Chapter 43

1K 39 0
                                    

Chapter 43 of Dear

Angelica's POV:

Nang makauwi na ako sa aming mancion, dala ko pa rin ang inis na nakita ko kanina.

Hindi 'yon maalis sa isip ko at tila may umuudyok sa akin na gumawa ng hakbang para siraan sila.

Kahit kailan talaga, karibal ko na 'yan si Samonte!

Tskk.
___

At sa pagpasok ko ng mancion, nakita ko agad si Mom na busy sa kanyang ginagawa.

Nahalata niya siguro na 'di ako sa kanya bumeso kaya't napatanong siya sa akin.

"Is there a problem, sweetie?", sambit niya na animo'y alam nito na may problema nga ako.

Hindi ako sumagot, sa halip, tinapon ko ang bag sa sofa.

"I knew it. May problema ka nga. So ano 'yon sweetie?", she asked again.

"Nakakainis kasi mom! Ang daming asungot sa amin ni Nathan.", panimula kong saad.

"What do you mean by that, hija?",

"Well, pinagtabuyan lang naman ako ni Nathan sa kanyang apartment, kanina.", iritang sagot ko.

"Ginawa niya 'yon sayo? Teka, mali na yan ha.", wika ni mommy.

"Maling-mali talaga mom. Nakakainit ng dugo! Mas pinagtanggol niya pa sila Bhie at si Samonte!", pasigaw ko ng bigkas.

I can even control my emotion dahil mas umiiral sa damdamin ko ang selos.

"Wait--Samonte? Sino 'yon? Kasi si Bhie, nakita ko na 'yan. Pero si Samonte, I don't know that girl.", sambit ni mom na may pagtataka.

"Si Angel Samonte, ang babaeng lumalandi kay Nathan.", diretsa kong turan.

"And?",

"She's my enemy. Siya lang ang may lakas-loob na kalabanin ako.", madiin kong patuloy.

"Yun lang ba?",

"No mom. Siya rin yung yaya ni Nathan sa apartment.",

"Yaya? Are you sure of that sweetie?", muling bigkas ni mom.

"Yeahh.",

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?", saad nito na tila nadismaya.

"Akala ko kasi mom, hindi siya magiging hadlang sa amin ni Nathan. Pero yung nakita ko kanina, I know na may something silang dalawa.", pagsusumbong ko sa aking ina.

"Okay. Okay. Alam ko na ang gusto mong iparating. You need my help right?", saad niya kaya napatango naman ako.

"Yes mom. I really need your help. You know that Nathan is my life. At ikababaliw ko kung mapunta siya sa iba.", malungkot na wika ko.

"I know sweetie. Alam ko na sobra mong mahal si Nathan.Don't worry, kakausapin ko ang mom niya, para sa ganon, makilala namin si Samonte na tinutukoy mo.", turan niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Thanks mom. Thank you so much.", tanging sambit ko at niyakap siya ng mahigpit.

Sa pagyakap ko kay mommg, biglang umukit ang demonyong ngiti sa aking labi.

Kasi alam ko, bilang na lang ang maliligayang araw ni Angel.

"Humanda ka na Samonte. Humanda ka sa gagawin kong pasabog.",

©Binibining_Timoji
To be continue...

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now