Chapter 30

2K 78 0
                                    

Chapter 30

Sir Nathan POV:

Talagang hindi pumunta si Ms.Samonte sa aking office para magtake siya ng test.

Kahit kailan talaga, hindi ko mapantayan ang katigasan ng ulo nito.

I love her, pero si Angelica kasi ang kinakalaban niya.

Sabagay, hindi pa siguro alam nito na lola ni Muse ang Principal ng paaralan.

That's the reason kaya maraming estudyante ang natatakot kay Angelica.

Pero si Ms.Samonte?

Wala itong takot.

At ako pa yata ang natatakot sa kanya sa pwedeng gawin ni Muse.

___

Ms.Samonte POV:

Natapos ang lesson namin na mainit ang ulo ko dahil kay Sir at Angelica.

Kaya nang mag-break time, mabilis akong lumabas ng classroom.

And yes, wala akong balak na pumunta ng office ni Nathan.

I don't care kung ibagsak niya ako or mababa ang grades na makuha ko.

Basta may isa akong salita.
Na kailan man, hinding-hindi ko bibitawan.

So ayon, pumunta na ako ng canteen para kumain at mabawasan ang init ng ulo ko.

As usual, maraming tao.
Kaya iisang table na lang ang natitira.
Madali ko namang nilagay ang aking bag sa table, to make sure na wala ng makaka-una.

Malapit din naman 'yon sa bilihan ng pagkain at alam kong hindi ito mawawala.

Nang makabili ako, agad akong bumalik sa table kung saan nakalagay ang bag ko.

Pero putcha!
Ginawang laruan ang bag ko ng mga demonyita!

At talagang pinagpasa-pasahan pa ito nila Muse at ang bruhang barkada niya.

Awtomatikong lumaki ang mata ko, nang makita ko mismo kung pa'no itapon ni Angelica ang bag ko sa basurahan!

Hindi na ako nakapagtimpi at agad kong kinwelyuhan ang dalaga.

Wala akong pakialam kung masayang ang pagkain na binili ko.
At wala rin akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao.

"Tangina mo ha! Wala kang karapatan na tapunin ang bag ko!", mariin kong sambit.

"Ohh, bag mo pala 'yon? Akala ko kasi, malaking basura! Andumi kasi masyado. Parang katulad mo.", ngising pahayag niya.

"Kung basura ang bag ko, ikaw naman malaking virus sa lipunan! Kaya dapat sayo, pinapatay!", galit kong turan at mas hinigpitan ang pagkakakwelyo.
Sinasakal ko na siya sa puntong ito.

"Ah ahh--ugh hindi makahinga.", nahihirapang sabi nito.

"Hey! Bitiwan mo siya!",

"Pakawalan mo na si Angelica!",

"Itigil mo na sabi 'yan!",

Dahil sa tatlong barkada na umaawat sa akin, naalis ko ang kamay sa leeg ni Muse dahilan para makalayo siya sa akin.

"Fuck! Papatayin mo talaga ako?! You're a killer! Ahhhh! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin Samonte! Isusumbong kita kay Grandma!", pagbabanta nito.

"No need. Wala namang may maniniwala sa'yo Miss. Nakita ko ang lahat ng nangyari. At ikaw 'tong nagsimula. Base sa nakuha kong video, kitang-kita ko kung pa'no niyo gawing basura ang bag niya.", sulpot na bigkas ng isang lalaki.

Pareho kaming napalingon ni Angelica sa gawi ng binata.

"And who the hell are you?!", ngitngit na tanong ni Muse.

"Im Daniel. A transferee student here.", sagot naman nito.

Oh my gosh!
Wala na yata akong masasabi pa.

Is this for real?!

Andito na ang bespar ko?!

Close.

Open.

Close.

Open.

Close.

Open.

Close.

Open.

'Yan na ang paulit-ulit kong ginagawa sa aking mata.
Pinipikit ko ito at minumulat bigla.

At 'di nga ko namalikmata!

Dahil si Bespar nga ang nakita ko ngayon sa aking harapan.

Ibig sabihin, pinagtanggol niya ako.

Para tuloy akong maiihi sa kilig nang biglang kumindat si Daniel.

Sa mga kindat niya palang, alam ko ang gusto n'yang iparating.

"So now Miss, magsusumbong ka pa ba sa GrandMa mo? Kung nasa akin naman ang totoong ebidensya?", wika nito habang pinapakita ang kanyang cellphone kila Muse.

At ilang minuto pa ay galit na umalis si Angelica kasama ang alagad niya.

Natatawa na lamang akong lumapit kay Bespar kasabay no'n, malakas ko siyang sinuntok sa dibdib.

"Grabe ka! Ginulat mo naman ako sa pagdating mo eh!",

"Hahaha sorry na. Ikaw kasi, 'di ka man lang sumasagot sa mga tawag at chat ko sa'yo.", he said.

"Ah hehe, sorry. Busy lang ako sa pag-aaral eh. You know naman diba? I'm so masipag. Nga pala, asan yung pasalubong ko?", pabiro kong tanong.

"Pasalubong agad? Diba pwedeng yakap muna?", ngiting sambit niya.

"Suss, yakap ka d'yan. Para ka ring tanga eh noh? Alam mo naman na maraming mapanghusga, makita lang nila na may kayakap, malandi agad?", turan ko sa binata.

"Well, you have a point. Pero teka, matanong ko lang, bakit parang nag-iisa ka yata? Wala ka bang kaibigan dito?",

"Hmmm. Sa kasamaang palad, wala eh. Haters, marami. Ewan ko ba, ayaw nilang makipagkaibigan sa akin. Pero pagdating sa awayan, abah! Gustong-gusto nilang gawin 'yon! As you can see, yung mga babae kanina, grabe! Parang makakapatay ako ng wala sa oras. Tsk.", inis kong bigkas.

"Haha. 'Yan ang gusto ko sa'yo, masyado kang palaban Bespar.", pagsa-saad nito.

"Abah syempre naman, kapag mahina ka, lalo ka nilang aawayin. So dapat laging palaban at laging handa.", kindat kong litanya.

"Yah. Believe na ako sa'yo.", sambit niya kasabay ng pag-gulo sa buhok ko.

"Mas believe nga ako sa'yo Best eh. Kakatransfer mo palang, meron ka na agad na ginawang kasinungalingan. Kahit na 'di mo sabihin, alam kong wala kang hawak na ebidensya. Kasi halata ko palang sa kindat mo kanina hahaha.", natatawa kong tugon.
___

Sir POV:

Habang busy ako sa aking ginagawa, nakareceive ako ng bagong text galing sa Principal.

Principal: Sir Nathan, may bago kang estudyante na papasok sa'yo.
So I want you to introduce him on your class. ASAP!
__

Dahil sa nabasa ko, ibang kabog ng puso ang aking naramdaman.

And wait,

HIM?

So it means, LALAKI ang bago kong estudyante ngayon.

___END OF CHAPTER 30__

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Where stories live. Discover now