Chapter 46

975 44 0
                                    

CHAPTER 46

Nathan POV:

Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi kay Ms.Samonte dahil sa medyo alien na kilos niya ngayon.

Actually, nasa loob na kami ng kotse. And at the same time, nagmamaneho na rin ako.

Pero hindi ko talaga maipaliwanag, kung bakit ang sama ng tingin sa akin ng babaeng mahal ko.

Ewan ko ba, wala naman akong ginawang mali sa kanya. Tsk.

At kagaya ngayon, para s'yang baliw na nakayakap sa sarili.

Pero nung tiningnan ko siya at masyadong mataray ang mata niya.

"Teka nga, may problema ka ba sa akin?", seryoso kong tanong.

I can't take this anymore. Feeling ko, minumura niya na ako sa isipan.

"Samonte, tinatanong kita.", pag-uulit kong bigkas.

"Wala! Magdrive ka na nga lang dyan. At 'wag na 'wag kang titingin sa akin, okay?", sambit nito na may katarayan sa boses.

"Huh? Bakit naman?", turan niya.

"Ehh, sa ayoko.", asar nitong tugon.

"Hays. Ano bang sumapi sayo?", naiinis ko na ring saad.

"Wala."

"Kung wala, tell me, bakit ganyan ang mga kilos mo?", I asked her again.

"Wala lang. Trip ko lang. Pake mo ba?", muli n'yang sagot.

"Trip mo? O baka meron ka lang? Dinatnan ka ng regla, noh?", wika ko para hulaan ang tumatakbo sa isip ng dalaga.

"Excuse me, wala kaya.",

"Edi ayos. Para naman magawa natin ang mga bagay na pwedeng gawin sa resort.", I said while smirking.

Marami kasing sumasagi sa utak ko na pwedeng mangyari habang nando'n kami.

"Huh? A-ano bang tinutukoy mo dyan? Anong sinasabi mong pwedeng gawin?", kinakabahan nitong bigkas.

So for the second time, I looked at her.

"Anong mukha yan Samonte? Wag mong sabihing--iba ang nasa isip mo.", turan ko sa babae.

"Hindi kaya.", pagdedeny nito.

"Hahaha. Well, ano pa ba ang pwedeng gawin sa resort bukod sa magswimming?", balik na tanong ko sa kanya.

"Huh? Ahh--",

"Masyadong malamig ang klima ro'n. Kaya masarap gawin ang--", pagsasaad ko sana kaso pinutol niya ang sasabihin ko, gamit ang malutong na mura.

"Tangina naman Nathan! Kung may binabalak ka sa akin, pwede 'wag mo ng ituloy!", sigaw nito sa pagmumukha ko.

"What?", tanging sambit ko.

"Wow! Maang-maangan pa ha? Akala mo ba 'di ko alam?! Hoy Mr.Nathan, for your information kahit na ganito akong babae, hindi mo mabibilog ang utak ko ha?! At never mo akong mapapasakay sa gusto mo!", bulyaw niya muli.

But this time, may kasama pa itong duro na animo'y umiigting na ang panga sa galit.

"Ano bang pinagsasabi mo?", naguguluhan na litanya ko.

"Alam mo ang gusto kong sabihin. Hindi ba't isang gabi tayo sa resort? At sabi mo date lang 'to? Pero shit Nathan?! May date bang may dalang condom ha? Ha?!", maangas nitong saad.

Awtomatikong nagulat ako sa sinabi niya.

"Y-you mean, pinakialaman mo yung wallet ko? Akala ko ba, wala kang nakita?", wika ko sa dalaga.

"Ah, aksidente ko lang 'yon nakita.", tugon niya habang kinakamot ang batok.

Now, I know the reason why she's acting like this.

"Fuck! Kung 'yan ang nasa isip mo, wala na akong magagawa pa. Pero gusto ko lang ipaliwanag sayo na hindi ako gumagamit ng condom. Because to be honest, si Bhie ang nagbigay sa akin n'yan. And she said, condom is a lucky charm. So naniwala naman ako. That's it.", pag-eexplain ko kay Ms. Samonte.

At dahil dito, napangiwi ang labi niya.

©Binibining_Timoji

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now