Chapter 18√

4K 141 13
                                    

Chapter 18

Ms.Samonte POV:

Matapos kong kumain ng almusal ay niligpit ko na ang kinainan. Diretso hugas na rin ako ng pinggan.

Naninibago lang ako ngayon kay Sir dahil 'di man lang nya ako pinagalitan. Sa halip, siya pa mismo ang nag-asikaso at nagluto ng almusal.

Oh diba?
Anyare sa kanya?
Naglasing lang ako naging ganyan na siya?
Baka naman narealize niya na mali ang ginawa nitong pagsira sa cellphone ko.

Hayss.
Masyado akong naniniwala sa inaakto niya.
Kaya ayan, humahantong sa maling akala ang lahat dahilan para masaktan ako.

Pero teka, yung halik sa panaginip ko?
Parang totoo talaga eh.
Kasi ramdam ko ang labi ni Sir na dumikit sa labi ko.

At ang ikinatataka ko, masyadong matanong ang binata, kung may naalala ba ako kagabi?

Hindi kaya TOTOO ngang hinalikan ako ni Sir?

Dahil sa naisip kong 'yon, napailing na lamang ako.
Gumagana na naman ang pagiging assumera ko.

Dahil kasambahay ako dito, nagsimula na akong maglinis ng apartment ni Sir.
As usual, sweet na sweet kong nasusulyapan sila Sir at Bhie na naglalambingan.
Hays.
Nakakasawa na rin. Palagi na lang silang ganyan.
Kahit medyo nasasaktan ang aking puso ay isinantabi ko na lamang ito.

Aaminin ko, hanggang ngayon ay galit pa rin talaga ako kay Sir.

Galit ako sa kanya dahil sinira nya ang mahalagang bagay sa buhay ko.

Kapag tinatanong at inuutusan lang nya ako kami nag-uusap.

At kapag nasagot ko na ang tanong nya o kapag nagawa ko na ang utos nya, parang hindi kami magkakilala.

In short, naging malamig na ang pakikitungo ko sa kanya.
I think, mas mabuti na nga ang ganito.
Para kapag dumating ang panahon na malaman kong SILA na ni Bhie, masakit lang ang mararamdaman ko at hindi na yung masakit na masakit.

Mabilis na lumipas ang oras at lunes na naman.

Kaya nauna na akong nagising at pinaglutuan ko na ng almusal si Sir.

Matapos kong gawin ang lahat ay naligo na ako at umalis na para pumunta na ng campus.

Hindi ko na hinintay pa si Sir at nauna na talaga ako.

Nang pumasok ako sa classroom namin, si Muse agad ang bumungad sa mata ko.

"Oh Ms.Samonte? Wow ha? Himala ! At di ka na late ? Siguro nadisiplina ka na ni Sir noh ? Hahaha. Kung sabagay, masyadong strikto si Sir kaya matatakot ka talaga sa kanya." Ngising saad nito sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na lang ako papunta sa aking upuan.

"Abah ! Tinatalikuran mo na lang ang isang tulad kong maganda ha? Ganyan ka na ba kung mainggit sa akin Ms.Samonte?" , Muling bigkas nito.

Lakas din ng self confidence ng bruhang ito sa sarili nya.

Kaya naman para matauhan ang taong to ay hinarap ko sya at titingnan mula paa hanggang ulo.

"First of all, ilang beses na kitang natalikuran kaya wag kang feeling na naiinggit ako sayo. And second, wala akong pakialam kung maganda ka dahil ikaw lang naman ang nagsasabi nyan ! So Shut up ! " Palaban na bigkas ko naman.

"Masyado ka talagang matapang Ms.Samonte, pero eto lang ang masasabi ko sayo-- Mahirap kalabanin ang isang tulad ko !"

Matapos nyang sabihin yan ay tinarayan nya ako.

Suss. Tinatakot nya pa ako?
Duh !
Hindi na uubra yan !

Hanggang sa pumasok na rin si Sir para maglesson, since sya ang adviser namin syempre sya ang first period namin.
So ang nangyari ay tiningnan nya ako na para bang tinatanong ako kung 'Bakit di ko sya hinintay na pumasok rito?'

Dahil sa galit nga ako sa kanya ay tinaasan ko lang sya ng kilay.

Abah !
Bahala sya sa buhay nya !
Kapag ako GALIT ! Wala syang magagawa para pigilan ako sa gusto ko !

Nagsimula ng magturo si Sir at habang nagsasalita sya sa unahan, alam kong sinusulyapan nya ako.

Syempre, dahil sa galit ako sa kanya kada tingin nya sa akin, isang taray ang tanging naitutugon ko rito.

Hanggang sa dumating yung point na may kumausap sa akin na isa kong lalaking klasmate which is nasa likod ko lang.

"Ms.Samonte, pwede ba kitang ayain maglunch mamaya?"

Dahil sa tanong nito ay napalingon naman ako sa kanya.

"Why?" maikling tanong ko sa kanya.

"Ah napag-isipan ko kasi na parang gusto kitang makilala ng lubusan."
Sagot nito sa tanong ko.

"And?" Pagtatanong ko muli.

"And gusto kitang maging kaibigan, Ms.Samonte."

"Yun ba? Okay. Sige, mamaya sabay tayo maglunch. Basta ba libre mo ha?" Pagpapayag ko naman.

"Yah. Ako ng bahala Ms.Samonte." ngiting tugon nito sa akin.

"Good. Salamat kung ganon--"

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin na may biglang sumingit sa usapan naming dalawa.

"Ayoko sa lahat na may nagkekwentuhan sa oras ng klase ko !"

Nagulat ako nang biglang sumigaw si Sir.
Maging ang lahat ay nagulat rin dahil sa malakas na kalampag nito sa lamesa.

Kaya awtomatikong napaupo ako ng maayos at tiningnan ang reaksyon ni Sir na nakatingin rin pala ng diretso sa akin.

Kung galit sya , galit rin ako !
Kaya nagtama ang paningin namin na parang naglalaban.

Napatahimik ang buong klase at muling nagsalita si Sir.

"Tumayo kayong dalawa Ms.Samonte at ang lalaking nasa likod mo." seryosong sambit nito.

Kahit may pagtataka ay tumayo na nga ako kasunod non ay tumayo na rin yung nasa likuran ko.

"Total naman parang mahalaga ang pinag-uusapan nyong dalawa. So bakit di nyo i-share sa amin yon?"

"Hindi naman mahalaga ang pinag-uusapan namin. Kaya walang dahilan para ibahagi namin yon sa klase." Malakas na loob na sabi ko.

"At bakit naman Ms.Samonte? Kanina nga ang ingay-ingay nyong dalawa. And now na binibigyan ko kayo ng oras para ibahagi sa amin ang pinag-usapan nyo, ayaw mo pa ! Ganyan ka ba talagang babae Ms.Samonte?" Panghahamon nitong saad.

"Tsk. Fine Sir ! Okay, gusto nya akong ayain maglunch mamaya. Or should I say, gusto nya akong makilala ng lubusan mamaya. So now- happy?"
Taas-kilay kong wika.

Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha nito.

"Hindi pwedeng sabay kayo maglunch mamaya Ms.Samonte." biglang saad nya.

"At bakit naman sir?"

"Dahil marami ka pang gagawin. Ikaw ang tutulong sa akin mamaya." pahayag nya naman.

"Tutulong saan?"

"Malalaman mo rin after the class Ms.Samonte. Kaya kung ano man ang binabalak nyong dalawa na lunch-lunch na yan, eag nyo ng ituloy !"

Matapos sabihin yon ni Sir ay muli nya akong tiningnan at napunta rin ang kanyang tingin sa kaklase kong nasa likod which is napayuko na lamang.

Bwisit din ito si Sir!

Sumisingit na lang sa usapan namin at nangingi-alam pa.
Tskk.

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now