Chapter 38

1.5K 61 0
                                    

Chapter 38

Ms. Samonte POV:

Pinipigilan ko na 'wag maihi sa loob ng kotse dahil sa matamis na salitang binitawan ni Nathan.

I can't imagine na ganito pala ang tingin niya sa relasyon namin.
Well, hindi pa naman officially na kami.
But the way he acts, talagang ramdam ko ang pagkaseryoso nito.

Isabay mo pa na tinawag niya akong baby, tapos asawa pala ang gusto n'yang ituring sa akin.

Shit!
Ako na yata ang pinakamaswerteng babae!
___

Dahan-dahan namang hinawakan ni Nathan ang magkabilang pisngi ko kaya ramdam ko ang mainit nitong palad.

Teka, eto na ba?

Eto na ba ang continuation ng naudlot n'yang halik sa loob ng bar?

Waaaahh!!!
Pigilan niyo ako!

Takte!!!
Amoy na amoy ko na ang hininga ng binata.

At ayos lang kahit amoy alak siya.
Ang mahalag, mahal namin ang isat-isa.

And I guess, this is the right time and right place para sa second kiss namin.

Unti-unti ko namang pinikit ang aking mata para hintayin ang pagdampi ng labi nito sa labi ko.

Isa...

Dalawa...

Tat----

"Uyy! Maya na kayo maghalikan d'yan, pinapainggit niyo ko eh.", sitang saad ng babae.

What the Fuck!

'Yun na sana ehh.

Maghahalikan na kami ni Nathan.

Kaso napaka-wrong timing ng datingan ni Bhie.
___

We don't have choice, kundi ang mapakamot na lamang sa batok.

At ngayon, tanging paghawak na lamang sa kamay ko ang ginawa ni Nathan. Samantalang si Bhie ay tawang-tawa sa unahan.

And because of that, napalukot ang mukha ko sa sobrang badtrip.

Dalawang beses na akong napaasa sa halik na 'yan!

Ang malas!

"Bakit ba bigla-bigla ka na lang pumasok sa kotse bhie? Hindi mo man lang kami ininform.", inis na turan ni Nathan.

Tama!
Dapat lang na tanungin niya ito!

"Sorry naman. Hindi ko na kasi dinala ang phone ko. And beside, 'di ko naman alam na maghahalikan kayo.", ngising sambit niya na talagang nakikita ko sa maliit na salamin.

"Tsk.", bigkas ko rito at napabuntong ng malalim.

"Hahaha. Galit ka na ba sa lagay mong 'yan, Angel?", pang-aasar nito.

"Ewan ko sayo bhie. Hindi na kita love.", pagtatampo kong sabi.

"Asuss. Ikaw talaga. Halik lang 'yon.",
"--Di bale, pagdating sa apartment, ituloy niyo na lang 'yon ni Nathan ha? Malay niyo, hindi lang halik ang mangyari. Magkaroon pa kayo ng main event. HAHAHAHA.", natatawang wika niya.

"Main event na ano?", I asked her with curiousity.

"Secret. Tanong mo dyan kay Nathan. Tiyak na madami s'yang alam.",

"H'wag mo akong idamay bhie. Hindi ako nanonood ng porn.", defensive na saad ng katabi ko.

"Hahaha. Wala akong sinabing ganon Nathan ha. Ang green talaga ng utak mo.", litanya nito.

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now