Chapter 48

1K 43 3
                                    

CHAPTER 48

Ms. Samonte POV:

Hindi ko lubos maisip na ganito pala kayaman si Nathan.

Akala ko, simpleng tao lang siya o kaya nakaka-angat lang sa buhay.

Pero heto at milyonaryo pala ang magiging future boyfriend ko.

Hindi ko tuloy alam kung masisiyahan ba ako?

Kasi diba, isang hamak na mahirap lamang ako tapos estudyante pa.

Ewan ko ba at nagkakaroon tuloy ng kaba ang damdamin ko.
Sana hindi matulad sa movie ang pag-iibigan namin ni Nathan.

Yung tipong hindi ako matatanggap ng magulang niya dahil sa estado ng buhay ko.

Pero shit! Ayokong mangyari 'yon.
___

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa pangambang sumagi sa aking isipan.

Siguro nahalata ito ng binata dahil biglang tumaas ang kabila n'yang kilay.

"Oh? Ang lalim ng paghinga mo ha? Parang may iniisip ka yata.", he said.

Kilalang-kilala niya na talaga ako.

"Ah, ako? Ahm wala.", tugon ko kay Nathan.

"Talaga? So bakit, bigla kang natulala sa akin at natahimik?", tanong niya ulit.

"Ehh ano kasi, ngayon ko lang napagtanto na ang lalim pala ng dimples mo baby.", pagpapalusot kong turan.

At para maging kapani-paniwala ito ay ngumiti pa ako sa lalaki.

"Ikaw talaga. Matagal-tagal mo ng nakikita na ngumingiti ako pero ngayon mo lang nasilayan ang kalaliman ng dimples ko.", natatawa n'yang saad.

"Syempre, madalas ko kasing ituon sa mata mo ang tingin ko kapag kinakausap mo ako.", wika ko sa binata.

Yan na lamang ang tanging sinabi ko para makumbinsi siya.

At sa wakas, bumitaw ulit siya ng masayang ngiti sa akin. Kasabay ng paglahad nito ng kamay sa akin.

"Let's go?",

"Huh? Babalik na tayo sa room?", saad ko.

"Nope. May pinaka-espesyal tayong pupuntahan.", wika niya bilang sagot.

"Na naman? Grabe ang pakulo mo Nathan ha. Ang dami mong espesyal na lugar.", pahayag ko sa kanya.

"Yah. Parang ikaw. Espesyal ka sa buhay ko baby.", pagbabanat nito.

"Asuss. Halika na nga. Baka bumanat ka na naman d'yan, hahaha.", nakangiting sabi ko.

Kinikilig kasi ako kaya pinatigil ko na siya.
Mahirap na, baka umihi ako ng wala sa oras.

So here we are, magkaholding hands ulit na tinungo ang sinasabi niyang lugar.

And one thing I know, I'm happy with him.

____

Nathan's POV:

Ako mismo ang hinila ni Ms. Samonte na tila siya ang nakakaalam ng lugar kung saan ko ito dadalhin.

Hindi ko talaga alam kung may saltik ba talaga ang babaeng 'to, o baka may lahi siyang pagka-alien.

Kaya pangiti-ngiti na lamang ako habang hawak niya ang aking kamay.

At maya-maya, napahinto siya at tinitigan ako.

"Bakit pala ako ang nangunguna? Diba ikaw ang nag-aya kung saan na lugar ang pupuntahan natin?", bigkas nito na animo'y narealize niya rin 'yon.

"Oo, kaso bigla mo akong hinila.", I replied.

"Ah, hinila pala kita hehe. Sorry naman. Ano ba yan.", pagkakamot na saad niya.

"It's okay. Nakakatawa ka talagang kasama baby. Para kang dalagang matanda na makalimutin.", wika ko kay Samonte.

"Grabe ka naman. Dalagang matanda talaga, hmp.", pout na sambit nito.

Pero mabilis ko siyang hinalikan sa labi, dahilan para magulat siya.

"One pout, One kiss.", saad ko at sabay kindat sa kanya.

"Luhh? Ang daya. May ganon ba?",

"Yep. Sa ating dalawa, merong ganon.", turan ko muli.

"-Natetempt kasi akong halikan ka sa tuwing nagpa-pout ka Ms. Angel.", patuloy kong sabi.

"Palusot mo.", iling na tugon niya.

"Hahahaha. Halika na nga. Hindi naman dito ang daan na pupuntahan natin.",

Matapos kong iwika ito, ay ako na mismo ang humawak sa kamay ni Samonte.

At 'di rin nagtagal, nakarating na kami sa pinaka-espesyalna tinutukoy ko.

"WOW! Tree house?", sambit nito.

Umaapaw na rin sa itusra nito ang kamanghaan.

"Yeah. OUR tree house.", pagdidiin kong sabi.

"OUR? Ibig sabihin, sa atin?", kunot-noong tanong niya kaya marahan akong tumango.

"10 years old palang ako, nung napagdesisyunan kong gumawa ng tree house. Nung magtapat ka sa akin na crush mo ako, hindi ko na makalimutan ang mukha mo. Kaya sinabi ko sa sarili ko, na magtatayo ako ng tree house para sa babae na naging inspirasyon ko. At ikaw 'yon Ms. Angel Samonte.",
"--Halos limang taon ko rin 'tong ginawa. Estudyante palang ako no'n ka pakatapos ng klase ko, dito ako tumutungo para lang matapos ang tree house na 'to. Kaya heto ang kinalabasan ng pagsisikap at pagtitiyaga ko. So, this is the most special place for me.", mahabang wika ko na may halong paliwanag.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you. Thank you Nathan. Ang dami mo palang nagawa para sa akin. I can't imagine na magiging ganito ako kaswerte.", malambing na turan nito.

"So let's go? Pasok na tayo sa loob. Dahil marami ka pang makikita na ikakasaya mo.", I said as I smiled.

Kaya dahan-dahan akong humakbang pataas, habang inaalalayan ko ang dalaga.

At nung makapasok na kami sa loob, ay nasilayan ko mismo sa mata ni Samonte ang saya at galak na nararamdaman niya.

Kahit sino naman, magiging masaya kung makikita niya ang mga larawan sa dingding nito.

At hindi lang 'yan, dahil nakaukit mismo sa may puno, ang pangalan naming dalawa.

"Nathaniel and Angel.",

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now