Chapter 20/

4.4K 137 9
                                    

Chapter 20

Sir Nathan POV:

Para akong nakatama sa Lotto nang pumayag si Ms.Samonte na ligawan ko siya.

Sa totoo lang, wala pa sa plano ko ang magtapat sa kanya.
Pero dahil sa mga sinabi nito, napaamin tuloy ako ng wala sa oras. Ayoko kasing mawala ang pagmamahal niya sa akin.

At heto kami ngayon, magkahawak ang aming kamay habang nakaupo sa sofa.

Since nasa office kami, napag-isipan naming ma-umupo muna.
Niting-ngiti pa rin si Ms.Samonte na tila hindi pa rin siya makapaniwala.

"I'm so happy right now Ms. Samonte. Mabuti na lang pumayag kang ligawan kita.", ngiting sambit ko sa dalaga.

"Ehh sino ba namang mag-aayaw diba? Ikaw kaya ang first love ko.", tugon nito sa akin.

"Akala ko talaga, kakalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin.", saad ko rito.

"Sa tingin mo ba kaya ko yon gawin Sir?",
"--Kahit naman anong sabi ko na kalimutan ang pagmamahal sayo, hindi pa rin talaga magawa ng puso ko.",
Pagkasabi niya no'n, sinanday nito ang ulo sa aking balikat.

"Napakaswerte ko pala sayo Ms.Samonte. I'm sorry sa mga araw na nasaktan kita.",
hinging paumanhin ko sa kanya.

"Okay na po yun Sir. Ganon naman talaga ang pag-ibig. But to be honest, nasaktan talaga ako nung sirain mo ang cellphone ko. Alam mo bang napakaimportante no'n sa akin? Yun kasi regalo ni papa, at the same time natitirang ala-ala niya.", malungkot na wika nito.

Iginaya ko na ang kanyang ulo papunta sa aking dibdib para do'n na siya sumanday.

"Hindi ko alam Ms.Samonte. Nagselos lang ako.",

"Nagselos? Nakakatakot ka palang magselos Sir. Pa'no kung maging TAYO na talaga? Siguro magiging strikto kang boyfriend sa akin noh?",sambit niya.

"Yah. Ganon talaga. Bakit ayaw mo ba na maging ganon ako?", I asked her.

"Ehh gusto, pero sa tamang pagkakataon mo sana gawin 'yon.", bigkas nito.

"Nakadepende 'yon sa sitwasyon Ms.Samonte. Basta ang pinaka-ayoko, yung masaya ka sa ibang lalaki.", pagpapaliwanag ko.

"Suss. Kahit kaibigan ko yung lalaki?",
"--Oh my gosh! Speaking off kaibigan, kailangan ko palang macontact si Bespar.", saad niya na tila ba may naalala siya.

"Tsk.",

"Sorry na. Importante talaga ang pinag-uusapan namin that time nung nakita mong kausap ko siya. He decided kasi na dito na rin mag-aral para--",

"Para makasama ka, tama ba?",

Ako na itong kusang tumuloy ng kanyang sasabihin.

"Yeah. Pero as a friend lang naman."

"Tsk.", inis na sambit ko.

"Hala! Selos ka na naman dyan.",

"Magseselos talaga ako dahil mahal kita. Matakot ka kung hindi ako magselos Ms.Samonte.", wika ko sa babaeng mahal ko.

"Asusss. But infairness, ang cute mo magselos Sir.", saad nito kasabay ng pagkurot niya sa magkabila kong pisngi.

"Kahit hindi ako magselos, matagal na akong cute Ms.Samonte, isabay mo pa na gwapo ang manliligaw mo.", mayabang na sabi ko.

"Grabe! Ang lakas yata ng aircon Sir! Wooahh!", sigaw niya na kunwari'y nilalamig.

Natawa na lamang ako sa inakto ni Ms.Samonte kaya naman mahigpit ko siyang yinakap.

Hindi man siya ang first love ko, gusto kong siya na ang maging last love ng buhay ko.

Ms.Samonte POV:

Nanatiling nakasanday ang aking ulo sa dibdib ni Sir at rinig na rinig ko ang tibok ng puso nito at ang mainit na hininga niya.

Kung titingnan, para na kaming magshota.

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayong araw na to.
Hindi kasi ako makapaniwala na yung lalaking gusto ko, manliligaw ko na.

