Chapter 21

3.8K 147 11
                                    

Chapter 21

Ms.Samonte POV:

Habang naglalakad ako papunta ng classroom namin, tinitingnan ko ang cellphone na hawak ngayon.

'Ang swerte ko talaga.', 'yan paulit-ulit na sinasambit ng isipan ko.

Napangiti lalo ako nang bumungad sa akin ang nasa wallpaper niya. Syempre, walang iba kundi AKO.

Oo, ako nga.
Grabe! Stalker ko pala siya at kinuha niya pa talaga ang picture ko sa Facebook.

Alelele. Ang haba ng hair ko.

Dahil nakatutok ang atensyon ko sa cellphone na aking hawak, hindi ko nakita na may tao pala akong mababangga.

Narinig ko kasi ang mataray na sambit ni Angelica!

"Panget na nga, bulag pa.",

"Anong sabi mo?", taas-kilay kong tanong.

"Sabi ko, bukod sa panget ka na, bulag ka pa! Isabay mo pa ang pagiging bingi!", pag-uulit nito.

"Pasalamat ka, maganda ang araw ko ngayon. Kaya hindi ko papatulan ang isang tulad mo.", sambit ko kasabay ng pagtingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

Ilang segundo lang ay umalis na ako sa harapan ng dalaga.
Nakakasawa na rin kasing patulan ang Muse na 'yon.
Masyado lang siyang na-iinggit sa akin.

Pumasok na ako ng tuluyan sa classroom. Mabuti na nga lang, wala kaming teacher dahil may meeting raw ito nang mabasa ko sa blackboard ang sulat ni Secretary.

Kaya naman, para 'di ako maboring, muli kong inopen ang cellphone.
At tamang-tama, nakareceive agad ako ng text galing kay Sir.

Actually, "N" ang nakalagay sa contact name niya para walang may makabasa.

I guess, pinaghandaan ito ni Sir eh.

*Messege*

Sir (N): May load na pala yang simcard na gamit mo. So text mo na lang ako kapag tapos na ang klase mo, okay? Iloveyou.

Dahil sa nabasa ko, nagmadali akong magtype.

"Opo. Actually, wala kaming teacher now. May meeting kasi si Maam.", *sent*

Sir N: Kung ganon, make sure na nakaupo ka ng maayos. 'Wag makipag-usap sa mga lalaki.'

"Hahaha opo. Ang strikto mo talaga.", natatawang reply ko.

Sir N: 'Strikto ako dahil mahal kita.'

Tipid na message niya.

''Ayiee. Thank you. Wala ka bang gagawin?'', I asked him.

Sir: Meron sana akong gagawin, pero mas gusto kong unahin ka.

''Hala! Bakit naman? Baka importante 'yang gagawin mo kaya gawin mo na.'',
reply kong muli.

Sir: No Ms. Samonte, ikaw ang pinaka-importante sa lahat.'

Shet! Kinikilig ako sa mga banat ni Nathan sa akin.

"Cheee! Bolero---",
Hindi ko na natapos ang pagta-type ko nang biglang may umagaw sa aking cellphone.

Pagtingin ko, yung lalaking nasa likod ko pala ang kumuha ng cellphone ko.

Hindi ako katangkaran na babae kaya hindi ko tuloy maabot ang cellphone nang itaas niya ito.

"Ano ba! Ibalik mo na nga 'yan sa akin! May katext ako!", pagsisigaw ko at tumatalon na rin ako para mabawi ito sa kanya.

"Katext? Sino? Boyfriend mo?", tanong nito.

"Hindi, manliligaw ko. Kaya balik mo na sa akin yan.", muli kong bigkas.

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Onde histórias criam vida. Descubra agora