Con. 40

1.1K 54 2
                                    

Galit akong napatingin kay Nathan at asar kong tinapon ang aking bag sa kanilang sofa.

"Bakit hindi mo man lang pinagalitan ang katulong mo, Nathan?! Nakita at narinig mo naman yung kawalang respeto niya sa akin diba?", inis kong turan na halos umusok na ang aking ilong sa galit.

"Ako na lang ang bahala na kumausap sa kanya.", he simply replied.

"Tsk. Just make sure of it Nathan. Dahil kung hindi--",

"Kung hindi ano? Magsusumbong ka sa lola mo tungkol sa nangyari ngayon?", pagpapatuloy ng binata na tila nabasa ang tumatakbo sa isip ko.

"Oo.",

"H'wag mong gamitin ang lola mo, para makuha ang gusto mo, Angelica.", kalmado nitong sabi.

"Well, hindi mo ako mapipigilan Nathan. Because I can do whatever I want.",
"--At kung si lola ang paraan para makuha kita, natural gagamitin ko siya.", confident na wika ko.

"Hindi ako magiging sa'yo, Angelica. Kaya sana pumasok 'yan sa utak mo.",

"Sorry. Pero medyo makulit ang puso ko, so hindi ako titigil na mahalin ka.", mapang-akit kong saad at hinawakan ang dibdib niya.

Kaso mabilis nitong inalis ang kamay ko at tiningnan ako ng masama.

"Umalis ka na.", pantataboy ni Nathan.

"Why? Hindi ka ba nag-eenjoy na nandito ako? And beside, nakakahiya naman kung ganyan ang ugali mo sa bisita lalo pa't guro ka.", I said as I smirk.

"Iba ang bisita, sa estudyante. Tandaan mo 'yan Angelica.", saad niya at pumunta sa may pinto para buksan ito.

"--Lumabas ka na. Wala akong oras na makipag-usap sa'yo.", he continue.

"Kapag sinabi kong AYOKO, AYOKO! Kaya hindi mo ako mapipilit na umalis.", pagmamatigas ko.

"Angelica! Ayoko sa lahat, yung hindi napagsasabihan.", mariin nitong sambit.

"Ayoko nga! Hindi mo ba 'yon maintindihan?!", pagsisigaw ko dahilan para may biglang sumulpot sa usapan namin.

"Ano bang ingay 'yan?! Kay aga-aga, nabibingi ang tainga ko?! Sino ba ang putakerang bwisita ang nandito?!", bulyaw ng babae na lumabas sa isang kwarto.

Natahimik naman ako at napabaling ang atensyon ko sa kanya.

Wait, medyo familiar ang mukha ng dalaga.

Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita, pero isa lang ang alam ko, I know that girl!

____

Bhie POV:

Napabangon ako ng wala sa oras nang marinig ko ang ingay sa labas.

Dahil na rin sa pagka-curious, lumabas ako ng kwarto at pagalit akong nagsalita kasabay ng pagtingin ko sa bwisita.

That bitch! Kilala ko siya!
Siya yung umaway sa akin at sinampal ako sa maraming tao.

Yes, inaway niya ako dahil lang kay Nathan.

Buong akala niya kasi ay inagaw ko ang binata sa kanya.

Tsskk.

How pathetic, right?

At siguro, pagkakataon ko na ito para makaganti.

Kaya tinaasan ko siya ng kilay kasabay ng paglapit ko sa pwesto nito.

"Long time, no see ha? So kumusta? Kumusta naman ang paghahabol mo kay Nathan?", nakangisi kong sambit.

"W--wait---ikaw si-- Bhie diba?", saad niya na animo'y pinagmamasdan ang mukha ko.

"Good to know na until now kilala mo pa rin ako.",

"Sino bang 'di makakakilala sa'yo? Ikaw lang naman ang babaeng minsan ko ng nakaaway dahil sa pagiging malandi mo kay Nathan.",
"--Pero dahil nalaman ko na wala kayong relasyon, natuwa ako do'n. Kasi alam ko na hindi ka magiging hadlang sa amin.", nakangiting wika niya kaya napatawa ako ng bahagya.

Tawa na may kasamang kaplastikan.

"Bakit? Nasisiguro mo ba na hindi ako magiging hadlang sainyo?",
"--And beside, let me remind you again and again, W.A.L.A.N.G. K.A.Y.O ni Nathan.",
"--Oh ayan, diniinan ko na para madama mo ang katotohanan. So please lang, alamin mo rin minsan ang limitasyon mo. Ang sagwa kasing tingnan na hipon ka na nga, ahas ka pa.", panlalait ko sa dalaga.

"What--",

"And oopppss. H'wag ka ng magsalita dahil masyadong virus ang bibig mo.",
"--Try mong tumahimik para hindi na madagdagan pa ang polusyon sa hangin.", muli kong turan at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

We're not yet done.
Marami pa akong sasabihin sa kanya, pero uunahin ko munang mag-almusal.

___

END OF CHAPTER 40

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now