Naramdaman ko ang biglang pag-angat ng ulo ni Sir, matapos niyang halikan ang buhok ng aking ulo.

"Tapos na ang vacant period mo Ms.Samonte. Kaya sa tingin ko, kailangan mo ng bumalik sa classroom niyo.",

Sa sinabi nito, bigla akong napatingin sa aking orasan.

"Oo nga noh. Kakainis! Ang konti ng time ng pag-uusap natin. Nabitin tuloy ako sa kwentuhan.", saad ko kasabay ng pag-ayos ko sa aking sarili.

"Ako nga rin Ms.Samonte. Kung pwede lang sana na dito ka lang sa tabi ko, ginawa ko na."
"--Pero ganon talaga, kailangan mong pumasok para makagraduate ka.", ngiting wika niya.

"Yah. Tama ka d.yan."
"--Sige Sir. Kailangan ko ng mauna.", paalam ko sa kanya at tumayo na ako.
Maging siya ay tumayo na rin.

"Nga pala Ms.Samonte, ngayong nililigawan na kita, ayokong tawagin mo akong Sir kapag tayong dalawa lang.", bilin nito sa akin.

"Ehh, ano bang gusto mong tawagin ko sayo?",

"Yung pangalan ko na lang Ms.Samonte.", sagot nito sa aking tanong.

"Pangalan mo? So Nathan? Nathan ang gusto mong itawag ko sa'yo?",

"Yes, Nathan ang itawag mo sa akin kapag tayo lang na dalawa, okay?",

"Opo Sir--I mean Nathan haha.", natatawang sabi ko.

"Pero may isa sana akong hiling sa'yo Ms.Samonte.", saad niya dahilan para mapatingin ako sa mata nito.

"Pwedeng 'wag mong sabihin sa mga kaklase mo o kahit na sino man na nililigawan na kita? Ayoko lang kasi na masira ang buhay mo.",
muling bilin niya.

Tumango naman ako kasabay ng bahagya kong pag-ngiti.

"Intindi ko naman 'yon Nathan. At alam kong isa ito sa pinagbabawal sa campus. Kaya 'wag kang mag-alala, mananatiling sekreto 'to.",

"Thank You Ms. Samonte. Thank you for understanding. Hindi man kita maipakilala ngayon, natitiyak ko naman na kaya kitang ipagsigawan sa lahat kung gaano kita kamahal pagdating ng panahon.", malambing na sambit ni Nathan.

Medyo namula naman ako sa banat ng lalaking 'to.

"Enebe. Kenekeleg nemen eke eh.",

"Salita ko palang kinikilig ka na. Pa'no pa kaya kung may gawa na? Baka mangisay ka na d'yan sa kilig Ms.Samonte.", bigkas nito sa akin.

"Ay grabe! Hindi naman siguro! Hmp. Sige, kailangan ko ng umalis, male-late na ako.", wika ko rito.
Akma na sana akong aalis kaso pinigilan niya ako.

"Wait, may ibibigay pala ako sayo.", pahayag nito at may kinuha siya sa bag na cellphone.

"Oh ayan, sa'yo na muna 'yan. Dalawa kasi ang cellphone ko kaya naisipan kong ibigay na lang sayo ang isa. Don't worry bibilhan kita ng bago mamaya. Sa ngayon, 'yan muna ang gamitin mo para macontact kita.", saad niya.

"Eh 'wag na Nathan. Nakakahiya naman kasi sayo.", pag-tatanggi ko.

"Bakit ka naman mahihiya? Nililigawan na kita. And besides, ako ang dahilan kung bakit nasira ang cellphone mo.",

"Sige na nga, salamat. Hayaan mo, pagtatrabahuhan ko ito para makabayad sa'yo.",sambit ko sa binata.

"Tsk. Hindi na kailangan Ms.Samonte.",

"Ehh--",

Magsasalita pa sana ako kaso bigla itong tumingin ng masama.

"Hehe sabi ko nga. Kailangan ko 'to. Sige Nathan, aalis na ako.",

"Okay. Ingat Mahal ko. Itext mo ako pakatapos ng klase mo para sabay na tayong mag-lunch. Basta 'wag ko lang mabalitaan na sumama ka sa lalaki kanina.", sambit nito.

"Opo Nathan.", magalang kong turan.

"Good. I love you.",

Matapos niya banggitin ito, napangiti ako kasabay ng paglabas ko sa kanyang Office.

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now