Chapter 34

1.5K 65 0
                                    

Chapter 34

Ms. Samonte POV:

Nanatiling tahimik at nakatikom ang bibig ni Daniel.
Alam niya kasi kapag nagagalit na ako.

Kaya kapag sinabi kong tumigil na siya, talagang titigil na ito.

Ganyan talaga 'yan si Daniel, masyadong masunurin sa akin.
Kaya nga love na love ko 'tong kaibigan ko eh.

Isinanday ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

Wala naman na malisya 'yon para sa amin dahil nga magbestfrend kami.

Hanggang sa, unti-unti akong nakaramdam ng antok dahil sa sariwang hangin na nalasap ko.

___

SIR POV:

NANG saktong uwian na, pumunta ako ng gate para tingnan kung palabas na rin si Ms.Samonte.

Alam ko kasing nandito pa rin siya sa loob ng campus dahil hindi sila makakalabas hangga't hindi pa uwian.

Masyadong strikto ang guard dito kaya sigurado akong nasa tabi-tabi lang siya kasama ang kanyang bestfriend.

Tsk! Naalala ko na naman ang lalaking 'yon!

I can't control my emotion kapag si Daniel ang pumapasok sa isip ko.

Wala akong tiwala sa taong 'yon kahit na bestfriend niya pa si Ms.Samonte.

___
Naghintay ako ng ilang minuto, pero hindi ko pa rin makita ang babaeng mahal ko.

Kaya sa 'di-sinasadya, si Muse pa itong nakita ko at nakakita sa akin.

"Oh, hi Sir? Waiting for me?", smirk na bigkas niya.

"No.", walang ganang turan ko.

"Grabe, napakadiretso mo naman sumagot. But anyways, ngayon lang kita nakita na naghihintay sa may gate? So sino ba ang hinihintay mo?", taas-kilay na tanong nito.

"Wala ka ng pake do'n Angelica. It's none of your business anymore.", kalmado kong turan.

"My Ghad! Nagtatanong lang ako Sir.", natatawang sambit niya kasabay ng paghakbang nito palapit sa aking pwesto.

"Pero sa tingin ko, alam ko na yata ang sagot sa tanong ko. Si Ms.Samonte ba?", muli nitong bigkas.

Tiningnan ko lang siya at hindi na lamang ako nagsalita.

"Wooahhh. Silence means yes? So I got it Correct!", tila isang bata na napasigaw ito.

"Tumigil ka na Angelica at umuwi ka na lang.", wika ko sa babae.

"Ayoko nga. Gusto ko pang makita kung paano mo hintayin si Ms.Samonte. Kasi nacucurious na ako masyado, kung bakit hinihintay mo siya? Is there something--",

"Hinihintay ko siya dahil marami pa s'yang gagawin sa condo. Magluluto at maglilinis. Kaya 'wag na 'wag kang mag-iisip ng mali Angelica. At baka 'di mo magustuhan ang gagawin ko sayo.", malamig na pagpapatuloy ko sa kanyang sinabi.

"Ohh, nakakatakot naman Sir. Pero sige, sa ngayon, hindi muna ako magdududa. But, I'll remind you lang ha, na sa oras na may makita ako na 'di ko gusto sa inyo ni Ms.Samonte, ako na mismo ang gagawa ng kwento na ikakasira niyo pareho. Dahil masyado na talaga akong nakakahalata. So be careful, I'm watching. Always watching.", she replied as she smiled like a devil.

Cold ko s'yang tiningnan bago ito umalis sa harapan ko.

Nakakainis na rin minsan ang dalaga.
Halos lahat ng kilos ko, gusto n'yang bantayan.

And fuck! Because of her, natatakot ako na baka masira ang buhay ni Ms. Samonte.

____

END OF CHAPTER 34

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum