Chapter 17√

4.1K 134 10
                                    

Chapter 17

Sir Nathan POV:

Saan ba pumunta si Ms.Samonte?
Alas-sais na ng gabi at wala pa siya.
Hindi ba niya alam na may taong nag-aalala at naghihintay sa kanya rito?

Alam ko namang kasalanan ko kung bakit siya umalis.

But shit! Handa naman akong magsorry.
Bumili na rin ako ng pagkain para pag-uwi niya, meron s'yang makain.

Kanina kasing umaga hindi ito nag-almusal, kaya hindi ako mapakali sa kakaisip.

Pabalik-balik akong naglalakad habang tinitingnan ang orasan.
Ilang minuto na lang at mag-seseven o'clock na! Tsk.

Madiin ko namang hinilamos ang aking kamay sa mukha at napahinga ng malalim.

"So ano? May napala ka ba? Wala diba? So ngayon, lessonearned na, okay? huwag masyadong magpadalos-dalos.", panenermon ni Bhie na may halong pangangaral pa.

"Tsk. Bhie, alam kong kasalanan ko. Pero please,'wag mo ng ipamukha sa akin na parang ang sama kong tao. Nagsisisi na ako sa ginawa ko.", malungkot na sambit ko.

"Abah, dapat lang na magsisi ka noh! Ikaw ang gumawa ng mali kaya itama mo!",

"Yah. Itatama ko talaga. Kaya 'wag ka ng maingay dyan. Nakakarindi kasi Bhie.", saad ko .

"Wow ha? Ako pa talaga ang nakakarindi. Im just giving an advice. Duh.", masungit na bigkas nya.

Daig pa nito ang isang babaeng menoupos kung makapag-akto eh. Ang sungit!

"Fine. D'yan ka na nga at tatawagan ko si babe.", huling wika ng dalaga at pumunta ng kwarto.

Mabuti na lang at umalis na ito.
Napailing tuloy ako at muling sumagi sa isip ko, kung saan ba pumunta ang dalaga?

___

Ms.Samonte POV:

"Woooooohhhh!",
"Ohhh Yeahhh!,
"Ang Saya!!!",
"Grabe!!!",

Tama nga si Gwapo magiging masaya ako. Naibsan nga ang lungkot sa puso ko dahil kasama ko siya.

Kaninang umaga, linibot niya ako sa lugar na 'di ko pa napuntahan.
At ngayong gabi, nandito kami sa bar.
Kahit papano, nagkaroon ako ng tiwala sa binata. Alam kong hindi niya ako hahayaan na bastusin dahil lagi siyang nasa tabi ko.

"Nakainom ka na ba ng alak, Ms.Samonte?", tanong nito sa akin habang katabi ko siyang nakaupo.

"Nah. Hindi pa. Hindi kasi ako mahilig no'n noh. Baka 'di makaya ng sikmura ko at masuka pa ako.", pagsasabi ko ng totoo sa kanya.

"Haha. Ganon ba? Bakit 'di mo i-try? Wala naman sigurong mali kung subukan mong uminom.", wika nito.

"H'wag na. Ayoko talaga.",

"Ayaw mo talaga? Kahit konti?", muling tanong nito at umiling ulit ako.

"Alam mo ba na ang alak ay nakakatulong para makalimutan ang problema?", pahayag niya.

"Hindi naman epektibo 'yan.", bigkas ko rito.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa nata-try. Actually noong una, hindi rin ako mahilig uminom ng alak. Pero nung iwan ako ng babaeng mahal ko, natuto akong uminom. So ayon, napapadalas ang pagpunta ko rito.", pagkukwento niya naman.

"Iniwan ka? T-teka? Ano bang nangyari? May iba na s'yang mahal?", sunod-sunod na tanong ko.

"Nope. Iniwan nuya ako dahil 'di niya kayang labanan pa yung sakit.", malungkot na sagot nito.

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now