Chapter 32

1.6K 61 0
                                    

Chapter 32

Ms.Samonte POV:

Halos malaglag ang aking panga nang makita kong nakangiti sa akin si Bespar.

Kumakaway na rin siya at umaapaw ang saya sa damdamin niya.

Shit!
Ano ba 'tong nangyayare?

Bakit parang pinagtatagpo ang landas naming tatlo?

Sinasadya yata 'to ni tadhana.

Nakaramdam ako ng pamumula sa pisngi nang lumingon si Sir sa gawi ko.
Sa mata niya palang, alam ko na ang pinapahiwatig nito.
He's asking me, kung ito ba ang kasama ko kanina.

Kaya dahan-dahan akong tumango bilang tugon.

Akala ko mag-iiba ang ekspresyon ng mukha nito at magagalit sa akin.

Pero hindi eh.

Dahil yung galit na para sana sa akin, napunta kay Bespar.

"Hindi ka artista dito kaya 'wag kang magpacute. Kay bago-bago mo, kung umasta ka, masyado kang feeling pogi.", litanya nito sa binata.

The heck!

Nagawa n'yang sabihin 'yon sa malamig na boses.

"Pasensya na Sir, masaya lang talaga ako. Dahil bukod sa nakita ko na ang mga bago kong kaklase, nandito rin ang aking--", sambit nito at napatingin sa aking pwesto

"Tsk. Hindi mo ba alam ang salitang respeto? Ako ang kinakausap mo pero sa iba nakatutok ang mata mo.", muling saad niya.

"Ah sorry ulit Sir. Sadyang hindi ako makapaniwala na kaklase ko ang babaeng--",

"H'wag mo ng ituloy ang sasabihin mo at maupo ka na. Ang dami mong sinayang na oras. Late ka pang dumating.",

"Sige ho Sir.", tugon nito at naglakad patungo sa akin.

"Hindi na available ang upuan na katabi ni Ms.Samonte. May nakaupo na d'yan na iba.", pagpipigil na saad ni Nathan.

"Huh? Pero wala naman akong nakikitang nakaupo, Sir? 'Wag mong sabihin na may nakikita kang multo?", pamimilosopong sambit niya.

"Ang ayoko sa lahat, yung pilosopo.",

"Hindi po kita pinipilosopo Sir. Mali lang talaga ang pagkakasabi mo.", muling sabi nito.

"Mr. Daniel, 'wag mo akong sagutin ng ganyan. Magkaroon ka naman ng common sense. May nakaupo d'yan, kaso absent.", inis na turan niya.

"That's better Sir, common sense.", ngiting pahayag ni Besspar kasabay ng pag-upo sa tabi ko.

"Kakasabi ko lang na--",

"Sir, ikaw din ang nagsabi diba? Absent ang nakaupo dito, so wala namang problema kung dito muna ako umupo pansamantala. Kaya mabuti pa kung magsimula ka ng magturo d'yan, kaysa pakialaman mo ako.", pagmamatigas na wika nito.

Potah! Believe din ako sa katapangan ng kaibigan ko!

"Sa ugali mo palang, natitiyak kong babagsak ka sa subject ko. Tsk.", bigkas niya sa binata.

"It's okay Sir. As long as, alam ko ang tama.", pahayag ni Daniel na may ngisi sa bibig.

___

Sir POV:

Parang magkakaroon yata ako ng highblood dahil sa baguhang lalaking 'to.

Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili at mukhang tataas yata ang dugo ko sa kanya.

Tsk.
Bukod sa pilosopo siya, talagang hindi siya nagpapatalo sa akin.

Kung hindi lang sana ako guro, kanina ko pa ito nasuntok.

Since nandito na rin ako, minabuti kong tumuro na sa kanila habang wala rin akong klase.

Lagi akong tumitingin sa pwesto nila Ms. Samonte at Daniel.

And that time, sakto kong nakita ang paghawak ng kamay ng lalaki sa babaeng mahal ko.

Lalo tuloy akong nainis, dahil sa halip na tabigin ni Ms.Samonte ang kamay nito, talagang hinawakan niya na rin.

Kung pwede lang sanang batuhin ang taong 'yon ng eraser at chalk ay kanina ko pa ginawa.

Fuck!

Kaso nga lang, iba ang nangyare.

Dahil hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan silang dalawa.
Palapit kasi ng palapit ang mukha ni Daniel sa mukha ni Ms. Samonte.

Kaya nang makalapit ako sa kanila, ako na mismo ang s'yang nagpalayo sa mukha ng lalaki.

"Ganyan ba ang tinuro sa'yo sa dati mong eskwelahan ha?", I asked him na may galit sa tono.

"Huh?", pagtatakang tanong nito.

"Kanina pa ako naiirita sa inyo. Dahil sa bawat pagtingin ko sa side niyo, lagi na lang kayo naghaharutan. Kabago-bago mo palang masyado ka ng maangas at feeling close sa mga babae!", saad ko sa mataas na boses.

"Sir--",

"Shut up! I don't need your explanation.", madiin kong bigkas sabay baling ko ng tingin sa dalaga.

"--At ikaw naman, mag-pay attention ka. Matuto kayong dalawa na makinig sa nagsasalita sa unahan. Hindi yung paghaharutan ang inaatupag niyo. Masyado kayong nakaka-istorbo sa klase!", panenermon ko kay Ms. Samonte.

I know that my words are too much.

But shit! Nagseselos ako!

"Excuse me lang Sir pero hindi paghaharutan ang ginagawa namin.", kalmadong sambit ng babae at tumayo ito para harapin ako.

"Talaga ba? At paano mo mapapaliwanag ang nakita ko kanina? May hawak kamay kayong nalalaman. At kung hindi ako lumapit, siguro naghahalikan na kayo!", I shouted.

"Sir, sumusobra ka na ha? Ganyan na ba kakitid at kalawak ang pag-iisip mo? At pati sa maling imahinasyon, nasasabi mo 'yan?", inis na nitong sabi.

"Sinasabi ko lang kung ano ang nakita ko.", turan ko sa kanya.

"Nakita mo? Pero 'di mo inisip kung ano ang totoong nangyare. Oo, magkahawak ang kamay naming dalawa, and it's normal dahil bestfriend ko siya. Pero yung sabihin mo na maghahalikan kami? Oh my goodness! Ibang usapan na 'yan! Don't you see? Mapula ang mata ko, and that's the reason kung bakit malapit ang mukha ni Daniel sa mukha ko dahil napuwing ako.", pagpapaliwanag niya.

Medyo napahiya naman ako sa nalaman ko.

And yeah, galit na naman si Ms. Samonte.
Damn it!

___END OF CHAPTER 32___

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin