mangbola. But anyway, yung kiss ko?", sambit ko sa kanya.

"Naadik ka na yata sa labi ko baby.", natatawang bigkas nito.

"Hmm, yeah. Bakit bawal ba?", balik na saad ko.

"Hindi naman. You can kiss me, anytime and anywhere. I love you.", wika niya habang nakangiti.

"Then, good. I love you too.", I replied and kissed him.

Sana ganito lagi ang relasyon namin. Yung masaya at walang problema na iniisip.

END OF CHAPTER 53

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon