Chapter 49

1.1K 44 1
                                    

Chapter 49

Ms. Samonte POV:

Memorable!

'Yan ang masasabi ko sa araw na 'to.

Yes, napaka-memorable, dahil marami akong natuklasan tungkol sa lalaking mahal ko.

At lahat ng 'yon, ay sobrang saya at kilig.

Hindi ko lubos maisip na sobrang patay na patay pala sa akin si Nathan.

Sa madaling salita, ako talaga ang nagsilbing inspirasyon at lakas niya.

Hindi ko tuloy maiwasan na 'di mapaluha dahil sa iba't ibang emosyon na umaapaw sa damdamim ko.

May halong inis, kasi may mga epic akong picture sa dingding na nakadikit.

Yung tipong maiisip ko na, ako ba talaga to?

Kasi ang nene ko masyado sa ibang larawan.

And on the other side, sobrang confident na ako dahil ganap na dalaga na ako do'n.

So now I know, na stalker ko pala itong si Nathan.

___

Napaupo na lamang ako sa sahig, kasabay ng pag-aya ko kay Nathan na umupo na rin.

At dahil don, nag-open ako ng topic.

Para kahit papano magkaroon ako ng idea about sa family niya.

"Hmm baby, mabait ba ang magulang mo?", I asked him.

"Yah. Mabait naman sila. Ang kaso nga lang, sobrang strikta ni mom. Pero kay dad, wala akong masasabi dahil kung saan ako masaya, he support me.", turan nito habang nakangiti.

"Ganon ba? So how about your mom? Pa'no mo nasabing strikta siya? Ibig sabihin ba nito nakakatakot s'ya?", sunod-sunod kong tanong.

"Hahaha. Hindi naman. Pero minsan, oo. May times na natatakot ako sa kanya. I mean, nung hindi pa ako ganap na guro, natatakot ako na suwayin ang mga utos niya sa akin. Kasi sa totoo lang, si mom, masyadong mataas ang expectation.", pagsasabi nito dahilan para kabahan ako.

"Ano bang ibig mong sabihin? Pwede, mag-straight to the point ka naman.", tugon ko sa binata.

"Well, my mom is half human, and half devil.", diretsang sagot niya.

Awtomatikong lumaki naman ang mata ko dahil sa narinig ko

"Ano?! Teka--seryoso ka ba?",

"Yah. But don't worry baby, alam ko namang kaya mong pakisamahan ang mom ko. And if she know you better, tiyak magiging close kayo.", kindat nitong saad.

"Baby naman eh. P-pano kung hindi? Pano kung ayaw niya sa akin?", malungkot na turan ko.

"Ms.Angel Samonte, 'wag ka munang mag-isip ng negative. Okay?", pahayag muli nito, kaya napatango na lamang ako.

Kahit may kabang nararamdaman ang aking dibdib dahil sa nalaman ko tungkol sa mom ni Nathan ay pinilit kong isantabi muna ito.

Sabagay, tama naman siya. H'wag agad akong mag-isip ng ka-negahan sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari.

All I need to do, is to think possitive.

Fighting lang dapat Ms.Samonte!
___

Nang makampante na ako, bumalik ako sa pagiging masigla.

Kasama na dito, ang pagiging sweet ko kay Nathan, and at the same time, an pagiging childlish ko.

Well, habang nasa loob kami ng tree house, hindi maalis ang pagiging aso't pusa namin ni Nathan.

May mga times kasi na namimilosopo siya at ako naman ay medyo napipikon.

So at this moment, nakahiga na si Nathan habang ginagawa n'yang unan ang aking hita.

At ako naman, sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang aking kamay.

Kaya habang ginagawa ko 'yon, nanatiling nakatingin ako sa mukha ng binata.

"Alam kong pogi ako. Pero 'wag mo naman akong titigan ng ganyan. Medyo nahihiya na kasi ako eh.", mayabang na saad nito.

"May hiya ka pa pala Mr.Nathan.", natatawa kong tugon.

"Syempre, ugaling gwapo ako eh.", he replied as he winked at me.

"Naku Nathan, tigil-tigilan mo ako sa mga ganyang salita.", bigkas ko rito.

"Bakit Baby? Totoo namang gwapo ako ha?",

"Oo na nga.", tugon ko na lamang at napahikab ako.

"Inaantok ka na baby?",

"Hmmm, medyo. Ang layo kasi ng nilakad natin eh.", pag-aamin ko.

"Kung ganon, ikaw na lang ang humiga.", wika niya at siya na mismo ang umupo.

"Huh?"

"Gawin mo ring unan ang hita ko, para makatulog ka.", he said again.

"Wag na noh.", pag-aayaw ko pa.

"H'wag ka ng makulit.", turan niya muli kaya pumayag na lamang ako.

Humiga ako sa hita nito at ipinikit ko ang aking mata.
____

Nathan's Mom POV:

On the way na ako sa resort namin, para kunin ang pera kay Miguel.
Kung saan s'ya yung isa sa mga pamangkin ko na pinagkakatiwalaan kong maghandle ng resort habang may importante kaming nilalakad.

Yet, sobrang importante.

And it is all about Nathan.

©Binibining_Timoji

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon