Chapter 35

1.6K 63 0
                                    

Chapter 35

Ms. Samonte POV:

Hmmmm...
Ang sarap ng tulog ko.
Ang sarap kasi ng sariwang hangin dito.

Pero teka, ba't parang medyo matigas ang unan ko?

Napadilat agad ako ng wala sa oras para tingnan kung ano nga bang unan ang gamit ko.

Pero ganon na lamang ang aking gulat nang bumungad sa akin ang tulog mantikang mukha ni bespar.

At abah! May kasabay pa talagang hilik na halatang nasasarapan siya sa pagtulog.

Kung ginawa kong unan ang dibdib niya, siya naman ginawa niya ring unan ang bewang ko.
Parang lamig na lamig nga siya dahil sa higpit ng kanyang pagkakayakap sa akin.

Grabe! Bespar ko talaga etong si Daniel.

Akma ko na sanang gigisingin ang binata sa pamamagitan ng pagkiliti ko sa kanyang ilong, kaso hindi ko ito natuloy dahil sa biglaang pagsulpot ni Sir.

"Kaya pala wala kayong balak na lumabas ng campus dahil may sariling mundo kayo rito.", bigkas nito sa amin.

"-Sir Nathan.", utal kong sambit.

"Alam niyo bang kanina pa uwian?", saad ulit ng lalaki.

"Ahm--",

"Pero sa tingin ko, hindi niyo 'yon namasdan dahil may pinagbi-busyhan kayo.", muli nitong sabi.

"Nathan--",

"I don't need your explanation Ms.Samonte. Sapat na siguro ang mga nakita ko ngayon. At kung sasabihin mong para sa inyo, wala 'yon na malisya, nagkakamali ka. Dahil meron din akong bestfriend na babae at alam ko ang limitasyon ko bilang kaibigan niya.", wika ni Nathan na animoy may iba na ang pananalita.

Akma na sana akong tatayo nang biglang nagising si Daniel.

"Ang sarap ng tulog ko pagkatabi ka, Bespar. Namiss ko yung mga araw na ganito tayo dati.", malambing na sambit nito.

Wala tuloy akong masabi kasi alam kong sasabog na sa galit si Nathan.

____

Sir Nathan POV:

Nanatili akong nakatingin sa dalawang tao habang nagyayakapan.

Hindi lang basta yakap 'yon, dahil base palang sa posisyon nila kahit sinong manliligaw, magagalit at magagalit talaga.

Gusto kong magmura ng malutong sa harapan nila pero pinigilan ko dahil alam kong mali 'yon sa akin bilang guro.

Kaya hindi na lamang ako nagsalita pa at tinalikuran ko na sila habang nakakuyom ang aking kamao.

Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta.

Basta ang tanging gusto ko lang ay ang magsaya at makalimot sa mga nangyayare ngayon.

Kasi tangina! Ang sakit din pre!

Masakit din 'yon sa EGO ko!

_____

Ms.Samonte POV:

I don't know why but I feel sad right now.
Para akong nakonsensya nang makita ni Nathan ang yakapan namin ni Daniel.

Nang alisin ko ang pagkakayakap ng binata sa akin, ay abot-tanaw ko na lamang si Nathan habang palakad ito palayo sa aming pwesto.

Alam kong sinundan rin ni Bespar ang aking mata.
Kaya naman mabilis kong kinuha ang aking bag at tumayo na ako.

"Sandali lang Angel.", pagpipigil nito.

"B-baket?",

"Okay ka lang ba?", tanong niya.

"Ah, oo naman. Bakit mo naman natanong 'yan?", balik na turan ko.

"Wala lang. Bigla ka kasing natahimik. Dahil ba ito kay Sir?", he asked again.

"Huh? Of course not. Okay lang talaga ako. Kung ano-ano d'yan ang iniisip mo. Halika na at umuwi na tayo baka kasi magsara ang gate.", tanging wika ko sa kanya.

"Sige. Hatid na kita.", ngiting tugon nito.

"Okay. Pero hanggang gate mo lang ako ihatid ha? May pupuntahan pa kasi ako.", sambit ko sa binatang kasama ko.

"Sure.",

Matapos ang pagsang-ayon ni bespar, sabay na kaming naglakad.

Actually, wala talaga akong pupuntahan.

Ayoko lang sabihin na kila Sir ako nakikitira ngayon.

Mahirap na diba?

Gusto ko munang magkaroon ng privacy kahit na kaibigan ko si Daniel.

Nang matunton na namin ang gate, pinauna ko ng sumakay ang bestfriend ko. At ako naman ay pumunta na ng paradahan.

Diyos ko!
Hindi ko alam ang gagawin ko mamaya.

Pero bahala na.

Lalambingin ko na lang siguro si Nathan para maibsan ang galit niya.

_____End of Chapter 35____

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin