Chapter 37

2.3K 79 14
                                    

Chapter 37

Sir POV:

Hindi ko mapigilang 'di tumawa dahil sa hiya at paghihinayang na reaksyon ni Ms.Samonte.

Hindi ko kasi siya hinalikan sa labi.

Kaya makikita ko ang pagkalukot ng mukh nito.

Hindi naman kasi ganon kadali na makalimutan ang nangyari kanina.

Palihim akong napatingin sa dalaga na ngayon ay tahimik na umupo sa tabi ko. Para siyang bata na nilalaro ang kanyang mga daliri.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako o masisiyahan sa inaakto niya.

Parang kanina lang kinukulit niya ako na umuwi, pero ngayon heto at napakipot na lamang siya ng kanyang bibig habang kagat ang labi dahil sa sobrang kahihiyan.

Tinuloy ko na lamang ang pag-inom ko ng alak at alam ko sa oras na 'yon ay nakatitig na rin siya sa akin.

Buhat na rin siguro ng alak na ininom ko ay nakaisip ako ng kalokohan.

Umakto ako na lasing na tila 'di ko na kayang tumayo.
Pero ang totoo, acting ko lang 'yon.

Kaya mabilis na lumapit si Ms.Samonte sa akin para alalayan ako.

"Oh ano? Hindi mo na kaya? Hays! Hindi ka kasi nakikinig sa akin! Kanina pa kita d'yan sinasabihan na umuwi na tayo pero ang tigas talaga ng ulo mo!", malutong na sermon nito habang nakahawak sa aking bewang.

Bakas tuloy sa kanya ang pag-aalala na may halong pagka-inis.

Kaya bahagya akong napangiti dahil epektibo ang ginagawa ko ngayon.

Lumabas na kami ng Bar habang nanatili siyang naka-alalay sa akin.

Pero gaya ng inaasahan ko, patuloy pa rin siyang pumuputak.
Para siyang manok dahil sa kadaldalan.

Kung sabagay, mukha namang chicks ang kasama ko dahil witwew ang ganda ni Ms. Samonte, hehe.

Napahinto na kami sa aking kotse at binalingan niya ako ng tingin.

"Hindi ako marunong magdrive. Kaya pa'no na yan?", she asked me.

"Edi ako na lang.", I insist.

"No. Tingnan mo nga ang postura mo? Lasing ka na masyado, kaya 'di mo na kaya.",

"I can.", muli kong turan.

"Tsk. Parang bakal ang utak mo noh? Ang tigas masyado.", galit nitong sabi.

"Fine. Kunin mo ang cellphone ko sa bulsa.", tanging saad ko.

"Wow ha? Makautos wagas? And beside, wala namang deperensya ang kamay mo diba? So ikaw na ang kumuha. Duh.", pagtataray niya.

"Ikaw na. Tinatamad ako.", tugon ko rito.

"Hayss! Ewan ko sa'yo", pag-aalburoto niya pero in the end, siya rin naman itong dumukot sa aking bulsa.

"Dahan-dahan lang Ms.Samonte, baka iba ang madukot mo.", smirk na litanya ko dahil ramdam ko na bumababa ang pagdukot niya.

"What?!",

"Sabi ko, dahan-dahan lang ang pagdukot, baka hindi cellphone ang madukot mo. Kasi malay mo, si junjun ko pa ang mahawakan mo.", mapang-akit kong wika.

"What the---",

Magsasalita pa sana ito kaso mabilis ko s'yang hinalikan sa labi.

"Oh, ayan na yung halik na hinihintay mo kanina.", pagbibiro ko sa kanya.

Inis niya akong tiningnan, kasabay no'n, nakuha niya na ang cellphone ko.

"Tawagan mo si Bhie. At sabihin mong sunduin tayo dito. Marunong kasi s'yang magdrive.", pag-uutos ko muli.

"K.", tipid na sagot niya sa akin at di-nial na nito ang number ni Bhie.

Pumayag naman si Bhie kaya ang tanging ginawa namin ay maghintay sa kanya.

Pumasok na kami sa loob ng kotse, kung saan sa likod kami pumwesto.

Para 'di maging awkward ay nagplay ako ng music.

Hindi na kasi kumibo pa ang taong 'to.

At ako naman, pasulyap-sulyap sa babae.

Pero ganon na lamang ang kilig na naramdaman ko, nang ipatong ni Ms.Samonte ang kanyang kamay sa kamay ko.

Nagawa niya pa itong pisilin para iparating sa akin na magsalita ako.

Kaya awtomatikong tiningnan ko siya sa mata, kasabay no'n tumugtog ang kanta na relate sa amin ngayon.

"I'm sorry Ms.Samonte, mahal lang kita kaya nagseselos ako sa bestfriend mo.", pag-aamin ko rito.

"Mas mahal naman kita kaysa sa bestfrend ko eh.",

"Alam ko. Pero yung kaninang nakita ko, nakakaselos!", saad ko na may gigil sa boses.

"Hindi ko naman 'yon ginusto. Nabigla rin ako. So sorry, ganon talaga si Daniel, masyadong sweet pagdating sa akin.", pagpapaliwanag niya.

"Tsk.",

"I love you. 'Di ko na uulitin 'yon, promise. At pagsasabihan ko na rin si Daniel.", pagpapangako ni Ms. Samonte.

"Dapat lang.", I replied.

"Pero kapalit no'n, ayoko na maging close kayo ni Muse. Arasso? Kasi nakakaputangina lang eh. Ayy sorry. Nanggigigil talaga ako sa kanya. Masyadong insecure sa akin. At higit sa lahat, dinaig niya pa si Jollibee sa sobrang pabida.", asar na wika nito dahilan para mapatawa ako.

"Hahaha.",

"Oh bat ka tumatawa?", mataray nitong saad.

"Para ka kasing baby kung umakto.", natatawa kong bigkas.

"Baby ka dyan, 'di kaya!", pout na turan niya.

"Oo Ms.Samonte, baby ka.",
"--Kaya simula ngayon, kahit hindi pa tayo, baby na ang tawag ko sa'yo. In short, BABY ANG TAWAGAN, PERO ASAWA ANG TURINGAN.",
ngiting litanya ko dahilan para kiligin siya.

Basic na banat ng isang gurong katulad ko!

___END OF CHAPTER 37___

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now